[43] Discharged

1K 33 5
                                        

Chapter 43: Discharged

[Naomi’s POV]

“Ma, ayos lang po ako wala na pong masakit sa katawan ko,” sabi ko sa kanya.

Kanina pa kasi siya natataranta sa kakaasikaso sa akin, hindi ko nga alam kung bakit. Kung siguro pinatugtog ko pa ‘yung kanta ni James Reid na natataranta baka mas lalo siyang mataranta. Hindi naman sa ayoko na inaasikaso ako, ang ayoko ‘yung masyado siyang napapagod dahil sa akin.

“Sigurado ka ba anak? Wala bang masakit sa katawan mo? Hindi ba masakit ang ulo mo?” tanong sa akin ni Mama habang hinihimas ang ulo ko. Huminga na lang ako ng malalim dahil sa sinabi niya.

Hinawakan siya ni Crys sa balikat at giniya papunta sa sofa.

“Ma, kapag sinabi ni Ate na ayos lang siya. Maniwala ka na lang hindi naman marunong magsinungaling si Ate,” pagkukumbinsi ni Crys.

Mabuti na lang napakalma siya kasi baka bigla na lang akong tumayo dito at tanggalin ang swero ko sa kamay at ibigay ito sa kanya para siya ang ma-confine sa halip na ako. Siguro sadya namang ganito ang mga nanay kapag may nangyayaring masama sa mga anak nila.

“Ma, kailan po kayo babalik sa probinsya? Paano po ang ani natin?” tanong ko.

Naalala ko lang kasi ‘yung mga ani naming palay. Mahirap kasi ngayong maka-ani ng magandang palay kasi madalas ang bagyo, at madalas ring pestihin ang palay kaya nitong mga nakaraang buwan todo kayod ako sa paggawa ng manuscript pati na rin sa pag-aaral ko para makatulong sa kanila.

“Hindi pa ata kami makaka-uwi, siguro hanggang New Year pa kami,” napangiti naman ako sa sinabi ni Papa. Kung hanggang next year pa sila dito eh di makaka-bonding ko sila. Ayos! Igagala ko sila.

“Eh, di mabuti po makakasama ko po kayo sa pasko at New Year. Hindi po ba bukas na po ang Noche Buena? Maghanda po tayo, ah?”

Hindi ko ma-ipinta ang mukha ni Mama at Papa pati na rin si Crys at Aunt. May problema ba sila na hindi ko alam? May tinatago ba sila sa akin? Siguro hindi naman magagawa nina Mama at Papa na magtago sa akin ng sikreto.

“Ma, Pa, Aunt, Crys may problema po ba sa sinabi ko?”

Tumingin sa akin ng diretso si Aunt. Kita ko ang pagkagat niya sa ibabang labi niya pati na rin ang pagiging malungkot ng mukha niya.

“Naomi, hindi mo kami makakasama sa pasko,” sabi ni Aunt.

“Eh, di sa New Year na lang po. Magpapa—“

“Kahit sa Bagong Taon hindi mo kami makakasama,” tuloy tuloy na sabi ni Crys. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nila. Hindi ko maintindihan, anong kinalulungkot nila? Buhay na naman ako. Wala na silang dapat ipag-alala pa. At isa pa wala namang masyadong nabaling buto sa katawan ko.

“B-bakit naman?”

Huminga muna si Papa bago sabihin ang mga salitang…

“Kukuhanin ka na kasi ng tunay mong pamilya.”

Hindi ko alam ang dapat magiging reaksyon ko. Magiging masaya ba ako? O magiging malungkot? Hindi ko alam. Magiging masaya ako sa piling ng bago kong pamilya pero at the same time malulungkot ako dahil hindi ko makakasama ang kinagisnan kong pamilya.

Ngumiti ako sa ng pilit sa kanila. Ayokong masira ang darating na pasko dahil sa mga luha ko.

“Eh, di bukas na lang po tayo mag-celebrate ng Pasko at New Year dito sa hospital. Ayos lang po ‘yon,” sabi ko sa kanila habang pinipilit na huwag pumatak ang luha ko.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon