Chapter 02: Ouch!!
"Jae..." Napatingin sa kanya si Jasper. Binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti. Bakit siya nandito? Tanong ni Naomi sa sarili niya. Hindi niya expected na magkikita silang dalawa sa ganitong paraan.
"Ano bang ginawa mo dito sa bata at iyak ng iyak?" tanong ni Jasper kay Naomi. Hindi masagot ni Naomi ang mga tanong ni Jasper dahil sa sobrang starstruck niya rito. Bakit parang mas gumuwapo ata siya? Sabi niya sa sarili niya. Hindi maiintindihan ni Jasper kung bakit parang kakaiba ang galaw ni Naomi ngayon. Anong nakain ng babaeng 'to? Tanong ni Jasper sa kanyang sarili.
"Huy! Bakit ka ba nakatulala?" bumalik sa realidad si Naomi ng bigla na lamang magsalita si Jasper. "A-ah... Ano... Nakabungguan ko siya," sabi ni Naomi na halatang halata na awkward awkward kay Jasper. Bigla na lang nagsalita ang bata.
"Hindi niya po ako nakabunggo. Binunggo po niya ako," sabi ng bata na nagsusumbong kay Jasper. Napatingin naman si Jasper kay Naomi, ng patanong. Nagkibit balikat na lamang si Naomi. Bumuntong hininga na lamang si Jasper at sinabi sa bata na...
"Bata saan ka ba nakatira at bakit gabing gabi ay nasa labas ka pa?" tanong ni Jasper sa bata. "Nawawala po kasi yung aso ko, hinahanap ko po kasi baka nagpunta po dito sa park," Napatingin si Naomi kay Jasper. Hanggang ngayon ang gwapo pa rin niya. Sabi niya sa sarili niya. Si Jasper Ahn ang nagpatibok sa puso ni Naomi, kaklase niya ito sa school at sikat na sikat ito dahil sa mura niyang edad may-ari na siya ng isang kompanya. Pero hindi linggid sa kaalaman ni Jasper na may gusto sa kanya ang tinuturing niyang kapatid/kaibigan na si Naomi. Akala ni Naomi mawawala na ang pagtingin niya kay Jasper kapag nagtrabaho na rin siya as a writer.
"Hoy! Naomi!" sigaw ni Jasper kay Naomi na kanina pa palang pinagnanasaan--este nakatulala kay Jasper.
"Ha? Anong sabi mo?" tanong ni Naomi kay Jasper. "Ang sabi ko bakit may dala kang box," tanong sa kanya ni Jasper. Napatingin naman si Naomi sa box sa may baba. Naalala na niya na ang box na 'yun ang dahilan kung bakit siya nasa park at lamig na lamig, at 'yun rin ang dahilan kung bakit sila nagkita ni Jasper.
"Ah.. itong box. May ka meet kasi dapat ako, eh hindi naman ako sinipot," malungkot na lahad ni Naomi. Nilabas ni Jasper ang box na hawak niya at pinakita ito kay Naomi.
"Ito ba yung box na dapat kapalit 'nan?" mula sa pagkakatungo biglang tinunghay ni Naomi ang ulo niya at laking gulat na niya na 'yun nga ang box na dapat para sa kanya.
"Teka saan mo nakuha 'yan?" tanong ni Naomi kay Jasper. Napakamot si Jasper sa ulo niya. "So, ikaw pala yung nagtext sa akin. Akala ko kung sino," sabi ni Jasper kay Naomi. Na-guguilty naman si Jasper. Nakakahiya naman sa kanya kasi nasabi ko sa kanya 'yon at saka yung isa pang dahilan. Iniaabot sa kanya ni Naomi ang box.
"Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka pala sa K Pop," napatawa naman si Jasper sa sinabi ni Naomi. "Hindi naman talaga para sa akin yan eh. Sa kapatid ko yang babae," napatango na lamang si Naomi sa sinabi ni Jasper.
