Chapter 58: Naomi, wake up
[Naomi’s POV]
“Maghintay lang po kayo dito.” Ani ng isang nurse.
“Ano bang ginagawa natin dito?” tanong ni Crys na halatang boring na boring na. “Bakit ba tayo nandito sa mental hospital?” tanong niyang muli. “Sino bang bibisitahin natin?”
“Alam mo ang daldal mo Crystal. Hindi ka ba nakikinig kanina, bibisitahin natin ‘yung Mommy ni Friend.” Ani naman ni Lina.
Hindi ko expected na dito ko pala makikita ang mommy ko. Sa isang mental hospital ko lang pala siya makikita. Bakit kaya siya nandito? Ano kayang sakit niya? Paano kaya siya na-trauma?
“Maam, dito po tayo.” Tinawag na kami ng isang nurse at sinundan lang namin siya.
Iba sa iniisip kong mental hospital, hindi talaga mga naka-drugs ang nandito. Ang sabi sa amin nung nurse mga na-trauma lang raw ang nandito na hindi na kayang gamutin ng kahit anong bagay.
“Ayun po siya, Maam.” Tinuro sa amin ng nurse ang isang babae na naka-upo sa may bench habang nakatingin sa magandang hardin sa labas.
Sabay sabay kaming lumapit sa kanya. May ibinulong sa kanya ang nurse at agad na humarap ito sa amin. Nakangiti siya sa amin at halatang nagagalak na makita kami.
“Sino sa kanila ang anak ko?” tanong ni Mommy.
“Siya po.” Ani ng nurse.
“Hindi. No. Hindi siya ang anak ko.” Aniya.
“Pero Maam siya po ‘yun.” Sabi ng nurse.
Sa halip na sumang-ayon si Mommy ay muli siyang umiling at lumapit sa akin. Nakatingin siya sa kamay ko, agad niya itong hinablot. Nagulat ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang singsing na suot ko.
“S-saan mo ‘to n-nakuha?” tanong niya.
“Hindi po ba kayo ang may bigay nito?” ani ko.
Ilang beses siyang umiling. “Hindi.” Biglang lumaki ang mata niya at lumayo sa akin. Halos mangiyak ngiyak siya habang tinuturo ako. “Buhay ka.” Aniya at saka ako niyakap ng mahigpit.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at agad na humarap sa nurse. Nagtatalon siya at paulit ulit niyang sinasabi ang salitang… “Buhay siya!”
“Ang weird naman ng Mom mo, Friend. Hindi na natin siya naka-usap ng maayos kasi nagtatalon na siya doon.” Ani Lina at saka uminom ng shake.
“At Ate itinanggi ka niyang anak.” Ani Crys.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. Hindi ako ang anak niya tapos sabi niya buhay daw ako. Bakit patay na ba ako dati at ngayon ay muling na buhay?
“Lina, nasaan ang buntot mo?” tanong ni Crys.
“Eh, ikaw matanong kita nasaan ang buntot mo?” tanong rin ni Lina.
“Alam mo ang rude mo. Tatanungin kita tapos sasagutin mo rin ng tanong. Sagutin mo na lang kasi.” Ani Crys.
“Wala! Nakipag-break ako. Hayop yung gagong uranggutan na ‘yun, ipagpalit ba naman ako sa isang chimpanzee na nagngangalang Kim, eh di ayun iniwan ko. Hindi ko naman siya kawalan.” Ani Lina.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*