[29] Wag kang lalayo

1.1K 42 0
                                        

Chapter 29: Wag kang lalayo

[Naomi's POV]

Kalma lang Naomi. Kaya mo 'to. Kaya mong harapin ang lahat ng ito. Malalaman mo lang naman ang katotohanan. Malalaman mo lang kung sino sila. Silang matagal mo ng hinahanap. Inhale. Exhale. Kaya mo 'to.

"Nandito na po si Sister." napatayo ako sa kina-uupuan ko. Mula sa pinto may pumasok na isang madre na sobrang amo ng mukha at hindi malayo ang edad kay Aunt. Pumunta siya sa harapan ng upuan na inuupuan ko. Pina-upo niya rin naman ako.

"Magandang araw po." bati ko sa kanya. "May gusto lang po sana akong tanungin. Gusto ko po--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Gusto mong malaman ang tungkol sa mga magulang mo. Tama ba ako, Ineng." napatango ako sa tanong ng madre na nasa harapan ko. Hindi ko akalain na ganito lang pala kadaling malaman ang mga tunay kong magulang. Akala ko magiging mahirap katulad ng sinabi ni Suzy. "Marami na rin ang pumupunta rito para malaman ang tungkol sa bagay na 'yan. Bale, pang sampu ka na ngayong araw. Hindi ko ba malaman sa mga kabataan ngayon, at gustong gustong ungkatin ang nakaraan. Eh, kung pwede naman silang mabuhay sa kasalukuyan." umiiling na sabi niya. Humarap ulit siya sa akin at saka nagsalita.

"Kanino ka bang anak? Alam ba 'to ng mga magulang mo?" napayuko ako sa tinanong niya. Hindi pa alam ni Aunt na umalis ako ngayong araw. Nag-leave ako sa trabaho ko. Hindi rin ako nagpaalam kay Lina na pupunta ako dito sa Batangas, alam ko naman kasi na pangangaralan niya lang ako. Bakit ko ba naisipang gawin 'to?

"Anak po ako si Rolando Gonzales at Nelly Gonzales. Madalas daw po silang pumupunta rito noong mga bata pa po kami." pagtunghay ko ay may kakaiba siyang tingin sa akin. Para bang nagtataka, na naguguluhan. Hindi ko maintindihan.

"Isa ka palang Gonzales. Hindi ko alam. Ang laki na rin ng pinagbago mo. Noon sobrang likot mo pa at madalas na makipag-away sa mga bata dito. Nagtataka nga ako at may umampon pa rin sayo." natatawa niyang wika. Porket masama wala ng mag-aampon? Harsh mo naman. "Bakit ba gusto mong malaman ang tungkol sa mga tunay mong magulang?"  huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita.

"Matagal ko na po kasi silang hinihiling na makita. Tutal malapit na rin po ang birthday ko. Napagpasyahan ko pong hanapin sila." pumilas siya ng isang maliit na papel at kumuha ng ballpen at saka nagsulat. Inabot niya sa akin ang papel. Nakasulat rito ang address ng isang simbahan.

"Dyan ka natagpuan dati. Iniwan ka ata ng nanay mo. Sabi nila isa ka raw anghel na nanggaling sa langit dahil sa maputi ka raw at maamo ang mukha--" hindi ko na marinig ang sinasabi niya dahil sa nakapokus lang ang pag-iisip ko sa binigay niyang papel sa akin. Sabi dati ni Mama natagpuan niya lang raw ako sa isang basurahan at umiiyak pero bakit parang iba ata ang sinasabi nitong madre.

Balak ko sanang tanungin sa kanya kung totoo ang sinasabi niya kaso nga lang wala na akong lakas ng loob para tanungin siya. Syempre, baka sabihin niya "Hindi ka naniniwala?! Kung gayon... lumayas ka na rito.Imposible naman ata 'yong iniisip ko. Madre siya at kapag ginawa niya 'yon lagot siya kay God.

"Ay, Ineng pwede ka ng umalis." epic naman. Nag-eemote pa 'yung tao.

"Sabi ko nga po aalis na po ako." pagkasabi ko noon, tumayo na ako at lumabas ng bahay ampunan. Nakita ko ang mga batang masayang nagtatakbuhan. Ganito ba ako nung bata ako. Naging masaya ba ako? Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng may mabangga akong batang lalaki.

"Sorry," sabi ko rito. Tumayo siya na parang walang nangyari. Teka, parang pamilyar ang mukha ng batang 'to. Tiningnan ko siya ng mabuti. "Batang iyakin ikaw ba yan?" sabi ko rito. Tiningnan niya rin ako.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon