[34] Balot o Penoy

1.2K 38 0
                                        

Chpater 34: Balot o Penoy

[Lina's POV]

"So, guys ano na ang ating plano?" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Ang plano. Bumalik na tayo sa classroom kasi malapit na ang susunod nating klase." sabi ni Daddy Nick at handa ng tumayo pero pinigilan namin ni Leo. Umirap naman siya sa amin. Ang taray talaga nito. Kung maka-irap parang bading mabuti na lang gwapo nagmumukha siyang suplado.

"Birthday ng girlfriend mo ang pinagpaplanuhan natin. At saka bukas na kaya 'yon. Miyerkules na bukas." sabi ni Leo. Wala ng kaduksong na monkey kasi friends na kami diba. Kahapon, nga inaasar ako ni Naomi na lahat raw ng lovestory nagsisimula raw sa friendship. Sus, ipakain ko si sa bulate ko sa tyan.

"Ano bang gusto niyang gift? Ako na ang bahalang bumili." sabi ni Nick na halatang boring na boring na. Para na siya ang pumalit kaya Leo kasi ayaw niya na mapapalayo kay Friend. Gusto niya kung saan si Naomi magpunta nandoon rin siya. Naku, kapag nabagito ang mga ito. Tsk.

"Ikaw Lina alam mo ba ang gusto niyang regalo?" tanong ni Leo sa akin. Nag-isip ako. Isa lang naman ang hinihiling ng babaeng 'yon, mahanap lang ang pamilya niya ayos na.

"Hindi naman mahilig sa materyal na bagay si Naomi. Ang alam ko gusto niya lang hilingin na mahanap niya at makasama ang pamilya niya." sabi ko sa kanilang dalawa. Napatigil si Nick sa paglalaro sa cellphone niya at bigla na lang naging seryoso ang tingin niya.

Tumayo siya at ibinulsa ang cellphone niya. "Ilan taon na si Naomi?" tanong ni Nick sa amin. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Leo. Hindi niya ba alam ang age ng girlfriend niya? Grabe.

"19 na kapag nagbirthday siya." mas lalong naging seryoso ang mga tingin niya sa aming dalawa ni Leo.

"Bakit mas bata siya?" tanong niya sa amin. Oo nga bakit ngayon ko lang na-realize na mas bata sa amin si Naomi? Tapos palagi siyang nasa top. Grabe, ang talino pala talaga ng kaibigan ko. Nagkibit balikat na lang ako sa tanong niya. Hindi ko rin talaga alam.

Bigla na lang tumayo si Daddy Nick at lumabas ng green house. Anong nangyari doon? "Bakit nga mas bata sa atin si Naomi? Hindi ba dapat 20 years old na siya kapag nagbirthday siya." sabi ni Leo. Nakakasabog pala ng utak ang pag-iisip ng ganito.

"Simple lang accelerated siya." napatingin ako sa likod namin. Nakita ko si Crystal. Nadinig niya ba 'yung pinag-usapan namin?

"Accelerated? Ano 'yun?" tanong ko sa kanya. Umupo siya sa harapan namin kung saan kanina'y naka-upo si Nick.

"Accelerated siya. Ibig sabihin kung dapat noong first year college siya ay 17 years old na siya sa halip 16 years old pa lang siya. Na-accelarate siya noong highschool kami dahil nakitaan siya ng potential isa naming teacher na pwede siyang maging isang fourth year highschool instead na third year palang siya."

Napatango ako sa sinabi niya. Kaya pala ang talino ni friend, accelerated siya. Palagi na lang siyang top sa mga test ng school kaya madali lang sa kanya ang paggawa ng thesis, mga quiz ng prof namin na terror at mga katartehan ng school.

"Paano nangyari 'yon?" tanong ni Leo kay Crystal.

"Noong nasa highschool kaming parehas may practice teacher na nagdemo sa amin. Nasa parehas kaming grade at section ng mga panahon na 'yon, dahil sa pagsagot sagot niya sa mga tanong napansin siya ng isang head. Binigyan siya ng acceleration test at ayun naging accelerated at naging scholar at the same time"

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon