Chapter 54: Defeat
[Naomi’s POV]
Pinagmasdan kong muli ang mga lalaking naka-all black sa harapan ko. Ganito ba talaga ang tatay ko?
“This is Justin. The head butler.” Pakilala ni Jasper sa lalaking nasa harapan ko.
Tinanguan ko lang siya bilang pagbati sa kanya. Kumuha si Daddy ng lagpas sa sampung butler para bantayan ako kung saan ako pupunta. Para na rin raw sa proteksyon ko kay… Nick. Ayaw niya na makita akong lalapit sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng limousine. Bantay sarado sa akin si Daddy ngayon, siguro dahil ayaw niya lang na masaktan ako? O siguro ayaw niya lang madungis ang apelyidong “Jimenez”?
Huminga na lang ako ng malalim ng makita ang seryosong mukha ni Daddy habang umiinom ng wine sa loob ng limousine.
“Dad, hindi po ba masyadong maaga para sa w—“ hindi pa man ako nakakatapos sa pagsasalita ay bigla na lang nagsalita si Daddy.
“How’s your relation with Nick before? Was it good?” tanong niya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya sa akin. Paano niya nalaman? Nanlambot ang tuhod ko dahil sinabi ni Daddy. Nanlalamig na rin ang kamay ko at nangangatal ito dahil sa kaba.
“So it’s real… may relasyon nga kayong dalawa.”
Pabarang na binagsak ni Daddy ang hawak niyang baso. Uminit ang mata ko. Nalaman na niya lahat. Magagalit rin ba siya sa akin? Itatakwil niya ba ako kagaya ng pagtakwil niya sa anak niya? Mau-ulila ba ako muli?
“Kung gusto mo na maging mabuting anak. Lalayuan mo siya at wag na wag mong kakausapin. Naiintindihan mo ba ako?” ani Daddy.
Napayuko na lang ako sa sinabi ni Daddy. Hindi ko akalain na ganito pala ang pagmamahal na ibibigay niya sa akin.
Para lang akong asong sumusunod sa amo ko, pero ito ang pinili ko. Ito ang pinili ko dahil sa gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng isang ama, pero parang mali ang napili ko.
Parang mali na pinili ko siya kaysa kay Nick. Ngayon, nagsisi ako? Pero tama lang ang ginawa ko. Tama, lang na itigil ko ang maling pagmamahal. Siguro na gustuhan ko lang ang salitang “forbidden”. Siguro ganon nga.
Pagkababa ko sa sasakyan, sinalubong kaagad ako ng mga butler kasama na rin si Jasper na may malungkot na pinta sa kanyang mukha. Agad siyang lumapit sa akin.
“Kung ano man ang sinabi sayo ni Dad, wag mong masyadong dibdibin.” Aniya.
Tumango ako sa sinabi niya. Habang naglalakad kami kinig na kinig ko ang bulungan ng mga estudyante dahil sa dami ng mga lalaki na naka-buntot sa amin. Hindi ko alam kung nandidiri sila sa akin o naiinggit dahil sa kikisig ng mga butlers.
“Hindi ba bawal sila sa loob ng school?” tanong ko.
“Napagpaalam na ni Dad na kasama sila kung saan ka pupunta.”
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa unang klase namin ay nakasalubong namin si Lina kasama si Leo at saka si… Kim?
Bakit kasama nila si Kim? Magkaibigan na ba silang tatlo?
“Nagseselos ako kay KIM!!!”
Naalala ko pa ang eksaktong sinabi sa akin ni Lina kagabi habang kausap ko siya sa telepono. Kung nagseselos siya kay Kim, bakit kasama nila ito?
“Hi, friend!” masayang bati sa akin ni Lina.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*