Chapter 31: Knowing the Truth
[Naomi's POV]
Kinuha ko ang aking jacket, sinama ko na rin ang cellphone ko kung saan nagtext ang taong may hawak sa aking kaibigan.
"Saan ka pupunta?" nakalimutan ko na nandito nga pala si Aunt pati na rin ang mga magulang ni Lina. Lumingon ako sa kanila. Malapit na akong umalis pero tinawag ako ni Aunt. May tanong sa mga mukha nila. Hindi nila pwedeng malaman.
Ngumiti ako sa kanila. "Nagtext po kasi 'yung isa kong kaklase, sabi niya po nandoon raw po si Lina." binuksan ko na ang pinto at handa na para puntahan kung nasaan man siya. Handang handa na ako.
"Sasama kami sayo." sabi ng nanay ni Lina. Nakita ko silang nakatayo na at handa na silang sumama sa akin. Hindi pwede, baka mapahamak rin sila. Ano ang gagawin kong alibay? Kailangan hindi nila malaman kung saan ako pupunta.
"Wag na po. Masyado pong malayo, baka mapagod lang po kayo. Ako na lang po ang bahala." hindi pa rin maalis sa mukha nila ang pag-aalala. Kahit ako rin naman, hindi maalis ang pag-aalala ko kay Lina. "Pangako ko po, babalik dito si Lina." pagkumbinsi ko sa kanila. Tumango sila at umupo ulit.
Tumingin ako kay Aunt. Binigyan niya lang ako ng isang ngiti. Gumaan naman ang loob ko dahil muling ngumiti si Aunt sa akin. Lumabas na ako ng bahay at saka naglakad. Malapit lang naman ang sinasabi nung sender sa akin. Mga ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na ako sa sinasabing abandunadong gusali.
Madilim na rin dahil gabi na. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Malapit na rin ang pasko. Pati na rin ang kaarawan ko. Binuksan ko ang malaking gate nito, bago pa ako makapasok sa loob nito ay may humampas ng ulo ko. Nahilo ako at bigla na lang bumagsak sa lupa.
Hindi ko maaninag ang mukha ng pumukpok sa akin, pero sa tingin ko lalaki siya dahil na kaya niya akong buhatin. Mabigat kaya ako. At ng buhatin niya ako doon na lang napapikit.
"Kailangan mong tumakas." sabi ng batang babae na may kaputian sa isa pang bata na may mahabang buhok at umiiyak.
"P-pero... paano k-ka. Paano k-kayo ni--" hindi na naituloy ng bata ang sasabihin niya dahil sa narinig nila. Isang grupo ng mga lalaki ang narinig nila mula sa labas. Tumingin ang batang babae sa batang naiyak, binigyan niya ito ng ngiti.
"Sasamahan ka ni Kuya, okay. Magtiwala ka makakaligtas tayo, pero sa ngayon kayo muna." tumulo ang luha niya pero agad naman niya itong pinunasan. "Susunod ako..." wika niya ulit.Hinigit ng isang batang lalaki ang batang naiyak. Umakyat sila sa isang bintana at doon lumabas.
Naulan ng mga panahong iyon, malamig rin ang simoy ng hangin. Para silang mga batang naliligaw dahil sa patakbo takbo sila sa ulanan. Napatigil sila sa pagtakbo ng may marinig silang putok ng baril.
Sumigaw ang batang lalaki. "Zy!!!" tumulo ang luha mula sa mata ng batang lalaki. Tumingin siya sa batang babae na kanina pang umiiyak. Tumingin ulit siya sa warehouse kung saan sila kinulong.
Hindi niya maintindihan ang dapat niyang gawin. Babalik ba siya sa warehouse at iiwanan ang bata o tatalikuran niya ang taong mahal niya at ililigtas ang batang babae.
Lumapit siya sa batang babae, hinawakan niya ito sa balikat. "Mauna ka na... humingi ka ng tulong. Tutulungan ko sila." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad siyang tumakbo pabalik sa warehouse.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*