Chapter 4: Hot
[Naomi's POV]
Cold stares everywhere, cold stares anywhere. Penge kumot nilalamig ako. Ang tae naman kasi bakit kasi ang sama ng tingin nila sa akin tapos parang may air-con na 'tong hallway dahil bukod sa 'malalamig' na tingin nitong si Nick, isama mo pa yung mga tingin ng babae sa paligid ko. Kung pwede ko lang isigaw na... "HOY! Loyal ako kay Jasper!" Naku! Kanina ko pa siguro na gawa kaso nga lang nakakahiya. At saka baka umulan ng hindi oras.
Nakarating na kami sa room pumasok na ako sa room. Pero bago ko pa naman maitapak ang paa ko sa step ng room namin ay bigla na lang 'ata akong nagyelo. Pagtingin ko hinawakan pala ako ni Nick. Grabe! yung mata nya nakaka-frost ng tao! Paalala: Wag siyang tingnan sa mata directly.
"B-bakit?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Sa halip, na sagutin niya ang tanong ko tiningnan niya lang ako from head to toe. Anong problema nito? Wag niyong sabihin na... Crush niya ako! Chos! ang assumera ko! "A-ano bang k-kailangan mo?" Anla! Baka yayain niya akong magpanggap na girlfriend niya kasi pansin ko lang parang ang cold niya rin kay Suzy. Naku! Akin na lang si Suzy pagnag-break sila. Anu ba 'yan?! Natotomboy ako!
"Ano bang nagustuhan niya sayo?" 1,2,3,4,5. 5 words yung sinabi niya isang himala! Pero sa mga sinabi niyang salita wala akong na-gets. Sinong magkakagusto sa akin?
"Nick!" teka, parang pamilyar yung boses. Pagtingin ko sa likod ni Nick ay nakita ko si Jasper na tumatakbo habang may ngiti na napaka-gwapo. Mas lalong bumagay sa kanya ang bago niyang hairstyle. Straight na ito, hindi na curly. Haaay.... ang gwafu! Lumapit siya sa akin- ay este, lumapit siya kay Nick.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Jasper ko kay Nick. Binitawan ni Nick ang pagkakahawak niya sa akin at tumingin kay Jasper. Magkakilala sila? Pero bakit parang hindi ko naman kilala si Nick dati? Sino ba siya sa story na ito?
"Mag-aaral," tumawa na lang bigla si Jasper at tinapik si Nick sa balikat. "Ito naman ang seryoso. Tara na nga sa loob dadating na yung susunod na Prof." sabi ni Jasper at pumunta na sa loob pero bago si pumunta ay tumigil muna siya sa harapan ko at ...
"Good morning, Naomi!" Shet! Kinikilig aketch! Ikaw na Jasper ka pinapatalon mo ang puso ko. Tumingin ako kay Nick pero hindi ko ininda yung cold-stares niya. "Tara na! Malapit ng dumating si Prof!" masaya kong sabi sa kanya.
"They are really inlove," sabi ni Nick na hindi ko na pinansin baka may iba siyang kausap na hindi ko nakikita. Haaay... bahala siya. Kausapin niyang yung pader basta ako kinikilig! Ang landi mo Naomi!
***
"GUTOM NA AKO!!" sigaw ko sa room habang umiinat. Grabe! nakaka-antok ang klase namin wala man lang excitement. Discuss lang ng discuss kasi naman naghahabol na malapit na kasi ang sem-break namin. Mamaya hihilata na lang ako sa pagtatrabo sa mga story ko. Walang pahinga. Nakakainis nga kasi kanina sinabi ng Prof namin na may homework raw kami. Hindi ko nga alam ang connection ng pag-gawa ng 'Movie' sa Engineering. Siguro wala ng mahanap na grade si Prof. NASAAN ANG HUSTISYA NG SEM-BREAK?!
"Lina, bili tayo" umiling siya sa tanong ko. Busy kasi sa paggagawa ng Portfolio namin. 'Yan kasi ayaw gawin ng maaga! (Wow, yabang ko!) Pero sa hindi nagmamayabang, matagal ko ng napass 'yan. Masipag kasi akong estudyante pero minsan lang 'yon.
"Naomi! Tara sama ka sa amin sa canteen," alok naman sa akin ni Jasper. Aba! Sinong hihindi sa gwapong 'to?! Shunga na lang ang hindi umo-oo dito. Tumango ako sa tanong niya. Ibig sabihin ba nito hindi ako Shunga! Whaaaa!!! Ang saya! Saya!. Hinigit na lang niya ako gamit ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko... WHAAAA!!! Is this really happening?
Pagdating namin sa canteen nakita ko si Suzy at si Nick na nakakain na. Napansin ko lang parang medyo malungkot si Suzy samantalang si Nick naman naka-poker face. May LQ ba sila? Kanina lang winiwish ko na maging katulad nila kami. Umupo na kami sa bakanteng upuan. Katapat ko si Nick at katabi ko naman si Jasper.
"May problema ba?" napansin rin ni Jasper ang pagiging aloof ng dalawa sa isa't isa. Meant to be talaga kami?! :''') Hindi nagsalita yung dalawa. "Kasi kung wala kayong problema kanina pa kayong naglalampungan," Ha? Marunong pala ng sweetness itong si Nick akala ko hindi. Pero sabi ni Mama "Don't judge the book by it's plastic cover" Tama ba yung quote ko? Ay, Bahala na nga.
Bigla na lang tumayo si Suzy at nagwalk-out. Ano ba talagang problema nila? Kanina kakasabi ko lang na baka mag-break sila pero hindi ko naman winish na mangyari talaga 'yon nakakakonsensya. Sana lang talaga hindi sila magbreak. Napatingin ako kay Nick tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkain. Wala ba syang gagawin hindi man lang ba niya susundan si Suzy. Hindi ba sa mga love story pagnag-aaway ang mag-jowa dapat yung isa nagpapakumbaba, pero bakit parang hindi naman 'ata nagpapakumbaba si Nick. Hindi niya ba tinuturing na girlfriend si Suzy.
"Wala ka man lang bang gagawin?" tanong ko kay Nick. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Hangin ba ako sa paningin niya?
"Wag na natin silang pake-alamanan, Naomi. Problema na nila 'yon kaya dapat sila ang umayos," sabi sa akin ni Jasper. Wala na akong nagawa si Jasper na nagsabi eh... Gustong gusto kong i-comfort si Suzy pero feeling ko hindi dapat ako ang gumagawa 'non kundi si Nick. Kahit na ngayon ko lang siya na-meet feeling ko matagal ko na siyang kilala.
***
"ALLINA PEREZ!!" sigaw ko kay Lina. Jusko!! Paos na ako kakadada dito tapos nakita ko siya ngiti ng ngiti. Ano kayang ginagawa nitong babaitang ito? Baka may boyfriend na! Naku naunahan pa ako ng luka!!
"Ano ka ba? Naomi. Wag kang magulo kinikilig eke sa benebese ko eh," YUCK!! ang landi niyang magsalita iiwanan ko 'to dito eh.
"Sasabay ka ba pag-uwi?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa tinanong ko. "Bakit?"
"Susunduin daw ako ni Logan, yung bago kong manliligaw" may bago na naman siyang suitor samntalang ako ni-isa wala. Nakakaingit 'tong babaeng 'to, ang daming 'landi bones' Ang dami nga nitong naging Jowa. Speaking of Jowa malapit nang matapos ang My App Boyfie. Hindi ko na makikita ang asawa kong si James Reid >_<.
"O sige, Lina landi alis na 'ko," sabi ko sa kanya sabay kuha ng bag ko. Expected ko na hahampasin niya ako ng kung ano o di kaya naman ay iirapan niya ako pero wala akong natanggap na kahit na anong reaksyon sa kanya. Busy kasi sa binabasa niya.
Lord, nanawagan po ako sa mga angel ninyo na dinggin ang hiling kong magkaboyfriend na ako!!! Please, Lord!!
"Naomi!" Huh? Lord, naman bakit ang bilis ng wish ko. Pagtingin ko sa likod ko nakita ko si Jasper na nakasuot ng suit pero unbuttoned ito at may pang-loob siya na gray. Nakikita tuloy ang tinatago niyang ka-machohan. "Hatid na kita sa inyo," Wala na akong nagawa syempre pakipot pa ba ako?! To be honest sobrang Hot niya!!
***
A/N: Sorry for late update busy sa pag-aaral. Kainis pangalawang type ko na ito. Nawala kasi yung iba nung sync ko sa cellphone ko. Anyway this story is dedicated to liflovesyou nabasa ko kasi yung one shot niya, superb ang galing niya. Thank you nga pala sa pag-vote and add sa library hindi ko expected na ang isang hindi planadong story ay maraming magrereads *insert teary eyes* Nagtatalon ako sa kwarto ko ngayon sa tuwa. Picture of Nick ----------------->
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
