[33]Piggyback

1.3K 37 0
                                    

Chapter 33: Piggyback

[Naomi's POV]

"Haay... friend sure ka bang nakidnap tayong parehas kasi feel ko na hindi. Kasi ang landi niyong dalawa." sabi sa amin ni Lina. Sus, inggit lang 'yan. Wala kasi si Leo kaya ganyan.

"Inggit ka lang best. Nasaan na ba kasi si Leo? Ang alam ko buntot mo 'yon, bakit parang naputol?" bigla naman siyang umirap. Sus, taray. At saka ano bang malandi sa ginagawa namin ni Nick, naghoholding hands lang naman kami habang naglalakad sa may hallway papuntang canteen. Bitter lang talaga yan.

Sabay sabay kaming napatigil sa paglalakad dahil sa nasalubong namin si Leo. Bakit parang napa-away yata siya? Nakatingin lang siya kay Lina pero parang may lungkot. Anong nangyari sa dalawang 'to?

"Speaking of the monkey." sabi ni Nick. Siniko ko siya. Alam naman niya na awkward ang atmosphere tapos babasagin niya. Nadinig ata ni Leo 'yung sinabi ni Nick kaya naman napatawa siya. Lumapit siya sa amin.

"Pupunta ba kayong canteen?'' tanong niya sa amin. Tumango naman kami except kay Lina. May problema ba 'tong dalawa? LQ? Grabe, naging sila ba? "Pwede bang makisabay?" tanong niya ulit. Tumango lang kaming dalawa ni Nick kaso nga lang wala pa ring reaksyon si Lina. Grabe, hindi talaga ako mapatigil sa pagsasabi ng grabe kasi 'yung tingin ni Lina kakaiba. Gusto niya bang pagnasaan si Leo?

"Tara na." sabi ni Nick. "Gutom na ako." dagdag pa niya. Bigla na lang naging tahimik si Lina simula nung dumating si Leo. Hanggang sa pagbili namin ng pagkain sa pag-upo. As in! sa lahat ng ginagawa namin tahimik siya kahit nga ata sa pagkain ng chips tahimik siya. Hindi na talaga ko mapakali.

"May LQ ba kayong dalawa?" tanong ko sa kanila. Bigla naman silang nagkatinginan pero agad namang umiwas si Lina ng tingin at patuloy na kumain.

"Common guys sabihin niyo na. Namimiss ko na 'yung ingay niyong dalawa." sabi ko. Tumingin naman ako kay Nick, sus kain ng kain walang pake sa paligid niya. Parang hindi siya pinakain ng isang buwan sa kanila.

"Wala 'to. Konting tampuhan lang." sabi ni Leo. "Medyo nagdrama lang kaming dalawa." dagdag pa niya. Feeling ko hindi lang 'yon ang dahilan. Jusko! Ang hirap pa lang manghula masakit sa utak. Bigla na lang tumayo si Lina at lumapit kay Nick.

"May pag-uusapan tayo mamaya." sabi niya.

"Lina saan ka pupunta?"

"Nawalan na kasi ako ng gana. Sige friend kayo na lang ang kumain."

Ano kayang problema nila? Tumingin ako kay Leo. Bumulong ako kay Nick.

"Harangan mo si Leo, may tatanungin lang ako." sabi ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at may binunlong rin.

"Anong premyo ko?" tanong niya sa akin.

"Bili kita ng pagkain." sabi ko sa kanya.

"Ayoko gusto ko iba." pagkatapos niya 'yong sabihin bigla na lang siyang ngumisi.

"O sige. Ilan kiss ang gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Pwede hanggang manawa ako?"

"Oo na! Alam ko naman na may pagka-kissing monster ka." sabi ko sa kanya. Nag-yes namang siyang ng mahina. Lumipat siya sa kabilang upuan at tumabi kay Leo.

"So Leo let's take this easy. Sasabihin mo sa akin ang pinag-awayan niyo o dadaan ka sa kamay ng boyfriend ko?" sabi ko sa kanya with a smile. Napatingin naman siya kay Nick na nakangising gwapo. Sus, yabang talaga nito.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon