[37] Nick Jimenez

1K 39 6
                                        

Chapter 37: Nick Jimenez

[Third Person’s POV]

“Naomi!” sigaw ni Nick habang pinagmamasdan niya ang kanyang minamahal na babae na mabangga ng kotse na papadaan.

Hindi man lang tumigil ang kotse at tuloy-tuloy lang ang andar nito. Lahat sila ay nagtakbuhan papunta kay Naomi.

Iyak.

Lungkot.

Saya.

Ito ang nararamdam ng lahat ngunit isang tao lang ang nakakaramdam ng kasiyahan. Ito ay si Suzy. Masaya siya dahil sa nalaman na ni Naomi ang masakit na katotohanan. Nalaman niya ang tungkol sa pagkatao niya.

Ang lahat ay nalulungkot dahil sa biglaang pangyayari. Parang wala pang ilang segundo ng makita nilang ngumingiti si Naomi at ngayon ay duguan siyang nakahiga sa sahig.

Tumawag na ng ambulansya ang mga kaklase ni Naomi. Hindi makagalaw sa kinatatayuan niya si Jasper, siguro dahil sa nakita niya o dahil sa nalaman niya.

“Naomi, gumising ka. Wag mo kaming iiwan. Hindi mo pa oras.”

Pero oras mo na para gumising sa panaginip. Naisip ni Suzy.

Para siyang bruha kung tumawa sa kalooban niya. Natutuwa siya dahil magbabalik ang lahat ng naayon dati, na sa kanya si Nick at walang kahit ano kay Naomi.

“Bitiwan mo siya! Nang dahil sa’yo kaya ‘to nangyari sa kanya!!!” sigaw ni Crystal.

Ngayon lang siya naging ganito ka-concern sa kanyang kapatid. Ngayon lang na alam na niya kung anong halaga ni Naomi sa buhay niya.

Lumayo si Nick kay Naomi at si Crystal ang humawak sa kanya.

Hindi lang si Naomi ang nasaktan sa nangyari kung di pati na rin si Nick. Hindi niya alam na mangyayari ang trahedyang ito. Alam niyang masasaktan niya si Naomi at masisira ang relasyon nilang dalawa pero ginawa niya ito dahil sa kahilingan ng kanyang babaeng minamahal.

“F-friend…”

Ang masayahing kaibigan ni Naomi na palaging kasiyahan ay dala ngayon ay parang pinagsuklaban ng langit at lupa. Lalapit sana siya kay Naomi pero katulad ng nangyari kay Nick pinalayo siya ni Crystal.

“Lumayo ka sa kanya! Itinuring ka niyang kaibigan! Pero sinaktan mo siya!!!” sigaw niya na siyang na lalong nagpasakit ng nararamdaman ni Lina.

Dumating ang ambulansyang kanina pa nilang hinihintay. Sinakay na si Naomi sa strecher at sa ambulansya. Sumunod sa kanya ang kanyang kapatid na si Crystal. Naiisipan niyang tawagin ang kanilang Aunt.

“A-aunt si A-ate…”

Ngayon, niya lang tinawag na Ate si Naomi.

[Anong nangyari sa kanya?] tanong ng Aunt niya.

“Nasagasaan siya…”

Naputol ang tawagan nilang dalawa at naibaba na rin ng tuluyan ni Crystal ang cellphone niya. Umiyak lang siya sa loob ng ambulansya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Hindi ka pa dapat mamatay. May kasalanan pa ako sa’yo. Ito ang paulit ulit na pumapasok sa utak ni Crystal habang umiiyak siya.

“Susundan ko siya.”

Hinawakan ni Suzy si Nick sa braso. Parang pinapakita nito na wag sundan si Naomi pero iba ang inaakala niya kay Suzy.

“Sasama ako,” sabi ni Suzy na siyang ikinagulat ni Nick. Wala na siyang nagawa kundi isama si Suzy sa hospital.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon