[39] Hear, Speak, Feel

1.1K 40 7
                                    

Chapter 39: Hear, Speak, Feel

[Naomi’s POV]

Puti. Puro puti lang ang nakikita ko. Patay na ba ako? Naku, sana wag naman. Magiging masaya pa kami ni Yam. Magiging mag-asawa, aayusin ko pa ang neck tie niya kapag paalis siya papuntang office. Mag-aaral pa akong magluto ng favorite dishes niya.

Teka, ano bang nangyari noong nasa party ako? Aray! Ang sakit sa ulo.

“Naomi. Naomi anak ko.”

Boses ba ‘yun ni Mama? Paano siya nakapunta dito? At bakit siya pumunta dito?

“Anak, gumising ka na kanina pang umiiyak ang Mama mo.”

Papa? Papa, bakit umiiyak si Mama? Papa, sabihin mo sa akin.

“Ilang araw na ba siyang nasa ganyang kondisyon?” nakinig ko ang boses ni Papa pero hindi katulad dati na masaya ito medyo garalgal at parang umiiyak siya.

“Tatlong linggo. Tatlong linggo na siyang comatose.”

Parang nanlambot ang tuhod ko dahil sa sinabi ni Crys. Comatose? Ako? Imposible. Maayos naman ako diba? Wala namang nangyari sa akin masama diba? Ano bang nangyari sabihin niyo naman sa akin?!

“Aunt, gigising pa ba si Ate?”

Ate? Ngayon niya lang akong tinawag na ate. Gusto ko man siyang yakapin hindi ko magawa dahil sa hindi ko maramdaman ang katawan ko. Comatose nga ba talaga ako?

“Ang tunay niyang pamilya nasaan na sila?” nadinig kong tanong ni Mama, dinig ko rin ang pagsinghot niya.

“Bakit niyo pa sila hinahanap? Hindi ba sila ang may gawa nito” malamig na sabi ni Crys.

Tunay na pamilya? Sino? Anong ginawa nila?

“Anak, hindi sila ang may gawa nito isang aksidente ang nangyari.”

“Aksidente? Kung hindi ba nila sinabi ang katotohanan hindi ba dapat nandito si Ate at kausap natin. Eh di sana hindi siya nakaratay dyan sa lintek na higaan na ‘yan.”

“Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang Mama mo!” sigaw ni Papa.

Guys, wag kayong mag-away. Mama, Papa, Crys wag kayong mag-away. Aunt, awatin niyo sila! Kung nandyan po kayo awatin niyo sila. Aunt nadidinig niyo po ba ako?!

“Bakit Pa?! Totoo naman ah! Kung hindi dahil sa mga Jimenez hindi sana nakaratay dyan si Ate. Kung naghintay lang sana nila ang pagkakataon na malaman niya ang katotohanan hindi diba siya masasagasaaan!”

“Sila ang nagsusuntento ng pangpa-hospital ng Ate mo hindi pa ba sapat na kabayaran ‘yon!”

Aunt, nagmamakaawa ako sa inyo awatin niyo po sila.

“Pera lang ba ang hanap niyo? Dapat noong una pa lang sinabi niyo na. Para hindi na lang nasa ganyang kalagayan si Ate! Eh, di sana nakapagpatago ako ng isang milyon para sa inyo.”

*Pak!*

“Wag mo kaming sasabihan ng ganyan Crystal! Mga magulang mo kami!”

Gusto ko silang yakapin, pigilan sa pag-aaway pero hindi ko magawa. Bakit ba hindi ko magalaw ang buo kong katawan?

Isang malakas na kalabog ang nadinig ko, sumunod dito ang dalawa pang beses na pagsara ng pinto. Naging tahimik ang paligid, hindi kagaya kanina na puro na lang sigawan at sumbatan ang nangyayari.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon