[36] Birthday Gift

990 37 1
                                        

Chapter 36: Birthday Gift

[Naomi’s POV]

Ito na ata ang pinakamasaya kong birthday ever. Kung mamatay man ako ngayon (pero sana wag naman) gugustuhin kong maulit ito. Alam niyo ‘yung feeling na parang pinapahalagahan ka.

‘Yung feeling na sobrang special mo sa lahat na hindi ka nila pwedeng saktan kasi ito ‘yung pinakamemorable na pangyayari sa buhay mo. Nakakatuwa ang mga kaklase ko, porket ako raw ‘yung bata ako raw dapat ang turuan ng mga lessons sa buhay.

Ang dami nilang birthday wish sabi ni Lina “Maging matured ka sana, Best.” Wow! Nakakahiya naman sa kanya sobrang matured niya. Hindi ko kayang sirain ang moment na ‘yon kasi alam mo na nagdadrama siya baka magalit kapag inokray ko.

Si Agatha ang tinuturing naming lider ng klase grabe parang ginawa niyang essay ang birthday message niya sa akin. ‘Yung tipong mapapaiyak ka sa sakit ng ulo sa kakaisip kung ano ang ibigsabihin ng mga lumalabas na sa salita sa bibig niya.

Halos lahat sila masaya para sa akin kasi matanda na raw ako. Sana maging matured. Palagi naman ‘yan ang sinasabi nila. Hindi ko nga alam kung magiging matured pa nga ako.

Ang pinaka-tumatak na message sa akin ay syempre sa first kiss, first boyfriend ko at maaring maging last ko rin na si Nick.

“Yam, sana hindi ka magbago. Sana forever ka na palatawa, makulit, isip bata, iyakin. Ayun kasi ang nagustuhan ko sa’yo.

“Sana magtagal tayo. Tatandaan mo na kapag may umaway sa’yo paparusahan ko kahit ang sarili ko, kung sakaling awayin kita.

“Kung magugulat ka sa regalo ko sana mahalin mo pa rin ako ng buong-buo walang labis walang kulang.”

Nang dahil sa sinabi niyang ‘yon kaya napunta kami dito sa may greenhose garden. Ito ‘yung garden na madalas kong tambayan kasi malamig at maraming paruparo. Sobrang ganda ng venue ng pagbibigyan ng regalo niya.

Noong sinabi niya nga ‘yung tungkol sa regalo niya lahat ng kaklase ko nag-gasp. Sabi ng boys mawawala na raw ang V-card ko. Pero paano mawawala V-card ko kung sa ganitong lugar niya balak gawin ‘yon.

Naomi! Tumigil ka na nga sa pag-iisip ng ganyan! Baka ikaw pa ang makakuha ng virginity ni Nick! Si Lina ang una kong nakitang lumabas sa isang pintuan. Namumula ang mata niya.

Umiyak ba siya? Siguro dahil sa tuwa. Kahit ako maiiyak sa tuwa, dahil sa sorpresa nila sa akin. Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Nick. Umakbay siya sa akin at hinalikan ako sa ulo.

“Kung ano man ang malalaman mo ngayon. Ihanda mo na ang sarili mo.”

May narinig akong nagsalita mula sa likod ko pero hindi ko naman alam kung sino ‘yon. Parang boses ng babae. Napatingin ako sa gilid ng stage. Nakita ko doon si Suzy.

Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin pero kakaiba ang ngiti niya parang may iba siyang pinapahiwatig. Hindi ko siya dapat pansinin ngayon, kailangan kong mag-enjoy ngayon.

Birthday mo ngayon kaya enjoy lang, Naomi.

“Si Best mahilig siyang tumingin sa stars tapos magwiwish siya.”

Tumingin siya sa direksyon ko at nginitian niya ako. Si Best nanood ‘to ng korean drama kanina pa siyang nagdadrama sa speech. Ano ba’to birthday ko o burol? Lahat sila nag-iiyakan. As in lahat sila.

“Alam mo ba best, nadidinig ko palagi ang wish mo na sana makasama mo na ang pamilya mo.”

Napatingin naman ako sa gilid namin ni Nick. Doon naka-upo si Jasper. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sa kanya nasasabi.

Erase! Kailangan kong makinig kay Friend!

“Kagabi ‘yan boyfriend mo! Tinawagan kami tapos sabi niya alam na raw niya ang magandang birthday gift sa’yo.”

Nag-sniff naman si Friend pagkatapos niyang sabihin ‘yon. Napatingin naman ako kay Nick na masayang nakikinig kay Lina. Nakangiti lang siya. Sana everyday nakangiti ka na lang.

“Sabi niya maganda raw ‘yung… *sniff* naisip niya. Sabi niya magiging masaya ka. *sniff* Sabi rin niya para sa kabutihan mo rin ‘yon.”

Bigla na lang umiyak si Lina. Binigyan siya ng tissue ng mga kaklase namin at huminga siya ng malalim bago ulit magsalita.

Gusto kong lumapit sa kanya pero pinigilan ako ni Nick. Siguro isa na ‘yon sa sopresa minsan lang kasing umiyak si Lina. It’s either iiwan siya o siya ang mang-iiwan.

“Sana magustuhan mo ‘yung regalo…niya…namin sa’yo.” Sabi niya habang naiiyak.

“Sana hindi mo kami iwan…” nadinig kong bulong niya sa microphone.

Mula sa dulo ng stage isang lalaki na nasa mid-50’s ang lumabas. Hindi naman siya ganoong katanda pero may konti na siyang putting buhok. Nakapang-bussiness attire siya at halatang nasa mayamang angkan.

Tumapat siya sa microphone at medyo hinampas niya microphone para malaman kung nagana ba ito. Biglang kong napansin si Jasper na gulat na gulat.

“Papa…” nadinig kong sabi niya.

Napatingin ako sa lalaki sa harapan ng stage. Siya. Siya ang tatay ko? Siya ang tunay kong tatay. Napatayo ako sa kinauupuan ko kahit na ngangatog ang tuhod ko nagawa ko pa rin siyang tingnan.

“Naomi…” nadinig ko ang mababa niyang boses.

“Naomi Gonzales… my daughter.

Parang nawalan ako ng hininga sa sinabi niya.

Tinawag niya akong anak! Tinawag niya ako bilang anak!

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa lalaki sa stage. Gusto ko siyang yakapin para malaman kung siya nga ba ang tatay ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Nick sa likod ko. Sobrang ganda ng regalo niya sa akin.

Sa kanyang paghakbang gamuntik na siyang madapa kaya naman inalalayan siya ni Nick na maglakad. Nakita ko rin ang paglapit ni Jasper sa kanya.

“Ikaw ba si Naomi? My lost daughter.”

Napatango na lang ako sa tinanong niya. Pagkatapos kong sumagot sa tanong niya bigla ko na lang siyang niyakap. Hindi ko alam pero parang miss na miss ko siya.

Napaiyak na lang ako dahil sa sinabi niya. Patuloy niyang hinagod ang likod ko. Humiwalay siya at hinawakan sa balikat si Nick at Jasper. Iniharap niya ito sa akin.

“You should meet your brother.” sabi niya sa akin. Kapatid? Ipapakilala na niya sa akin si Jasper bilang kapatid ko.

“This Jasper Jimenez and…” bakit may kasunod pa siyang sasabihin? Napatingin ako kay Nick na walang emosyon ang mukha.

“Nicko Jimenez. Your brothers. Siguro kilala mo naman sila.”

Nicko Jimenez. Siya at ako ay magkapatid? Imposible. Imposible ang sinasabi niya. Pero bakit? Ang alam ko walang kapatid si Jasper. Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon.

Napaatras ako at nadali ang table sa likod ko. Napatingin ako kay Suzy na nakangisi sa akin. Ito ba ang plano niya para paghiwalayin kami.

Tiningnan ko ulit si Nick, wala pa rin siyang emosyon hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kay tumakbo na lang ako.

Bakit? Bakit sa ganitong paraan kami maghihiwalay? Hindi ko maintindihan. Nahanap ko ang pamilya ko pero kailangan ko siyang pakawalan. Hindi ko ‘to kakayanin.

*BEEP! BEEP!*

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon