[18] Rooftop

1.7K 44 9
                                    

Chapter 18: Rooftop

[Naomi's POV]

"Wilt thou have this Woman to thy wedded wife, to live together after God's ordinance in the holy estate of Matrimony? Wilt thou love her, comfort her, honour, and keep her in sickness and in health; and, forsaking all others, keep thee only unto her, so long as ye both shall live?"

"I will"

"Naomi, wilt thou have this Man to thy wedded husband, to live together after God's ordinance in the holy estate of Matrimony? Wilt thou love him, comfort him, honour, and keep him in sickness and in health; and, forsaking all others, keep thee only unto him, so long as ye both shall live"  tumingin ako sa mga magulang ko. Hindi ko sila masyadong makita dahil sa medyo blurred 'yung paningin ko. Tumingin ako sa groom, bakit hindi ko rin siya makita masyado? Tapos hindi ko din nadinig 'yung pangalan niya nung sinabi ng Father.

"Naomi?" napatingin ako sa Pari. 

"Yes" ngumiti ang Pari.

"Tinatanggap mo ba siya bilang iyong asawa." napatingin naman ako sa groom at bigla ko na lang nabitawan ang bulaklak na hawak ko. Bakit siya? Hindi ba si...

"Naomi, ayos ka lang ba?" napatingin ako sa mga tao. Nasaan si Mama? Si Papa? Bakit si Crys lang ang nandito? Tumingin ulit ako sa Pari. Nagtataka siya kung bakit ako nagulat? Kahit ako nagtataka ako kung bakit ako nagulat kung gayon dapat nga akong maging masaya. Pinulot ko ang bulaklak. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"I..." bakit hindi ko masabi? Ano bang nangyayari sa dila ko? "I..." napatingin ako sa likod niya kung saan nakita ko ang dapat ikakasal sa akin. Malungkot siya at nakatungo lang. Naawa ako sa kanya. "I will..." tumulo ang luha sa mata niya. At naramdaman ko rin ang sakit. "..not." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Hinigit ko siya at sabay kaming tumakbo palabas ng simbahan.

"Naomi," tatlong beses niyang tinawag ang pangalan ko. Sa panghuli niyang tawag bigla na lang siyang nawala. Tumigil ako sa pagtakbo at hinanap ko siya. Nasaan siya? Bakit niya ko iniwan?

"NAOMI!" napa-upo ako sa higaan ko at nakita ko si Aunt na alalang-alala sa akin. Hinawakan niya ng noo ko. Panaginip lang pala, akala ko totoo. "Binangungot ka na naman ba?" tanong sa akin ni Aunt. Tumango na lang ako at kinuha ang tuwalya ko. "Hindi ka siguro nagdadasal sa gabi kaya ka binabangungot. Bilisan mo sa paliligo at pasukan niyo na ulit" tiningnan ko ang cellphone ko. 9 o'clock. Monday, November 3, 2014. Tapos na ang sembreak namin na nauwi sa paggawa ng project'sss. Lumipas ang isang buong linggo na hindi nagpaparamdam si Nick.

Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita at natatakot sa mata niya, isama na nga rin ang pagiging sweet niya. Simula ng iwanan niya ako sa Mall, wala na akong nadinig sa kanya. Naiisip ko nga kung tapos na 'yung deal namin. Dapat ba akong matuwa kung matatapos na 'yung deal? Siguro.

"Ampon, bilisan mong maligo. Baka malate ako sa class!" sigaw ni Crys. Hindi ko na siya pinansin at pumunta na sa banyo. 15 minutes akong naligo. Buhos. Shampoo. Conditioner. Sabon. Anlaw. Ganyan maligo ang mga batang late. Sabi ni Crys baka raw malate siya eh kung makaligo siya aabutin ata siya ng bagong taon sa tagal niyang maligo. Iniwan ko na lang siya pagkatapos kong kumain. Tutal may 30 minutes pa ako, medyo binagalan ko lang ang paglalakad.

Ang dami kong kasabay na mga mag-syota sa daan. Sus, maghihiwalay rin 'yan. Bitter much? Hehehe, inggit ako. *beepbeep* may bumusina naman sa likod ko. Nakita ko ang isang limo na tumigil sa tapat ko. Si Nick kaya 'to? Grabe, ang yaman talaga 'non. Nagbukas ang bintana ng limo at nakita ko si...

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon