Chapter 40: Sudden Death
[Naomi’s POV]
Simula ng biglang pagbisita ni Nick sa hospital, nasundan na ito ng marami pang beses na pagbisita niya. Palagi niya akong binabantayan. Hindi ko pa rin maintindihan ang status naming dalawa.
Magkapatid ba kami o ma-syota pa rin?
Haay… ang gulo.
“Aunt, may tanong po ako sa inyo.”
Palagi na lang nandito si Lina. Palagi niyang pinapagaan ang ambiance dito dahil alam mo na, turtle ang kaibigan ko. Mabagal maka-absorb ng mga pangyayari. Pinagpapasalamat ko nga na nandito siya kasi kung hindi baka mag-suicide na sina Mama at Papa.
“Ano ‘yon, Lina?” nadinig ko naman ang boses ni Aunt. Nadidinig ko rin ang paghihiwa niya ng mansanas.
“Paano po naglalabas ng poop si Friend pati na rin po ‘yung ihi niya. Paano po siya umiihi? Hindi po ba siya nagugutom? Matakaw pa naman po siya. Nagmana po sa bestfriend niya.”
Kung nakakagalaw lang ako baka nabatukan ko na siya. Pati ba naman ‘yon pumapasok sa isip niya. Malawak talaga ang imagination niya, sinabi ko na sa kanyang maging painter na lang siya kaysa engineer.
Magaling kasi siyang magpaint, halos buong bahay nila punong puno ng painting niya.
“Oo nga ano?”
*facepalm*
Pati ba naman si Aunt nahahawa na kay Lina. Malakas talaga ang influence niya sa ibang tao.
“Ma, Pa labas po muna ako. Bibili po ako ng lunch natin,” sabi ni Crys.
Madalang na silang hindi nag-aaway. Siguro nitong mga nakaraang araw hindi ko na naririnig ang sigaw ni Crys pati na rin ang pag-iyak ni Mama. Nadinig ko ang pagsara ng pintuan.
“Kung siguro gising itong anak natin tuwang tuwa ‘yan kasi nandito tayo sa Maynila,” wika ni Papa.
“Sigurado igagala niya tayo dito. Hindi ba palagi niyang sinasabi na maganda raw ang mga park dito sa Maynila,” sabi naman ni Mama.
“Haay… naku tita at tito. Gusto niyo po igala ko kayo sa buong Maynila. Alam niyo naman po na natutulog pa si Friend. Tulog mantika pa naman po yan.”
Nadinig ko ang halakhak nila dahil sa sinabi ni Lina. Makalipas ang ilang minuto bumalik na si Crys. Hindi ko alam kung anong dinala niyang pagkain pero for sure masarap ‘yon kasi bigla na lang tumahimik si Lina.
Kapag talaga may pagkain sa harapan ni Lina bigla na lang siyang tumatahimik.
Gusto kong maramdaman ang simoy ng hangin sa labas kaso nga lang hindi ko magawa kasi ng sabi ni Lina “Tulog mantika pa naman po yan.”
Umuwi na si Lina, nadinig ko ang pamamalam niya kina Mama at Papa, sumabay na rin sa kanya si Aunt pa-uwi dahil gusto niya raw munang tingnan ang bahay kung maayos pa.
Samantalang si Mama at Papa naman ay lumabas muna para magpahangin. Naiwan na lang sa kwarto ko ay si Crys.
“Ate, kailan ka ba gigising?” tanong niya sa akin. Malapit na Crys. Malapit na malapit na.
“Yung boyfriend mo, haay… ang gulo ng utak. Kung hindi mo lang ‘yon mahal baka nabugbog ko na ‘yon.”
Nakakatakot pala kapag over protective si Crys. Nagiging wild ang pag-iisip. Pero tungkol doon sa magulo ang utak ni Nick? May disability ba si Nick sa utak? Kulang ng nerve cells ang utak niya?
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
