Chapter 46.1: Unwelcome Party
[Naomi’s POV]
Purple Dress. Maingay na kapaligiran. Tawanan. Sigawan. Champagne. Stares. Cold Stares. Hay… breath in breath out. Calm down Naomi. Kaya mo ‘to. Di ba ikaw si Naomi? Kaya mo ‘to. Huminga muli ako. Pinikit ko muna ang mata ko at saka binuksan pintuan.
Lahat sila nakatingin sa akin. Lahat sila nakangiti. Lahat sila… silang lahat… ay ang relatives ko.
“Naomi!” sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae. Tumingin ako sa kanya. Bakit siya nandito? “Thank god you came.”
Kumunot ang noo ko. Oo, talagang sasama ako kasi diba ito ang welcome party ko? Ano bang sinasabi ni Suzy? Of course, this is my party and also Christmas party of Jimenez’s so bakit sinasabi niya na parang siya ang may pa-party?
Ngumiti ako. “Yes, I came.” Fuck did I ever say that?! Ano bang lumalabas sa bibig mo Naomi? Gosh, I’m going crazy.
“I’m glad you came. Mabuti na lang nakarating ka sa baby shower ko.” Baby Shower? May anak siya? May family? May husband? Bakit ngayon ko lang nalaman? What the effin is happening to me?
“Hon!” tawag ng isang pamilyar na boses ng lalaki. Lumingon ako para makita siya.
This isn’t possible. Why he? I mean, siya ba ang asawa ni Suzy? Siya ba ang anak ng nasa tyan ni Suzy? Bakit siya? Please, someone tell me anong nangyayari.
“Oh, nandito ka pala,” sabi niya at hinawakan ang balikat ko. “Ready ka na bang tawaging Tita ng anak namin?”
Ngumiti ako. What?! Why did I smile?! This is impossible. This is not real. Wake up!!! Wake up, Naomi!!! Wake up!!! GUMISING KA NA!!!!
Humahangos akong napa-upo sa higaan ko. Hingal na hingal ako sa hindi ko malamang dahilan. Nightmare. Whoo! Mabuti na lang bangungot ‘yon kasi kung totoo ‘yong nangyari baka… baka… nevermind. Panaginip lang naman pala.
Bumukas ang pinto at ang una kong nakita ay si Aling Ceni.
“Magandang madaling araw!” sabi niya. “Pinapasabi po ng Daddy niyo na mag-ayos na raw po kayo.”
Ngumiti ako. “Magandang madaling araw rin po. Baba na rin po ako maya-maya.”
Kumuha ako ng towel at pumasok na sa banyo.
Pupunta kaya siya? Sana naman. Kahit naman na may past kami kailangan ko pa rin siyang ituring na kapatid kasi half our blood were connected. Napapa-english na ako, si Daddy kasi sa tuwing kakausapin ako nag-eenglish. Mabuti na nga lang hindi nadugo ang ilong ko.
Hay… nakakamiss si Lina. Siguro nasa bahay namin ‘yon, alam mo na mahilig maggala kapag pasko. Pero siguro hindi na ‘yon pinayagan ng mga magulang niya kasi wala na doon ang bestfriend niya.
Mabilis lang akong maligo pero dahil may party at makakilala ako ng mga mayayamang tao kailangang mag-ayos. Nag-anlaw na ako at saka lumabas ng banyo.
Halos mapatalon ako sa gulat na makita ko ang isang lalaking hawak ang singsing ko.
“A-anong ginagawa m-mo d-dito?” tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin at nakita ko ang malamig na tingin niya, pero ilang seconds ang lumipas ay bigla na lang namula ang tenga at ang mukha niya.
Hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Ang likot ng mata niya at hindi niya ako matingnan. Tumingin ako sa sarili ko at nakalimutan kong nakatapis lang pala ako. Napalunok naman ako.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
Roman d'amourPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*