Chapter 26: Bad
[Naomi's POV]
*cuckoocuckoocuckoo*
Uminat ako. Ang sarap ng tulog ko kagabi. It's Ber month na kaya ang lamig lamig na. Mabuti na lang may kumot at malambot na kama dito sa bahay ni Jasper. Umikot ikot pa ako sa kama. Nasaan kaya si Nick? Ayos na kaya siya? Ang natatandaan ko lang kagabi, binabantayan ko siya sa kwarto. Tapos bigla na lang napapikit 'yung mata ko. Wala naman akong natatandaan na pumunta ako sa isa sa mga kwarto nitong bahay.
Inilibot ko ang mata ko at saka ko lang na realize na ito pala ang kwartong pinagdalhan kagabi ni Nick. Kung ito 'yung kwarto at kung gabi binabatayan ko si Nick na nakahiga lang sa kama, eh bakit ako ang nakahiga dito? OMG!!! Hindi kaya nagkapalit kami ng katawan?! No Way!!! Hindi ako marunong umihi ng nakatayo!!! Tumayo ako at humarap sa salamin.
Thank God! Hindi kami nagkapalit ng katawan. Kung hindi kami nagkapalit ng katawan, paano ako napunta sa higaan?
*sniffsniff*
Ang bango ano 'yun? Parang nanggagaling sa baba. Lumabas ako ng kwarto, sinundan ko kung nasaan nagmumula ang mabangong amoy na 'yun. Amoy bacon, tapos may sinangag. May kasama pang hotdog at itlog. Ang bago grabe! Nang mahanap ko kung nasaan 'yung amoy, nakita ko si Nick na... *lunok* na... ano... *lunok* naka ano siya.... *lunok* OMG! *lunok* nasa heaven na ba ako?
"N-nick," *lunok* Haharap na siya!!!
"Naomi," PAKING TAPE!!! Pandesal! Pandesal! Pabili pong pandesal! "Gusto mo bang kumain?" tanong niya sa akin. I can't breath. Parang hihikain ako sa nakikita ko ngayon. For real. Hindi ako makatingin sa kanya. Please, Lord wag naman pong biglaan. Bigyan niyo naman po ako ng clue sa mga ganitong bagay.
"Ano... ah... P-pede bang mag- mag... ano ka... mag.."
"T-shirt?" tumango ako sa sinabi niya. Nakangisi siyang lumapit sa akin. Inilapag niya hawak niyang spatula. "Bakit? Ayaw mo bang makita akong naka-ganito?" napalunok na naman ako. Naka zoom na 'yung mata ko sa mga pandesal niya sa tyan. Pinagpapawisan na rin ako ng malagkit, sino ba naman hindi pagpapawisan kung anong makikita mo ang isang tao na topless tapos may anim na mainit na pandesal sa tyan.
"N-nick, mags-suot ka na nga n-ng d-damit mo." lalo pa siyang lumapit.
"Ayoko nga. Wala man lang please." sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kanyang mga pandesal na nag sasabing 'Hawakan mo ako. Hawakan mo ako. Masarap 'to' Nakaktemp.
"N-nick, mag-suot k-ka na--" bigla na lang niya akong hinigit sa beywang. 'Yung katawan niya at katawan ko magkadikit na. Napalunok na naman ako.
"Say please." sabi niya sa akin.
"N-nick..." may lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa beywang ko. "'Yung niluluto mo sunog na." sabi ko sa kanya. Binitiwan niya ako at bumalik sa niluluto niya. Haay... nakaligtas ako doon. Mabuti na lang biglang umepal 'yung niluluto niya, kung hindi baka talagang marape ko ng hindi oras si Nick.
"Naomi, paabot nga ng pinggan." kinuha ko 'yung pinggan na kulay purple. Binigay ko ito sa kanya. "Umupo ka na lang ako na ang bahala sa pagkain mo." umupo ako sa isa sa mga upuan doon. 'Yung parang sa mga bar, 'yung naikot ba. Ano bang tawag doon? Basta ayun na 'yun. Inilapag niya 'yung pinggan na may laman na bacon, hotdog, itlog at sinangag.
"Papatabain mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. Hanggang ngayon wala pa rin siyang t-shirt na suot. Pero hindi na ako masyadong natetemp. Nakita ko 'yung hawak niyang pinggan, na may sunog na hotdog. "Nick, palit tayo ng pinggan." sabi ko sa kanya. Kukuhanin ko na 'yung pinggan niya, nang bigla niyang ilayo ito sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/24560264-288-k373882.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*