Chapter 10: Planner
[Allina's POV]
Ano? Akala niyo hanggang landi lang alam ko syempre, kailangan may POV ang bestfriend ng bida. Syempre, bukod sa bestfriend ako nung bida maganda, maganda, maganda at maganda kasi ako. Tama ba o tama? Okay pine!! Start ko na nga story.
"Friend, masama bang mag-eavesdrop?" napatingin ako kay Naomi. Eavesdrop? Nu 'yun? Paki-translate nga!! Ang shala kasi nitong kaibigan ko, kung maka-english nakakalow-blood. Mahina pa naman ako sa English, sa subject lang ako na Math magaling. M-eryenda. A-gahan. T-anghalian. H-apunan. Math. Hindi naman masyadong halata na matakaw ako.
"Friend, translate mo nga 'yung sinabi mo?" napabuntong hininga siya. Laki ng problema nito. Parang pasan nya ang daigdig sa lalalim ng problema. Mamatay na ba?! Mamatay na?! Hehehe... *knock on the wood* Jooookee... lang.
"Kasi friend nadinig ko si Suzy at Nick nag-uusap..." napalaki naman ang mata ko. Ayun naman pala ang pinupunto niya. Nakikinig siya sa usapan ng iba. Ang daming nalalaman nito. May pa eavesdrop-eavesdrop pa siyang nalalaman. Haay!! Ang hirap ng may matalinong bestfriend!!.
"Ano naman ang paki ko dyan sa pag-uusap nila?" tanong ko sa kanya. Ganyan talaga kami. Malakas mang okray pero friends pa rin kami. Diyan mo masusukat ang tunay na pagkakaibigan. Hehehe... lalim. Saan ko nahugot 'yun?
"Nadinig ko sila.. may plano sila sa kapatid ni Nick." Okay... ANONG PAKI KO SA KAPATID NI NICK!!! Magsasalita pa lang ako kaso naunahan ako ni Naomi. "Tapos kasama pa ako sa plano nila... tapos sabi ni Nick ako raw 'yung prize niya. Friend anu 'yun?" Nahingi ba siya ng tulong sa dyosang katulad ko? Siguro nga nahingi siya. Nilagay ko 'yung kamay ko sa baba ko tapos kunwari nag-iisip ako.... pero HINDI. Lul!! Kailan pa ako nag-isip? *ting*
"Alam ko na friend, makisakay ka muna sa trip nung dalawa, tapos pagnakakuha na tayo ng sapat na information..." ano ba 'yan?!! Ang tagal may buff ng utak ko. Ano kaya 'yung isusunod ko. Pagnakakuha ng information... magpaparty kami? Huh? Hindi ata pwede 'yun.
"Pagnakakuha kayo ng information kayo naman ang magpaplano, stupids" Whoa!! sino 'yun? Ay, kasama nga pala namin si Crystal 'yung mataray na kapatid ni Naomi. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Naomi.
"TAMA!!" sabay naming sabi sa loob ng canteen. Napatingin naman ang lahat ng tao. Nakakahiya 'yung pagsigaw namin. Hindi halata na magbestfriend kaming dalawa kasi slow rin 'tong si Naomi minsan.
"Ampon, sino 'yung sinasabing Nick nitong kaibigan mong Turtle?" Oo nga 'no. Sino nga pala si Nick? Hindi pa sa akin napapakilala nitong bestfriend ko. Tumingin ako sa kanya. Tumingin siya sa aming dalawa ni Crystal.
"Ahh... ayun ba."
[Naomi's POV]
"Ampon, sino 'yung sinasabing Nick nitong kaibigan mong Turtle?"Oo nga pala hindi pa nila kilala si Nick. 'Yung kaibigan ni Jasper ko.
"Ahh.. ayun ba.. siya 'yung kaibigan ni Jasper. Tapos boyfriend ata ni Suzy" malalo ata silang naguluhan sa sinabi ko kasi parehas napakunot 'yung noo. Hahaha!!!! Para silang kambal ang astig!!
"Friend, bakit may ata 'yung pagkakasabi mo ng boyfriend?"
"Tsaka sino naman 'yung si Suzy?"
"Ikaw friend hindi mo sinasabi sa amin na marami ka palang friends," Napakamot naman ako sa ulo ko. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila kung paano ko nakilala 'yung mga 'yun.
"Huy!! Ampon, hindi mo ba ikukuwento!!! Baka gustong mong kalbuhin kita!!!" dahil sa takot ko sa kapatid ko kinuwento ko. Simula sa slight na pagkakabanga ko, hanggang sa maging kaibigan ko si Suzy. Nung pinag-ayos ako ni Maam ng mga portfolio at accidentally na-lock ako sa office ni Maam. Sa pag-amin sa akin Jasper na gusto niya raw ako pero hindi niya directly sinabi hanggang sa pagiging dakilang eavesdropper ko kahapon.
"Grabe ka ,friend. Ilang araw pa lang kayo nagkakakilala nagiging adveturous na ang buhay mo. Ay!! Inday, sama ako sa adventure mo."
"Ampon, bakit ang swerte mo angdami mong nakikilalang gwapo samantalang ako wala pa akong nakikilala. Kainggit!!!" Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti sa harapan nilang dalawa.
"Naomi!!!" hindi ko alam kung sino ang titingnan ko sa kanilang dalawa. Sabay kasi akong tinawag ni Jasper at Nick. Anong problema ng dalawang 'to? Sabay rin silang lumapit sa akin. Tapos in unison sinabi nila na....
"Pwedeng maki-upo" tumango na lang ako sa sinabi nila. Si Crystal naman ang weird ng tingin sa dalawa para bang inimbestigahan niya 'yung dalawa. Siya ba si Detective Conan? Bale ganito ang pwesto namin si Lina at Crystal magkatabi pero may malaking space. Katapat namin sila, ako 'yung nasa gitna tapos si Jasper ang nasa kanan ko tapos si Nick naman ang nasa kaliwa.
Sobrang awkward ng atmosphere dahil sa hindi ako makatingin ng maayos kay Nick kasi gawa ng na-realize ko lang kagabi na may plano siya na alam ko at ramdam ng instincts ko na hindi mabuti pero kahapon lang rin sobrang bait niya sa clinic.
Si Japser naman super duper sweet, nilalagyan niya ng pagkain 'yung pinggan ko. Hindi rin ako masyadong makakilos dahil sa parang binababy niya ako. Tapos nahihiya rin ako kasi para na kaming M.U. Sa tuwing lalagyan ni Jasper 'yung pinggan ko ng pagkain kukuhanin naman bigla ni Nick. Anong problema nun?
Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa room, habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Suzy.
"Suzy, pwede ba kitang maka-usap?" tumingin lang siya sa akin. Tutal naman wala 'yung prof namin siguro pwede na akong magpaliwanag sa kanya. Pumunta kami sa pinakamalapit na bench at doon kami nag-usap.
"Suzy, sana wag ka ng magalit sa 'kin. 'Yung nakita mo doon sa office ni Maam wala 'yun kalimutan mo na 'yun," sabi ko sa kanya. Tumawa siya ng bahagya.
"Sino bang may sabi sayo na galit ako sayo. Wala naman diba? Tsaka 'yung doon sa office hindi na mahalaga 'yun sa akin. Since, break na naman kami so wala na akong pakealam kung sino ang gustong landiin ni Nick," tumayo siya at paalis na sana kaso nga lang tinawag ko ulit siya at sinabing...
"Suzy!!! Masakit ba?! Kasi kung masakit pwede kitang tulungang mawala 'yan."
"Hindi ko kailangan ng awa mo, Naomi" sapat lang para madinig ko 'yung sinabi niya. Sayang gusto ko pa namang maging kaibigan si Suzy. Kahit kailan wala pang tumatanggi sa akin kapag nakikipagkaibigana ko. Friendly kasi ako at sabi nga ni Mama 'likeable' rin ako. Umupo ulit ako sa bench. Nakakalungkot naman, bigla na lang nagbago si Suzy. Noong una para siyang anghel tapos ngayon naging isa na siya-- pero hindi dapat maging ganon si Suzy kailangan ko silang pagbalikin ni Nick. Pero paano? Naiilangan nga akong lumapit kay Nick kasi nga gawa ng nadinig ko. Ano ba ang dapat kong gawin?

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*