Chapter 07: Sweet or Fake
[Naomi's POV]
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Umaga na pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bigat ng balikat ko. Natutulog pa rin si Nick sa balikat ko hangang ngayon, sobra-sobra ang pagiging perfect niya. Tiningnan ko yung cellphone at nakita ko ay...
20 messages
35 missed calls
Tiningnan ko kung sino 'yung nagtext sa akin puro si Jasper. Oh my God!! Si Jasper!! Si Jasper 'yung nagtext. Gusto ko sanang magtatalon at kiligin ang tumbong ko kaso nga lang naalala ko may natutulog nga pala. Tiningnan ko naman kung sino 'yung tumawag... 35 missed calls from Jasper <3. WHAHAHAHAHAHA!!!! Is this real?! Is this is real?! Dan! Dan! Dan! Dalan- ay!! ano ba 'yan sa sobrang kilig ko napapakanta na ako!! Hindi ko na talaga mapigil ang pagkakilig na pasigaw tuloy ako.
"AHHH!!!" nagulat si Nick at nagising siya. Hahaha!! Ang epic nung mukha niya tapos para pa siyang nakapang-kung fu. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa.
"Anong nangyari?! Bakit ka sumigaw?!" grabe! panic na panic na siya. Tinuro ko siya sabay sabi ng... "Hahahaha!!! Nakakatawa ka para kang ewan! Hahahaha!!!" nakatingin siya sa akin ng masama pero wapakels ako. Hindi ko talaga mapigil eh! Nakakatawa talaga. "Ano naman nakakatawa?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya tapos tumawa ako.
"Pfft- ikaw. Hahahaha!!!" Masama pa rin niya 'yung tengen niya sa akin. Hahaha!! Hindi ko talaga mapigil na mapatawa. Kasi naman naka-fighting stance siya na pang-kung fu tapos parang papatay siya ng tao.
"Si Shomba nasa likod mo," si S-shomba n-nasa likod k-ko. WHAHAHAHA!!!!! Dahil sa takot ko bigla na lang akong napayakap sa kanya. Nasaan na si Shomba? Naku, ayoko pang mamatay! "Hahahahaha!!" bigla naman tumawa si Nick kaya napatingin ako sa kanya. Anong tinatawa ng gagong 'to? Anla, baka sinapian itech!!
"B-bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya. Utas na siya kakatawa, nakahawak na nga siya sa tyan niya. Tapos ngayon ko lang na-realize na nakakandong na pala ako sa kanya tapos nakahawak pa ako sa dibdib niya. Grabe! Sobrnag tigas nito tapos... NAOMI!! Nagiging manyak ka na naman!!
"Takot ka kay Shomba!!! Hahaha!!! Nakakatawa 'yung mukha mo" Ngayon, change situation na kami ako na ngayon ang tinatawanan tapos ako naman itong inis na inis.
*creek*
Biglang nagbukas ang pintuan at nakita ko si Suzy at si Jasper. Napatingin kaming dalawa sa kanila tapos silang dalawa parehas na nakakunot yung noo. Anong problema? "Pwede ka ng tumayo," bulong sa akin ni Nick. Anla!! Nakakandong nga pala ako sa kanya. Bigla akong tumayo at pati na rin siya tumayo.
"Hi! ^__^/" awkward kong kaway sa kanilang dalawa. Anong iisipin ni Jasper ko? Nakatingin lang sa akin si Suzy. Naku!! Ano ba 'tong napasok kong gulo?
***
Nguya. Tingin. Nguya. Tingin. Nguya. Tingin. Ang awkward naman ng sitwasyon namin. Nandito kami ngayon sa Pancake House. Oh di ba?! Ang sosyal ng lola nyo. Nagyaya kasi si Suzy na pumunta kami dito para kumain libre raw niya. Tutal naman raw ay umaga pa lang. Katapat ko ngayon si Nick tapos magkatabi sila ni Suzy. Ang boba ko talaga kanina. Bakit ba kasi ako nakakandog kay Nick kanina? 'Yan tuloy ang bigat ng atmosphere namin ngayon. Ni isa walang gustong magsalita. Tapos itong si Nick balik na naman sa pagiging poker face niya.