"Mr. Siya po ba ang girlfriend niyo?" biglang napatingin si Naomi at Jasper sa bat dahil sa sinabi nito. Parehas silang nagulat sa sinabi ng bata. Unang bumalik sa realidad si Jasper. "Ano ka bang bata ka? Hindi ko siya girlfriend... friend... kaibigan ko lang siya," para namang may tumusok na karayom sa puso ni Naomi. Ouch! Ang sakit. Naisip ni Naomi. Unti unting nawala ang kasiyahan ni Naomi dahil sa sinabi ni Jasper. Humarap ulit si Jasper kay Naomi.
"Naomi, ito nga pala yung box," iniabot sa kanya ni Jasper ang box, kinuha naman niya ito. "Ah... Naomi pwede bang magtanong?" Tanong sa kanya ni Jasper.
"Ano yun?"
"Sa'yo ba talaga 'to?" itinaas ni Jasper ang underwear na inorder ni Naomi. Bigla namang nanlaki ang mata ni Naomi dahil sa ginawa ni Jasper. Ngumiti ng bahagya si Jasper. "Akala ko kasi hindi sayo,"
"A-ano bang sinasabi mo? Syempre a-akin 'to!!" namumula na si Naomi. Hindi sa galit kundi sa hiya. Hiyang hiya na siya dahil nakita ng crush niya ang underwear niya. "Akala ko kasi hindi sayo kasi magka-size lang kayo ng kapatid ko," lalong namula si Naomi dahil sa sinabi ni Jasper. Kaso nga lang ang pinagkaiba ng pamumula ng mukha ni Naomi ngayon ay hindi hiya kundi galit. Naalala ni Naomi na 7 years old pa lang ang kapatid ni Jasper. Pang-Grade 1 ba ang hinaharap ko?!
Bigla na lang binatukan ni Naomi si Jasper kahit na alam niya sa sarili niya na malakas siyang manakit. "Aray! Para saan 'yon?" sigaw ni Jasper pagkatapos siya batukan ni Naomi. "Anong tingin mo sa akin Grade 1? Hoy, para ipaalala ko sa'yo magkasing age lang tayo!" tumawa naman si Jasper at may pahirit pa siya.
"Bakit sinabi ko bang hindi tayo magkasing age? Sabi ko lang magka-size kayo ng kapatid ko!" hahampasin na sana ulit ni Naomi si Jasper kaso nga lang nagsalita yung bata.
"Yieee, si Mr. at si Ms. ang sweet. Ayiiee..." napatingin silang dalawa sa bata. Lumapit si Jasper sa bata at pinat ang ulo.
"Ikaw, na bata ka ang dami mong nalalaman. Tara na nga iuuwi na kita sa inyo," sabi Jasper sa bata at hinawakan ang kamay nito. Dinala na rin ni Jasper ang box at nagpaalam kay Naomi.
"Paano mo nalaman kung saan ang bahay ng bata?!" tanong ni Naomi kay Jasper. Tumigil si Jasper at ang bata sa paglalakad. Lumingon si Jasper kay Naomi. Magsasalita na siya ng maunahan siya ng batang magsalita.
"Kasab-" biglang tinapakpan ni Jasper ang bibig ng bata. "Ka-kakasabi niya lang kanina Naomi. Naku! Lutang ka na naman. Sige, bye," kumaway naman si Jasper kay Naomi at kumaway rin si Naomi kay Jasper. Umalis na sila. Kinuha ni Naomi ang box niya. Nang binuhat niya ito naramdaman niya na parang mabigat. Ano bang laman nito? Bomba? Bato? O di kaya naman ay Bato ng tao?.
Binukasan niya ang box at nakita niya ay isang cellphone. Ha?! Bakit may cellphone dito? Napatingin naman si Naomi sa cellphone niyang napaglipasan na ng panahon. Hanggang ngayon de-keypad pa rin ang cellphone. May nakalagay na note dito na...
~To: Ms. Naomi Nam
Sana nagustuhan mo ang congratulatory gift ko sayo. :)
From: Mr. Gwapo Jimenez~
Napangiti naman si Naomi sa nabasa niya. Pero nagtataka pa rin siya kung bakit ang bigat pa rin ng box na dala niya. Nang halungkatin niya lalo ito nakita niya ang isang laptop at tablet. Ang dami naman ng regalo niya?!
***
A/N: Thank you for reading... Two updates in one day. Nakakapagod. By the way nasa gilid pala ang picture ni Jasper ----------------->

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*