Chapter 12: Two Timer?
[Naomi's POV]
"Babe, anong group mo?"
"Tumigil ka nga ng kakatawag sa akin ng babe!!! Mamaya susuntukin na kita!!!"
"Ito naman. Bakit ang init ng ulo mo? Mayroon ka ba ngayon? Gusto mo bili kita ng pads?"
Bigla na lang tumayo si Lina at nagwalk-out. Ito naman kasing si Leo ang kulit kulit. Tinupad ko na nga ang pangako ko sa kanya, nireto ko na nga siya kay Best pero siya naman itong nagawa ng paraan para lumayo sa kanya si Lina. Haay... bahala siya .For sure, hindi na aatend si Lina ng first subject. Bahala siya magugulo ang sched niya. Tumingin ako sa last row. Nasaan na kaya si Jasper? Biglang bumukas ang pintuan at speaking of an angel dumating na si Jasper, na kasama si Nick. Nang mapatingin ako kay Nick bigla na lang siyang ngumiti.
Hindi ko na lang siya pinansin sa halip tumingin ako kay Jasper. "Goodmorning!!!" sabi ko kay Jasper pero sa halip na siya ang magsalita may kabuteng bigla na lang umupo sa tabi ko at umakbay sa akin. "Goodmorning rin, Yam!!!" napatingin naman ako sa nilalang na ito. Ano bang problema nito?
"Nick, ano bang nakain mo at sobra atang--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi bigla na lang siyang nagsalita.
"Sweet. Nakakalimutan mo na ba 'yung deal natin" halos pabulong niyang sabi. Oo, nga pala may deal nga pala kami ni Kabute.
"Hindi ko nakakalimutan," ngumuso naman ako. "Teka may nakalimutan kang sabihin" ano 'yung nakalimutan kong sabihin. Ano kaya 'yung dapat kong sabihin? Hmmm... Kabute? Butiki? Palaka? Baby? Tama ba 'yung baby? "Baby?" sabi ko sa kanya.
"Gusto mo ng baby?!" nagtataka ako sa sinabi ni Nick. Bigla na lang niyang pinagsigawan 'yung salitang Baby! Tapos sabi niya gusto ko raw ng baby! Anong tingin niya sa akin paanakang manok?! "Yam, bata pa tayo para dyan. Ano ka ba naman?!" mas lalo pa syang sumigaw sa room. Jusko! Nahihiya na ako sa balat ko.
"Psst...Naomi. Kayo ba Nick?" parehas kaming napatingin ni Nick kay Alex na kaklase naming lalaki. Umupo ulit si Nick sa katabi kong upuan at inakbayan ako.
"Oo, kami nga. Bakit angal ka?" tumango na lamang ito. Nakita ko naman si Jasper na matalim na nakatingin sa kamay ni Nick. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka lalo akong hindi magustuhan ni Jasper.
Nakita ko si Lina na bumalik sa upuan. Pumasok na rin si Leo pero hindi na niya kinukulit si Lina. Napatingin naman sa akin si Lina at sa pagkakaakbay ni Nick sa akin. "Boyfriend mo ba siya?" pabulong na tanong ni Naomi. Tumingin naman ako kay Nick na may ngiti sa labi pero hindi ko alam parang may kakaiba sa ngiti niya.
"O-oo" sabi ko kay Lina. Tumango naman siya tapos tinawag niya si Nick. Napatingin naman si Nick sa kanya.
"Hoy, Nick kapag itong bestfriend ko ay umiyak ng dahil sayo uupakan kita." napaka-protective naman nitong bestfriend ko akala mo siya ang nanay ko.
"Hindi ko talaga sasaktan'tong si Naomi. Takot ko na lang sayo," tumango tango naman si Lina.
"Siguraduhin mo lang talagang hindi mo sasaktan 'tong kaibigan ko kundi 'yang gwapo mong mukha babangasan ko," nakakatakot naman itong si Lina. May split personality minsan girlish minsan boyish baka mamaya magtapat to sa akin at sabihin na maging kami.
Buong period hindi ako pinapansin ni Jasper. Sa tuwing, titingin ako sa likod at magkakatinginan kami bigla na lang siyang iiwas. Pero sa tuwi naman akong titingin sa kaliwang part, makikita ko si Nick na nakatingin rin sa aming dalawa. Tapos hindi gaya ng kanina, hindi siya sweet ngayon. Haay... ang gulo talaga nito. Nakakalito hindi ko malaman kung ano dapat ang mararamdam ko. Pero diba fake lang naman kami kaya walang issue kung magpatuloy ako na magkagusto kay Jasper, pero pang sarili ko lang naman.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*