[25] Runaway

1.3K 41 3
                                    

Chapter 25: Runaway

[Naomi's POV]

"Bitiwan mo siya." nadinig ko ang boses ng isang lalaki. Parehas kaming napalingon nang babaeng nasa harapan ko sa kanya. Unti-unti siyang lumapit at nakita ko ang mukha niya.

"Nick?" sabi ko. Matalim siyang nakatingin sa tao sa harapan ko. Binitiwan ako ng babae at saka siya unti-unting lumapit kay Nick. Hawak pa rin niya ang kutsilyong dapat isasaksak niya sa akin. Papatayin nya ba si Nick? Kung mamatay rin naman si Nick, sasama na lang ako sa kanya. Gusto kong pigilan ang babae pero hindi ko magawa. Nangangatog ang tuhod ko at patuloy pa ring sumasakit ang ulo ko.

Bigla na lang sumugod ang babae kay Nick. Gamuntik ng tumama ang kutsilyo sa kanyang braso ngunit naka-iwas siya. Sa tuwing, susugod ang babae sa kanya ay nag-ilag lang siya. Bakit hindi siya gumaganti man lang? Gusto nya ba talagang mamatay? Isusugal nya ang buhay niya?! Sumugod ulit ang babae at sa pagkakataong ito, nadali niya ang tagiliran ni Nick. Kinabahan ako. Nakahiga na si Nick sa semento dahil sa sakit. Kailangan ko siyang tulungan.

Kinuha ko ang kahoy na nasa tabi ko. Dahan dahan akong lumapit sa babae, hahampasin ko na siya ng kahoy kaso nga lang naramdaman niya na nasa tabi niya lang ako. Kaya naman lumingon siya sa akin at unti unting lumapit. Napaatras naman ako. Nabitawan ko ang kahoy na hawak ko. Ayoko pang mamatay. Bumalik ang pangangatog ng tuhod ko na kanina lang ay nawala na.

May nadali akong kung ano sa likod ko. Saka ko lang na-realize na nadali ko pala ang dulo nitong maliit at masikip na eskinita. Ganito lang pala kadaling mabuhay. Napapikit na lang ako dahil sa takot. Sa mga minamahal ko sa buhay nagpapa-alam na ako sa inyo. Sana hindi niyo makalimutan ang pagka-turtle ko minsan. Kung sakali mang hindi pa patay si Nick, maghanap ka na ng bago mong mamahalin. Huhuhuhu!!! Wala na ba ako sa next chapter?

"H-hoy, wag ka dyang t-tumunga nga." minulat ko ang mata ko at nakita ko si......................................... Nick. Buhay pa siya! Yehey! Tiningnan ko yung nakahandusay sa baba. Nakita ko 'yung babae. "T-tara na b-bago pa siya magising." hinawakan niya ang kamay ko at ang kabila naman nyang kamay ay hawak ang parteng may sugat siya. Tumakbo kami hindi papuntang labas kundi pabalik sa loob nitong subdivision. Tumigil kami sa isang bahay-- este sa bahay nina Jasper. Teka, alam niya kung saan 'to? Umupo siya sa may sidewalk.

"M-magdoor b-bell k-ka." dali dali akong nagdoor bell. Pagod na si Nick. Natataranta na ako kasi patuloy na umaagos ang dugo sa katawan niya. Nakailan akong door bell bago lumabas si Jasper ng bahay nila.

"Jasper, tulungan mo ako. S-si Nick." paglingon naming dalawa kay Nick ay nakahandusay na ito sa may side walk. Lumapit sa kanya si Jasper at inalalayan ito papasok ng bahay.

***

"Ano bang nangyari?" patuloy pa rin akong nakatingin kay Nick, habang binebendahan nung doktor 'yung nasaksak kay Nick. Ang galing rin nitong si Doktora, lakas maka-chansing sa boyfriend ko. Pansin ko kanina pa niyang pasimpleng hinahawakan ang pandesal ng boyfriend ko. Hindi ba niya alam na nandito 'yung girlfriend. Grrr! I'm going to bite her.

"May babae kasing nagtakang saktan ako, nung sasakakin niya ako. Bigla na lang dumating itong si Nick at niligtas ako. Ayan nagkasugat siya." hindi man lang ako lumingon kay Jasper ng sinasabi ko 'yan sa kanya. Mas maigi na ang maging 'mapagmatyag' 'mapanuri' MUTANG LAWIN!

"Ah. Wag mong masyadong tingnan 'yang doktor baka mamaya siya naman ang gamutin. Ang sama ng tingin mo." bulong sa akin ni Jasper.

"Kung nakakamatay nga lang ang pagtingin siguro kanina pa 'tong pinaglalamayan." sabi ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko. Tumayo na 'yung doktor at inaabot sa akin 'yung reseta ng gamot.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon