Chapter 50: Trouble
[Naomi’s POV]
“Bitiwan mo nga ako!” ani ko at hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
Napatingin sa amin si Jess. Naiinis ako sa kanya. Bakit ba niya ginawa ‘yon?! Nakakahiya naman kay Nyx kasi naiwan siya doon. Nakakainis talaga si Nick!
“Jess, go inside the car.” Aniya.
Pagkapasok na pagkapasok ni Jess sa kotse ay nagsalita na kaagad ako.
“Bakit mo ginawa ‘yon?! Alam mo ba na nakakahiya ang ginawa mo!” ani ko.
“I don’t care, Naomi! Wala akong pakealam kung nakakahiya ang ginawa ko basta nakuha na kita tapos!” aniya.
“Ano bang mapapala mo kung makuha mo ako?! Wala naman diba?! Naawa ako para kay Nyx naiwan siya doon…” ani ko. “Kailangan ko siyang balikan.”
Tumalikod na ako mula sa kanya pero hinablot niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
“Kapag bumalik ka sa kanya. Asahan mo na hindi na kita kakausapin.” Malamig niyang ani.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tumakbo pabalik sa loob ng mall. Naaawa ako para kay Nyx dahil sa kabaliwan ni Nick naiwan ko siya doon.
Dali dali akong bumalik kung saan kami kumain. Pagkapasok ko ng restaurant nakita ko na wala ng tao na naka-upo doon sa table namin kanina. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakitang anino ni Nyx.
Sa halip, nakita ko si Kim. Lumapit ako sa kanya pero napatigil ako ng makita ko ang galit niyang ekspresyon habang may kausap sa telepono.
Lumabas na lang ako ng restaurant para hanapin siya. Saan ba nagsusuot ang lalaking ‘yon?
Nagulat ako sa biglang pagring ng cellphone ko. Sinagot ko ito.
“Hello?” ani ko.
“Friend, naka floral dress ka ngayon tapos naka flat shoes?” ani Lina.
“Oo bakit?” ani ko.
“Tumalikod ka.” Aniya.
Pagtalikod ko nakita ko ang mukha ni Lina na blooming at ang kamay na nakaakbay sa kanya. Pagtingin ko sa gilid niya ay nakita ko si Leo na ngiting ngiti. Sila na ba?
“Hi!” bati niya.
“Nasaan na ‘yung ka date mo?” tanong niya sa akin pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nangyaring pag-aaway namin ni Nick.
“Ewan, hindi ko na nga siya mahanap.” Ani ko. “Matanong ko lang kailan pa naging kayo?”
“Nitong Christmas lang. Tinanong niya ako sinagot ko naman siya.” Ani Lina.
“Sabi ko na nga ba may feelings ka kay Leo, ayaw mo lang aminin.” Pang-aasar ko kay Lina.
“H-hindi ah! Ikaw talaga Friend!” aniya.
Ngumisi naman ako dahil sa sinabi niya. Inilibot kong muli ang mata ko sa paligid baka makita ko ulit si Nyx pero wala pa rin akong nakitang lalaking na long-sleeve na gray at naka-pants. Baka umuwi na rin ‘yon.
Naglakad lakad kami sa vicinity ng mall. Madaming mag-syota doon at ako lang ata ang walang ka-date.
“Hindi ba ako nakaka-istorbo sa inyo?” ani ko.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
Любовные романыPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*