"Naomi, bakit hindi mo sinasagot 'yung tawag ko kagabi?" tanong sa akin ni Jasper. Napatingin ako sa kanya, ang laki ng eye bags niya.
"Nakatulog na kasi kami nung tumatawag ka," sabi ko sa kanya. Napatigil naman ng pagkain si Suzy at si Jasper. Bakit may mali ba akong sinabi? Tumingin ako kay Suzy at Jasper. Ano bang problema nila.
"Naomi, anong ibig sabihin ng natulog KAMI?" dininan ni Jasper 'yung pagkakasabi niya ng 'kami'. Ay!! Ang tanga mo talaga Naomi!! Bakit mo sinabing kami?! Patay ako nito!! Napalunok naman ako. Naku!! Ano bang dapat kong sabihin? Sasabihin ko ba sa kanila 'yung parteng *ehem* nakapatong si Nick *ehem* sa akin. Naku!! wag na!!
"Ang ibig niyang sabihin nakatulog na kami, kaya wala ng nakapansin na may tumatawag pala sa cell niya" Whoo!! Sakto 'yung pasok mo Nick. Mabuti na lang at nakikinig ka pala ng usapan namin, Nick. Baka mamaya matunaw na ako sa tingin nitong dalawang 'to. Tinuloy ko na ang pagkain.
"Nick, gusto mo pa ba ng pancake. Hindi ba paborito mo 'to?" napatingin ako kay Nick at Suzy na sobrang sweet. Akala ko ba break na sila? Nilagyan ni Suzy si Nick ng pancake sa pinggan nito.
"Ikaw, Naomi. Gusto mo ba ng chocolate shake? Hindi ba gusto mo 'yon?" nagulat naman ako dito kay Jasper. Bigla biglang nagtatanong. Habang kagat kagat ko yung tinidor ay tumango ako. Tinawag ni Jasper 'yung waiter, tapos umorder siya ng chocolate shake.
"Psst..." tinawag ako ni Nick tapos tinuturo niya yung chin ko. Napakunot noo na lang ako. Ano bang tinuturo ng lukong 'to? Binigyan ko siya ng 'ano-yun-look'. Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin tapos hinawakan niya yung part na malapit sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya. *dugdugdugdugdug* Si Heart bigla na lang bumilis ang pagtibok.
"Ayan, wala ka ng amos" bumalik ulit siya sa pagkaka-upo at kumain ulit. Sht!! Kinikilig ba ako? Ano ka ba Naomi? Kay Jasper lang 'yang puso mo. Hindi dyan sa supladong si Nick na yan. Kahit kailan wag kang ma-fafall dyan.
Pagtingin ko doon sa dalawa. Ang sama na naman ng tingin nila. Ano bang ginawa ko? Inosente naman ako!! Ito naman si Nick yung may gawa!! Hindi namana ako!! Susumbong ko kayo kay Mama pati kay Aunt!! Di Joke lang. Tinuloy ko na lang ang pagkain.
[Suzy's POV]
Hindi ko na talaga kaya 'to. Kanina nakita ko si Naomi na nakakandong kay Nick pero pinaglagpas ko lang pero ngayon hindi ko na kaya 'tong palagpasin. Ang landi rin nitong si Naomi. May Jasper na nga siya kinukuha pa rin niya sa akin si Nick. Hindi ko na talaga 'to kayang pigilin.
Iniharap ko si Nick sa akin. Nakita ko na naman ang walang emosyon niyang mukha. Hindi na ba niya ako mahal? Ano bang kulang sa akin? Wag niyong sabihin na gusto niya 'tong si Naomi. Hinigit ko si Nick sa kwelyo niya at binigyan ko siya ng mariin na halik. Wala siyang binigay na reaksyon sa ginawa ko. Samantalang dati kapag hinalikan ko siya he will also kiss me back. Nagbago na talaga siya.
Hiniwalay ko ang labi ko sa labi niya at tumingin sa parte ni Naomi. Halatang gulat na gulat sya. Pati na rin si Jasper gulat rin sa ginawa ko. Nakita kong nagkibit balikat na lang si Naomi. Wag mong sabihin na wala siyang pakealam sa ginawa ko? Sino ba sya? Sino ka ba Naomi Gonzales?
***
A/N: Keep voting ang please comment po kayo kung oks lang. Picture of Naomi and Nick ----------------------->
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*