[21] Resemblance

1.4K 41 4
                                        

Chapter 21: Resemblance

[Naomi's POV]

"Hindi mo ba sasaktan ang kaibigan ko?"

"Hindi ko-"

"Hindi mo ba siya ipagpapalit?"

"Bakit ko-"

"Hindi ka ba titingin sa ibang babae?"

"Ano ba 'yan-"

"Hindi mo ba siya---"

"Oh! Kumain ka na lang ang daldal mo." Bigla na lang sinubuan ni Leo si Lina. Sabado ngayon at as usual half day kami, kaya ito kumakain ng Cake sa isang shop. Ang sasarap ng mga pagkain dito, lalo na 'yung Giant Shake at Group Cake. Kaso nga lang hindi kami mayaman kaya hindi namin afford ang mga 'yon. Magkakasama kami nina Lina, Leo, Crys, Ako at syempre si Nick. Nagtataka nga ako kasi ang alam ko mabilis 'tong mairita pero hindi siya naiinis kay Lina na kanina lang eh nagtatanong.

"Ano bang kakainin natin dito?" boring na tanong niya. Tiningnan naman ako ni Lina with the look 'sungit-ng-boyfriend-mo'. Nagkibit balikat na lang ako, wala naman akong magagawa kung sadya siyang ganyan diba? Nick will always be Nick. Mahirap naman ata siyang baguhin, pero diba kung mahal mo ang isang tao magbabago ka para sa kanya? Ano ba naman 'tong naiisip ko? Erase! Erase! Mahal niya ako at sinabi niya 'yon.

"Malamang cake. Duh! Kaya pa tawaging Cake Shop 'to kung lutong bahay ang tinitinda dito?" taray talaga ni Crys. Sus, magka-ugali silang dalawa ni Nick parehas na masungit. Pero kahit na masungit 'yan Mahal ko pa rin 'yan. :''')

"Oy, akin chocolate cake ha 'yung may berries." sabi ni Lina.

"Akin, chocolate shake may berries rin sa ibabaw." sabi naman ni Leo. Tumingin sa kanya si Lina at tinaasan ng kilay.

"Copy cat." sabi niya rito. Mag-aaway na naman silang dalawa.

"Copy dog. Mukha kang aso." sabi naman ni Leo. Hindi ba talaga sila titigil sa pag-aaway baka mamaya ma-inlab na itong si Best kay Leo.

"Muka kang pusang ligaw sa kalsada." lumapit naman sa kanya si Leo ng may nakakalokong ngiti.

"At least cute ako." tumawa naman si Lina at saka sinabing...

"Oo nga. CUTE. Certified-Ugly-Totally-Eww." napatawa naman ako sa sinabi niya. Cute raw.

"Ano oorder pa ba tayo o mag-aasaran tayo dito?" sabi naman ni Crys. Sungit! Mayroon ata ito ngayon o baka naman natag-usan, wala siyang pantapal kaya mainit ang ulo. Nang makapagdecide na kami kung anong kakainin tinawag na namin 'yung waitress.

"Ano pong order niyo?" tanong niya. May bangs siya at parang siyang manika. Parang pamilyar siya? Tumingin naman si Leo sa babae at saka sinabi ang order namin.

"Isang chocolate shake para sa gwapo tapos isang chocolate cake sa aso. Isang carrot cake para sa masungit na babae. Dalawang red velvet cake para sa kulang na sweet genes na magsyotang 'to." tuloy tuloy niyang sabi. Lahat kami nakatingin sa kanya ng masama. Gusto ata nitong mamatay ng hindi nagkaka-girlfriend. "Ano? Dinedescribe ko lang kayo." sabi niya sa amin. Magsasalita na sana si Lina kaso naunahan siya ni Ate waitress.

"Ayun lang po ba ang oorderin nyo?" natatawa niyang sabi sa amin. Napatingin naman sa kanya si Leo tapos binigyan niya ito ng isang ngiti.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon