Chapter 06: Cold
[Naomi's POV]
"Anla! Paano na 'to? Nawawala yung susi, tapos ayaw pang magbukas nung pintuan. Tapos anong oras na! Patay ako kay Aunt. Paano na 'to?" Kanina pa akong natataranta dito. Pabalik balik na akong lakad ng lakad dito sa loob ng office ni Maam. Tapos ito namang si Nick wala man lang ginagawa kundi ang tanudan ako. Wala ba siyang balak na mag-isip ng paraan kung paano kami makakalabas?
"Pwede bang umupo muna, wala namang mangyayari kung mag-papanic ka" napatingin ako sa kanya. Naku! Wala ako sa mood para magtaray. Hindi ko siya pinansin, patuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad pabalik balik. Paano na 'to? Anong nang iisipin ni Aunt? May pingot na naman ako!! Paano na Naomi? Mag-isip ka!! Naku, Honor student ka!! Kailangan mong mag-isip. Kung sungkitin ko na lang kaya.
"Kapag hindi ka tumigil, igagapos kita sa upuan ng hindi ako nahihilo dito!" Napatigil ako sa paglalakad ko. Ang sama pala nitong magalit. Umupo na lang ako, takot ko na lang dito. Nagyon ko lang nalaman na may sala-halimaw pala ito. Naku! Baka mamaya halayin-este kainin ako nito ng buhay maka-upo na nga lang.
"Ano nang gagawin natin? Paano ako uuwi nito? Patay ako kay Aunt, tapos patay rin ako kay Mama kapag nalaman niya na hindi ako umuwi ng tama sa oras. Baka pabalikin ako sa probinsya. Ayoko pa naman doon!!!" Biglang padabog na tumayo si Nick na siya naman ikinagulat ko. Matalim siya na tumingin sa akin. OMG!!! Ice Age na ba?! Grabe! Ang lamig ng tingin niya sa akin. Tinakpan ko na yung madaldal kong bibig. Bumalik sa pagiging poker face itong si Nick. Bumalik na rin siya sa pagkaka-upo.
"Wag ka ng mag-alala, makakalabas rin tayo" mahinahon niyang sabi sa akin. Tumingin ako sa kanya.
"Kailan tayo lalabas?" tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa pinto. Kahit na hindi niya sabihin ramdam ko yung lungkot niya. Dahil ba 'to kay Suzy? Wag nyong sabihin na break na sila? Teka, nga bakit ko ba pinoproblema ang lablife nila? Ang dapat ko munang problemahin ay kung paano ako lalabas dito sa office?
"Makakalabas tayo... bukas" Tae ba siya?! Ginagago yata ako nito eh?!
"ANO?! GINAGAGO MO BA AKO?! BUKAS?! BUKAS PA TAYO LALA-" Nakapatong si Nick kay Naomi. Sht! Tama ba yung sinulat ni Otor? Hindi ba pagtataksil 'tong ginagawa namin? Kasi kaibigan ko si Suzy tapos girlfriend pa niya 'yun? Anla! Otor ano ba ito?
"Kapag hindi ka tumitigil, gagawin ko talaga 'yung ano..." mahinahon niya yung sinabi pero ako hindi ako mapakali kasi naman. Paano at bakit siya nasa ibabaw ko? Tapos itong puso kung 'to ang landi landi gumagaya na kay Lina. Lumalandi na rin.
"N-nick, w-wag. B-bata pa a-ako" kabadong kabado kong sabi sa kanya. Bigla siyang nag-smirk sa akin. Napalunok naman ako. Ano ba 'to? Ngayon ko lang na realize ang gwapo niya pala? Ano ba naman 'yan Naomi? Hindi ba loyal ka kay Jasper?
"Anong huwag? Nasa ganito na tayong posisyon, alangan namang itigil ko pa diba?" Sht! Feeling ko nag-iinit na yung mukha ko? Ano ka ba naman Nick? Tigilan mo ako baka ako ang mangrape-este pumatay sa'yo.
"N-nick, p-please. H-hindi pa a-ako r-ready" sabi ko sa kanya. Lalo naman siyang napa-smirk. Ito na ba ang kawalan ng virginity ko. Oh No!! Hindi ko dapat sa kanya ibigay ang bataan ko!!
"Paano ba 'yan ready na ako?" unti-unti niyang nilapit sa akin yung mukha niya, napapikit na lang ako. Oh Noes!! Wag po!! Wag po!! Bata pa po ako!! Marami pa po akong pangarap sa buhay!! Pangarap ko pa pong maging isang Jimenez balang araw. At magiging asawa ko pa po si Jasper my labs!!! Magkaka-anak pa po kami ng mga cute!! Kaya wag po muna!!
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
Любовные романыPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*