Chapter 56: Midnight Memories
[Naomi’s POV]
“Pinadagdagan pa ni Dad ang butlers para raw sa security mo.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Bakit pa kailangang padagdagan ni Daddy ang butler? Hindi na naman ako lumalapit kay Nick. Ano bang gusto niya na ultimong hangin na hinihinga ko ay dapat hindi hinihinga ni Nick. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng bahay.
Ayoko na munang pumasok. Nakakatamad at nakaka-irita.
Ilang araw na ba akong ganito. Ilang araw na ba akong hindi nakaka-usap sina Lina, Steph, Leo at si Crys. Namimiss ko na sila kahit na lapitan ko lang sila nagagalit na kaagad si Daddy. Masyado na akong nasasakal sa ginagawa niya.
“Naomi! Buksan mo ‘tong pinto! Wag kang magkulong! May pasok pa tayo!” sigaw ni Jasper sa may pinto habang kinakalabog ito.
Ilang araw na rin kaming nag-aaway dalawa dahil sa patuloy kong pagkukulong sa kwarto ko at hindi pagkain madalas.
Humiga ako sa kama at itinalukbong ang kumot ko. Mas maigi pa noong na kina Auntie pa ako nakakalabas ako ng bahay kahit kailan ko gusto, nakakausap ko si Lina, Crys, Leo at Steph.
“Aling Ceni, ‘yung susi po!” sigaw niya.
Kahit na kuhanin mo ang susi hindi mo pa rin mabubuksan ang pintuan, nakalimutan mo ata na double lock ang kwarto ko. Hinayaan ko lang siya habang hirap na hirap sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ko.
“Fuck!”
Napamura na lang siya ng hindi niya mabuksan ang pintuan. “Naomi, para sa security mo ‘to. Mahal ka ni Dad kaya niya ‘to ginagawa. Please, intindihin mo na naman siya.”
Palagi na lang ako ang umiintindi sa kanya hindi ba pwedeng ako muna ang intindihin niya? Hindi ba pwedeng bigyan naman niya ako kalayaan o kahit space man lang. Nakakasakal na ang ginagawa niya.
Hindi ko maiwasang isipin kung anak niya ba ako?
“Naomi?” aniya. Narinig ko ang buntong hininga niya. “May pagkain sa baba. Lumabas ka na lang kung kakain ka. Walang tao sa bahay aalis si Aling Ceni, may pasok rin kami ni Jess.” Malungkot niyang sabi.
Hinayaan ko na lang siya. Ang kailangan ko muna ngayon, SPACE.
Pagputok ng baril at ang pagsigaw ng isang batang lalaki ang nadinig ko. Mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang batang lalaki na may kasamang batang babae na mas bata sa kanya.
“Zy!!!”
Umiyak siya sa hindi ko malaman na dahilan. Ilang beses siyang tumingin sa batang babae at sa warehouse kung nasaan ang tinatawag niyang Zy.
“Mauna ka na… humingin ka ng tulong. Tutulungan ko sila.” Aniya at agad iniwan ang bata sa may ulunan na walang kasama.
Tumingin ako sa paligid, madilim ang gabi at parang nagluluksa dahil sa malakas na ulan na patuloy na bumubuhos. Napatingin ako sa repleksyon ko sa tubig at sa batang babae na umiiyak. Ang suot niya at ang buhok niya ay kaparehas ng akin noong bata pa lang ako.
Nilapitan ko ang batang babae pero nagulat ako dahil sa pagsigaw niya.
“Kuya!!!”
Halos atakihin ako sa puso ng makita ang mukha ng batang babae. Ang ilong, mata, labi at kilay nito ay kaparehas ng sa akin. Ako ba at ang bata ay iisa?
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
