[47] Gwapong Supladong Magnanakaw

1K 34 0
                                        

Chapter 47: Gwapong Supladong Magnanakaw

[Naomi's POV]

"Naomi, have you had a boyfriend?"

Out of the blue bigla na lang nagtanong sa akin ng ganyan si Daddy. It's lunch at buong umaga akong walang ginawa sa bahay kundi ang tumunganga sa kisame at isipin ang mga sinabi ko kay Nick.

Na-gui-guilty pa rin ako. Nasaktan ko siya. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya baka kamuhian ko ang sarili ko at hindi ko na balak pang tingnan man lang kahit ang dulo ng daliri ko o mismo ang anino ko.

"Ah... W-wala po." Pagsisinungaling ko.

Ayokong madagdagan pa ang galit ni Daddy kay Nick kung sasabihin kong nagkaroon ako ng relasyon sa half-brother ko diba? Tanga na lang ang masabi nun! Mabuti na lang hindi ako tanga, slow lang.

"Really Ate! I thought you have a relationship with Kuya N-" bago pa man matapos ni Jess ang pagsasalita ay bigla na lang sumabat si Jasper.

"You know Dad! We should give Naomi a date!"

"Why do you think that son?"

"Dad think it this way, kung may magugustuhan man si Naomi sa mga ka-date niya may mapag-aabalahan siya instead na tumunganga dito sa bahay buong maghapon."

Napatango na lang si Daddy sa sinabi ni Jasper. Sa tingin ko sumasang-ayon si Daddy sa idea ni Jasper. Napapansin kasi ni Daddy na palagi na lang akong naka-tunganga dito sa bahay at walang ginagawa this past few days.

"Kuya! Why did you cut what I'm about to say! You're so bad!" sabi ni Jess.

Nakita ko ang pagkagat sa labi ni Jasper. Para siyang naiinis dahil sa sinabi ni Jess. Kitang kita ko rin ang pag-irap niya rito, pero sa halip na matakot si Jess at inirapan na lang niya ito. Gosh! May pinasahan pala ng ugali si Nick.

"Baby, ano ba 'yung sasabihin mo?" tanong ni Daddy.

Ngumuso si Jess. "What I was about to say is that Ate have a relationship with Kuya N-"

*Kring! Kring!*

Dahil sa pagtunog ng cellphone ni Daddy ay hindi na nasabi ni Jess ang gusto niyang sabihin kay Daddy. Pagkatapos, ng call ni Daddy ay nagpa-alam na siya sa amin at aalis na siya dahil sa isang emergency meeting tungkol sa mga investors ng company.

"This is nakakainis! Why someone or something stop me from saying that Ate and Kuya Nick have a relationship! ARGH!" sabi niya.

Tumayo siya sa upuan at umakyat papunta sa kwarto niya na may patabog na pagsasara ng pintuan.

Nagkatingnan kami ni Jasper. Mabuti na lang nasa kusina si Aling Ceni at hindi nadinig ang pagsigaw ni Jess kung hindi baka kung anong isipin ni Daddy sa akin. Tumayo si Jasper mula sa upuan niya.

Lumapit siya sa akin.

Bumuntong hininga siya. "It's a secret between us. Walang makakaalam na may past kayong dalawa kasi if ever... baka itakwil ka sa pamilya kasama na si Nick."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Itatakwil ako? Hindi ko inaasahan na ganito pala sa pamilya ko. Natatakot ako. Ayokong mawala ulit sa akin ang pamilya ko.

Tumango ako sa sinabi niya.

Kinuha niya ang cellphone ko sa ibabaw. Nakita ko na may pinipindot siyang number rito at sinave niya sa contacts ko. Ibinaba niya itong muli sa mesa.

Whisper {Completed}Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon