[22] Crystal Gonzales?

1.5K 43 7
                                    

Chapter 22: Crystal Gonzales? 

[Lina's POV] 

"So, saan tayo?" tanong ko kina Crystal at Leo. Habang naglalakad kami sa daan. 3pm na at hindi pa rin bumabalik 'yung dalawang magsyota. Siguro nagdate na naman ang dalawa, oh well si Best na ang may lablife. Tumigil kami sa paglalakad dahil sa biglaan na pagtigil rin ni Crystal na nasa unahan naming dalawa.

"Oh, bakit ka tumigil?" tanong sa kanya ni Leo. Tiningnan ko naman 'yung tinitingnan ni Crystal. Baka kung anong nakikita nito na hindi namin nakikita? May third eye kaya ito? O baka naman secretly psychic siya? 

"Kayo na lang dalawa ang magsama. Hihiwalay na lang ako ng route." sabi niya sa aming dalawa saka siya naglakad.

"HOY! Crystal! Saan ka pupunta?! Sama ako!" sigaw ko sa kanya. Tumigil siya ng paglalakad at kumingon sa direksyon namin.

"Subukan mong sumunod kakalbuhin kita." banta niya sa akin. Nakakatakot naman itong babaeng 'to. Mangangain ng tao. Tuluyan na siyang umalis at iniwan ako kasama 'yung unggoy. Sa lahat ba naman ng taong makakakasama ko itong unggoy na ito na patay na patay at baliw na baliw sa'yo pa. Sa ganda ko ba naman itong sinong hindi magkakagusto sa akin. GANDA KO!!! 

"Oh, saan tayo ngayon?" tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya sinagot bahala siya sa buhay niya basta ako pupunta sa office at itutuloy ko na lang ang pagsusulat ng story ko. Tumalikod ako sa kanya at handa ko na siyang iwanan. Nakakainis talaga 'tong unggoy na ito. Makangiti kanina doon sa babae sa Cake shop akala mo kung sinong gwapo! Please, wag niyong isipin na selos ako, talagang naiinis lang ako. Fine! Nagkakaintindihan ba tayo! "Wag mo akong iwan." bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

Anong nakain nito at biglang naging seryoso? "Bitiwan mo nga ako." sabi ko sa kanya. O sige, ako na ang hard hearted. Pero maganda pa rin ako. 

"Iiwanan mo ba talaga ako?" seryoso pa rin ang mukha niya kagaya kanina. Hindi pa rin niya ako binibitiwan. *TigidigTigidigTigidig* May karera ba ng kabayo? Bakit ganon 'yung sound effects? "Li, iiwan mo ba ako?" mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Shet! Anong nangyayari sa akin? Bigla na lang akong napa-iling. Hindi ko nga ba siya iiwan? Napangiti naman siya.

"Tara." hinigit na lang niya ako bigla.

"Teka, saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kanya.

"Tara sa bahay namin, ipapakilala kita sa parents ko." sabi niya sa akin. Napatigil naman ako sa paglalakad ko. Luko ata 'to. Nanliligaw pa lang, meet-the-parents agad. Naunahan pa namin si Naomi at Nick. Walang dyak! Sobrang straight forwarded nito. "Oh, bakit ka tumigil?" 

"Luko ka rin ano? Anong ipapakilala sa parents?! Eh, nanliligaw ka palang." bigla naman nangislap ang mata niya at niyakap ako. "Ano ba?! Wag ka ngang yumakap!" 

"Pinapayagan mo na akong manligaw, YES!" Tae! Sinabi ko ba talaga 'yon. Hindi ko pa pala ito pinapayagan manligaw. Si Best lang pala ang nag-insist na nanliligaw sa akin itong unggoy. Patay ako nito!

"OY! Hindi ah... at saka may sinabi ba ako?!" bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko.

"Kakasabi mo lang kaya gusto mo ipadinig ko pa sa'yo." nilabas niya 'yung cellphone niya at may pinadinig sa akin.

"Luko ka rin ano? Anong ipapakilala sa parents?! Eh, nanliligaw ka palang."

"Eh, nanliligaw ka palang."

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon