Chapter 17: Kiss
[Nick's POV]
Ayoko na. Ayoko ng ituloy pa ang pagpapanggap na ito. Hindi ko na kayang makita pa si Naomi na ngumingiti, masaya, ang mata niyang naniningkit sa tuwing ngumingiti siya, ang labi niyang ngumunguso sa tuwing aasarin ko siya. Sa halip na siya ang mahulog sa akin parang ako ang nahuhulog sa kanya dahil sa pagiging unique niya.
Pinapakita niya sa akin ang teddy bear na binili niya. Nakangiti siya sa akin at ako patuloy ang hindi pagpansin sa kanya. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya hanggang maaga pa. Tinanong niya ako kung gusto ko ng umuwi, sa halip na sagutin ko ang tanong niya tumayo ako at iniwan ko siya pansamantala.
Naglakad lakad lang ako sa may mall para makapag-isip isip. Pabalik na sana ako sa bench na inuupuan namin ni Naomi nang biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Jasper,"
[Nick, may nangyari kay Suzy] kinuha ko ang susi sa bulsa ko at tumakbo ako sa Parking Lot. Binuksan ko ang makina at mabilis na pinaandar ang aking kotse. Dumiretso kaagad ako sa bahay nila. Nakita ko ang Yaya niya na palagi niyang kasama tinuro niya kung nasaan si Suzy. Pag-akyat ko sa kwarto niya, nakita ko siyang nakahiga sa kama at may konti siyang cut sa noo. Hinawakan ko ang buhok niya at bigla naman siyang nagising.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Suzy. Bahagya naman siyang ngumiti at hinawakan ang pisngi ko. Maganda pa rin siya kahit na may konti siyang sugat sa mukha.
"Hindi ba dapat nasa Mall ka at nakikipagdate kay Naomi?" tanong niya sa akin. Tumango na laman ako at hinawakan ang sugat niya. Sila na naman ang may kagagawan nito.
"Tumawag sa akin si Jasper, sabi niya may nangyari sa'yo kaya kaagad akong pumunta dito." hinawakan ko naman ang pisngi niyang may pasa. "Sila ba ang may gawa nito sa'yo." ngumiti lang siya sa sinagot ko. Pinikit niyang muli ang mata niya at tumalikod sa akin.
"Bumalik ka na kay Naomi baka naghihintay na siya. Ayokong masira ang plano ng dahil sa nangyari." tumabi ako sa kanya sa kama at niyakap siya. Naramdaman ko ang init ng buong katawan niya. "Nick, bumalik ka na."
"Hindi ko kayang bumalik kung alam kong may sakit ka," humarap siya sa akin at niyakap rin ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya sa bisig ko. Pinagmamasdan ko lang mukha niya. Ang mala-anghel na mukha niya. Kung ikukumpara siya kay Naomi hindi hamak na mas pipiliin ko si Suzy pero bakit parang unti unti na akong nahuhulog kay Naomi. Kaya kong mangloko ng isang tao pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. Mahal ko si Suzy at mahal ko rin siya. Pero hindi ba iisa lang ang puso ko, sino ba talaga sa kanila? Napansin ko na lang ang pagpikit ng mata ko.
***
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Umupo ako sa may gilid ng kama at nakita ko kung anong oras na. 10:30 pm. Ilang oras rin akong nakatulog. May na-receive akong message mula sa isang unregistered number.
~To: 0916*******
Mr. Nick Jimenez, nasa tabi ko ngayon si Naomi. Isa sa mga babaeng niloko mo. Naiyak siya at patuloy na sinisigaw ang pangalan mo sa buong bar. Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa niyo ni Suzy? Ang pangloloko ng tao para makapaghiganti. Kung ako sa'yo ititigil ko na ang ginagawa kong kalokohan dahil sa huli malalaman rin naman ito ng tatay mo. Iiwanan ko na pala siya, may naghihintay sa akin. Nakaupo nga pala siya sa isa sa mga upuan sa World Bar. Ikaw na ang bahalang mahanap tutal ikaw naman ang may kagagawan nito.~
Dahan dahan akong tumayo. Kinuha ko ang susi ko sa may table na malapit sa higaan ni Suzy. Bago ako umalis sa kwarto niya at binigyan ko siya ng isang halik sa noo. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa World Bar. Naomi. Si Naomi naman ang pupuntahan ko ngayon.
Pagdating ko doon nakita ko kaagad siya. Madali ko siyang nakita dahil sa patuloy na pag-iingay niya. "Nick! Nick! Nakakainis ka! Ang sarap mong patayin!" lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang iniinom niyang beer. "OY! Ano ba?! Nainom pa ako!" hinablot niya ulit sa akin ang beer at direretso niya itong ininom. Umubo naman siya. Umupo ako sa harapan niya. "Hoy! Shino ka ba? Ang epalsh mo" Itinaas niya ang kamay niya. "Waiter! Isa pa nga pong beer!" sigaw niya. Bigla naman niyang inuntog ang ulo niya sa mesa. Paulit-ulit niya itong ginawa.
"Ang tanga ko" *boog* "Ang tanga tanga ko" *boog* "Nainlove ako sa isang gago" *boog*. Hinawakan ko siya sa balikat. Nainlove? Sa akin? Nakita ko ang mapula niyang noo. Sigurado akong kanina pa niya inu-untog ang sarili niya. Napatingin ako sa mata niya. Namumugto na ito. Malamang kanina pa siyang umiiyak. "Ano ba?! Shino ka ba?!" tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya. Bigla namang dumating 'yung waiter. Ilalapag na sana niya 'yung beer pero pinigilan ko siya.
"Ibalik mo na 'yan. Iuuwi ko na 'to" malamig kong sabi sa waiter.
"Uuwi! Walang uuwi! Waiter, nasaan na 'yung order ko?!" ibibigay na sana nung waiter 'yung beer pero sinagi ko ito kaya natapon. "Ano ba?! Nananadya ka ba?! Tingnan mo ang ginawa mo! Tinapon mo--" binuhat ko na siya na parang sako. Naiirita na ako sa kanya. Binigyan ko ng five thousand 'yung waiter at umalis sa loob ng bar. "Ibaba mo ako! Shino ka ba?! Anong balak mong gawin sa akin?!" Isinakay ko siya sa may kotse. Nagwawala pa rin siya sa may loob pero mga ilang minuto lang tumigil na din siya. Siguro napagod na rin.
Nakita ko siyang natutulog. Para siyang bata kung matulog at hindi anghel. Pinabayaan ko na lang siya. Hinawakan ko ang susi ko at handa ko ng pihitin 'to para mag-start ang makina.
"Nick," nadinig ko ang boses ni Naomi. Nakapikit pa rin siya pero nagsasalita. "Yam, sana maging totoo na tayong magbf-gf," bigla naman siyang humikbi. Pwede bang umiyak kapag natutulog? "Akala ko hindi ko magugustuhan ang tulad mo pero I think I like you," bigla na lang may tumulong luha sa mata niya. "Pero sa tingin ko hindi mo ako magugustuhan kasi wala ako sa standards mo, wala ako sa ex mong si Suzy. Ang ganda ganda niya. Almost perfect na nga. Pero ako wala. Walang wala ako sa kanya." sunod-sunod na tumulo ang luha niya at umiyak habang natutulog siya. Sigurado akong nanaginip lang siya. Lumapit ako sa kanya para punasan ang pisngi niya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ako sa batok.
Sobrang lapit namin sa isa't isa. Bigla niyang minulat ang mata niya at tiningnan ako. "I love you, Nick" lumapit siya sa akin at inilapat ang labi niya sa labi ko. Sobrang lambot ng labi niya na pati ako nahuhumaling. She kiss me and I kiss her back. Shit! I think I also like you, Naomi.
***
A/N: Salamat po sa pagbasa ng story ko. Anyway, happy halloween at Happy Nadine Lustre's Birthday! Sino po sa inyo ang JaDine?! Me! Vote.Comment.Share ^__^ Sino kaya 'yung nagtext?
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*