[32] Smack

1.2K 37 0
                                    

Chapter 32: Smack

[Lina's POV]

Kanina pa siyang nakatingin sa kawalan. Lutang na lutang si Friend, kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Katulad na lang kung naka-drugs ba si Friend? Kung humihit ba siya ng ruby o kaya naman acetone? O na-trauma lang siya sa katarayan ni Sapphire.

Speaking of Sapphire, hindi sila na huli. Bago kasi makadating si Daddy Nick at Fafa Jasper nakatakbo na sila. As in, takbo talaga kasi para silang bulang pinutok. Isang iglap bigla na lang silang nawala. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Sapphire.

"Ang tunay mong pamilya ay ang mga... Jimenez."

Hindi na ako magtataka kung mahihibang ang friend ko dahil sa nalaman niya. Una, nagkagusto siya kay Jasper dati at alam ko na hinahalay na niya si Jasper sa utak niya. Pangalawa, hindi niya alam kung paano sasabihin kay Jasper ang lahat. Pangatlo, nagugutom na ako. Mamaya na lang ako mag-iisip ng isa pang dahilan, nauubos ang energy ko.

"Friend, gusto mo ikuha kita ng makakain?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at umiling, bigla namang lumapit sa amin si Nick. Halata ang pag-aalala sa mukha ni Daddy Nick, ang pinagtataka ko, bakit parang hindi ako na-trauma man lang sa nangyari? Nabangga na nga ako at na-kidnap pa at the same time tapos walang nagbago sa akin.

Siguro pinaglihi ako ni Mama kay Avah, ang maldita ko kasi tapos 'yung mala-DYOSA ko namang mukha at katawan ay kay Aphrodite ko naman nakuha. Grabe, talaga si Mama lahat na lang ng biyaya kay God sinambot niya.

"Pinaghahanap pa rin raw si Sapphire. Mabilis raw silang nakatakas kaya maaring mahirapan sa paghahanap ang mga pulis." sabi ni Daddy Nick. Tumingin naman ako kay Jasper na nakikipag-usap kay Laurence. Hindi ko ba nasabi sa inyo na si Laurence talaga na nakahanap sa aming dalawa. Sinabi niya lang kay Nick at Jasper kung nasaan kami.

Grabe! Crush ko na siya. He is so Brave. Dahil sa kilig na papa-English na tuloy ako. Makakuha ng tissue at takpan ang ilong ko kasi baka bigla na lang akong mag nosebleed. Mas maigi pa si Laurence niligtas ako-este-kami samantalang si Le-- ay! Paano niya pala ako tutulungan eh nagkagalit nga pala kami. 

Psh. Bakit ba pumasok ang virus na 'yon sa utak ko? Kapag hindi siya na sugpo ng anti-virus ng utak, swear tatanggalin ko ang utak ko at ipapalit ang utak ni Einstein para naman tumalitalino ako. 

"Anak!" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Mama at Papa. Namumugto na ang mata ni Mama. Ano kayang pinanood nitong teleserye at nagdadrama na naman siya? Sinabi ko naman sa kanya na tumigil na sa panunnuod ng ganoong palabas. Wala naman siyang natutunan doon. Mas maigi pang magbasa siya ng wattpad. 

Niyakap na lang ako bigla ni Mama pati na rin si Papa. "Ma, ano pong pinanood niyong teleserye at pati si Pa ay naiyak. Sabihin niyo sa akin Angel Eyes ba 'yun?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nakinig ko naman ang masigla nilang tawa.

"Akala ko mawawala ka na sa amin. Please, mag-iingat ka sa susunod para hindi na ito maulit." si Mama talaga! Saan ka yang teleserye niya na kuha ang line na 'yon. Magamit sa susunod na may drama moment ulit ako.

"Ano ka ba Ma. Tandaan, matagal mamatay ang masamang damo." tumawa na naman sila sa sinabi ko. Niyakap na lang nila ako ng mahigpit. Kay Mama ko pala na mana ang kadramahan, eh kanino ko na mana ang katarayan? Imposibleng kay Papa, sobrang bait nito.

"Tara na anak umuwi na tayo." tumango naman ako sa sinabi ni Papa. Tumingin ako kay Naomi na kanina pa palang nakatingin sa amin habang nagyayakapan-slash-nagdadrama-slash-nagpapatawa.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon