[28] Don't

1.3K 45 1
                                        

Chapter 28: Don't

[Naomi's POV]

"A-anong naiisipan mo a-at na tanong mo ang m-mga t-tunay m-magulang?" kanina pang nangangatog si Aunt. Lahat ng tanong sa isipan ko gusto ko ng masagot. Una, paano nalaman ni Suzy ang tungkol sa mga magulang ko. Pangalawa, paano niya nahanap kaagad ang mga magulang ko kung gayong ilang taon kaming naghanap sa mga tunay kong magulang. At pangatlo, anong kaya niyang gawin para hindi ko malaman ang totoo sa pagkatao ko.

"Aunt, gusto ko lang pong malaman." sabi ko kay Aunt. "Kailangan kong malaman..." pabulong kong sabi. Napatingin ako kay Crys na may pag-aalala sa kanyang mukha. Parang alam niya rin ang tungkol sa pagkatao ko. Naramdaman kong huminga ng malalim si Crys at saka siya tumayo sa harapan ko.

"Ate, tara nasa kwarto. Pagod na si Aunt, kagabi ka pa kasi hinihintay ni Aunt." hinawakan niya ang braso ko at tinayo ako sa kinauupuan ko. Pumunta kami sa kwarto. Umupo lang ako sa gilid ng kama. Ano bang ikinakatakot ni Aunt sa bagay na 'yon? Ayaw niya lang ba akong mawala. Siguro nga 'yun lang ang dahilan niya.

Iniabot sa akin ni Crys ang isang papel. Umupo siya sa tabi ko. "Ngayon lang ako magiging mabait sayo." sabi niya na hindi man lang tumitingin sa akin. Tiningnan ko 'yung papel, may nakalagay ditong address. "Ayan 'yung lugar kung saan palaging pumupunta si Aunt pati na rin si Papa at si Mama dati. Palagi nila tayong iniiwan sa bahay nina Aunt noon at pumupunta sila dyan. Hindi ko alam kung bakit sila pumupunta dyan basta ang alam ko may connection 'yan sayo." tiningnan ko ulit 'yung papel.

"Alam kong naging masama akong kapatid sayo pero ngayon magiging mabuti muna ako sayo. Kapag nahanap mo sila sabihan mo ako." sabi niya sabay labas ng kwarto. 15 Street Tambo Lipa City, Batangas. Malapit lang siya sa Maynila kaya pwedeng pwede akong umalis.

"ANO?! Bakit ka pupunta sa Batangas?! Alam mo bang malapit na ang pasahan ng thesis! Alam mo naman malapit na ang deadline natin kapag hindi tayo nakapagpasa dead rin tayo." inilagay ko ang libro sa may bookshelf at saka humarap sa kanya na may hawak na mga libro rin.

"Alam ko naman 'yung tungkol sa thesis. Isa pa malapit lang ang Lipa isang sakay lang  ng bus makakarating na ako doon." sabi ko sa kanya. Saka ko ulit inayos ang mga libro. May contest per department gagawa kami ng Mini Library kaya ito busy ang lahat sa pag-aayos ng library. Halos lahat ng kaklase ko pumasok except lang kay Jasper at Nick. Kahapon ko pang hindi nakikita si Nick.

Ayos na kaya siya? Naghilom na kaya ang sugat niya? Hindi na ba malala ang sugat niya? May hot pandesal pa kaya siya? "Friend, kain muna tayo, pagod na ako sa pagbubuhat nitong mga libro." sabi ni Lina. Kahit anong mangyari hindi niya talaga makalimutan ang kumain.

Pagdating namin ng canteen as usual ang daming tao. Hindi nga mahulugan ng karayom dahil sa dami ng estudyante. Halatang busy rin sila sa pag-aayos ng sarisariling library. Napakamot naman si Lina sa ulo niya.

"Paano tayo bibili kung sobrang daming tao dito? Kung sumigaw kaya ako na buntis ako para magsihawian sila. Tama ayun nga." ibubuka pa lang ni Lina 'yung bunganga niya, tinakpan ko na kaagad ito.

"Best, wag mong gagawin. Swear itatakwil kita bilang kaibigan." sabi ko sa kanya. Napayuko na lang siya. May bigla namang dumaan na dalawang magsyota sa harapan namin, kaya napatingin ako.

"Babe, date tayo mamaya pagkatapos ng paggawa ng library ha?"

"Oo, ba. Basta ikaw kahit ano gagawin ko." hinalikan naman nung lalaki 'yung babae. Landi to the max ang dalawa! Naiingit tuloy ako! Nasaan na ba kasi si Nick ko?! (Infairness may bago na akong inaangkin) Matanong nga mamaya kay Jasper kapag nagkita kami, pero paano ko tatanungin eh hindi nga pala siya pumasok, pupuntahan ko na lang siya sa kanila.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon