[42] Awakening

1.1K 32 2
                                        

Chapter 42: Awakening

[Crystal’s POV]

“Paki-pinch nga ako, nanaginip ba ako?” kinurot ko naman siya tagiliran.

“Aray! Ito naman. Metaphor lang ‘yon,” sabi niya sa akin.

Para akong nananiginip nasa harapan ko ba talaga siya? Parang isang panaginip lang ang nakikita ko, nakapag nagising na ako babalik na kami sa realidad. Paano ba siya napapunta dito? Mabuti na lang hindi inatake si Aunt sa puso.

“Akala ko patay na siya,” sabi Leo habang nagmamasid rin kay Ate na putuloy na lumalamon.

Parang nakatulog siya ng ilang taon dahil sa pagkain niya. Halos lahat ata ng ihain ni Mama at Papa kakainin niya.

“Ayaw mo ba ng nakikita mo. Isang himala kaya ang nangyari kay Friend. Akalain mo ‘yun matagal pa lang mamatay ang masamang damo,” sabi ni Lina sabay halakhak.

*BANG!*

“Aray!!! Si Friend naman jokie jokie lang ‘yon,” patuloy pa rin ang paghimas niya sa noo dahil sa binato siya ni Naomi ng matigas na unan.

Tumayo ako sa inuupuan ko.

“Ma, Pa bibili lang po ako ng pagkain at inumin para kay Ate,” sabi ko.

Palabas na sana ako ng bigla na lang nagsalita si Ate.

“Ingat ka kapatid!” sigaw niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakakatuwa talaga si Ate.

Nakakapagtaka lang kasi parang hindi man lang na-comatose ang babaeng ‘yon. Nagulat nga ako ng pagpasok ko nakita ko siya doon at ginigising si Aunt. Noong una, natatakot akong lumapit pero dahil maganda ako lumapit na rin ako sa kanya. Noong hawakan ko siya para akong kinuryente. Tinanong ko siya kung paano siya nakapunta pero namilosopo kaagad siya sabi niya sa akin…

“Malamang naglakad alangan naman na gumapang ako. Isip-isip din,” doon ko lang na confirmed na hindi siya multo. Sobra nga ang init ng katawan niya kaya imposible naman na Mummy siya.

Pumasok na ako ng elevator. Actually takot ako sa elevator kasi ayokong ma-stuck sa elevator. Feeling ko kasi kapag nakulong ako sa isang lugar na sobrang liit hindi ako makahinga ng ayos.

“Wait!” nadinig ko ang boses ng isang lalaki.

Nakita ko ang pagpigil niya sa elevator. Nakita ko ang mukha niya matangos na ilong, fair skin, matangkad, medyo singkit, all in all may itsura siya.

Pumasok siya ng elevator. Umisod ako ng kaunti para magkasya kaming dalawa. Sobrang tahimik ng paligid. Hindi ko na masyadong iniisip si Ate tutal ayos na naman siya pero nakakapagtaka talaga kasi paano siya nabuhay kung ganong sabi ng doktor hindi na raw siya humihinga.

“Miss, have we met?”

Dahan dahan akong lumingon sa lalaking katabi ko. Nakatingin siya sa akin at may ngiti sa mga labi niya. Hindi ko na lang siya pinansin, humarap ulit ako sa may unahan na parte ng elevator.

“Miss, are you an angel? Because you look like one.”

Ano bang mayroon sa kokote ng lalaking ‘to? Hindi ba niya nage-gets na Ayoko. Siyang. Kausap. Na ayoko sa mga lalaking um-english na ng um-english. Hindi ba niya alam na nasa Pilipinas siya.

“Alam kong naiirita ka sa akin but please pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

Hindi ko pa rin siya pinapansin. Magdada ka dyan hindi naman kita papansinin. I don’t talk to strangers.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon