Chapter 20: Pakshet! Pinatibok mo puso ko
[Naomi's POV]
Hindi pa rin ako makapaniwala. First time. First time kong magkaroon ng... Ano ba yan? Ang awkward naman kasing sabihin ang bagay na 'yon. First time ko lang magkaroon ng...boyfriend. Haay... nasabi ko rin. Akala ko si Jasper na ang magiging boyfriend ko pero hindi pala kasi sa isang tao ako nagkagusto na opposite ni Jasper. Opposites do attract nga naman. Pero naging kami rin naman kaya nga lang fake.
"Naomi, kumain ka wag mong laruin ang pagkain mo." sabi ni Aunt. Ngumiti na lang ako at kinain ang hinandang adobo ni Crys. Ang alam ko hindi masarap magluto 'tong kapatid ko pero bakit parang napapsarap ako ng pagkain? Ganito ba talaga kapag in-love? Kahit putik ang kainin masarap pa rin?
"Naomi, may sasabihin ako sa'yo." napatingin naman ako kay Aunt. Baka na halata na ni Aunt ang pagiging blooming ko? Nitong mga nakaraang araw lang ang lungkot lungkot ko tapos ngayon bigla na lang akong naging masaya. Hindi kaya dadalhin ako ni Aunt sa mental hospital? Kasi akala niya nababaliw na ako?
"A-ano po 'yun Aunt?" kinakabahan naman ako sa tono ng boses ni Aunt. 'Yung feeling na magkakagoose bump ka, tapos akala mo nasa tabi mo si Anabelle kasi nagtataasan 'yung balahibo mo. Imagine niyo kakabahan rin kayo.
"Sa darating na Christmas Break..." ang tagal naman ni Aunt magasalita. Sa darating na Christmas Break, ano? May ipagkakasundo sa akin tapos hindi na matutuloy ang love story namin ni Nick? Ano ba 'yan ang cliche masyado? Arrange marriage in 20th Century? "...doon ka muna titira sa probinsya." napalaki naman ang mata ko. Napatingin ako kay Crys na nakangiting maldita na naman. Hmp.
"Bakit po? Ayaw niyo na po ba sa akin? May sikreto po ba kayong galit sa akin? May nagawa po ba akong mali? Ano po bang--" bigla na lang akong sinubuan ni Aunt ng isang buong baboy. Nasa gilid niya kasi ako kaya, madali akong harasin ni Aunt. Naku! Konti na lang itatawag ko na ito sa Bantay Bata Hotline tapos irereklamo ko pa sa DSWD.
"Ikaw na bata ka napaka-OA mo. Kanino ka ba nahawa ng ganyang ugali? Lahat naman ng mga nagpalaki sa'yo matatalino at maayos ang pag-iisip ikaw lang ang nag-iisang ganyan." Si Aunt naman. Masyado akong ipahiya sa mga readers. Kapag wala ng nagbasa nitong story ko, next chapter wala ka nang dialogue.
"Eh, Aunt bakit nga po ako titira sa probinsya? Hindi po ba pwedeng magkasama kami ni Crys sa pagpunta at pagtira doon?" tanong ko naman kay Aunt. Tumingin ako kay Crys habang nakain siya nakangiting pang-asar pa rin. Kahit na hindi ka pupunta sa probinsya. At least ako, may boyfriend! Eh, ikaw may boyfriend ka?! HA?!
"Hindi muna babalik doon si Crystal dahil karating pa lang niya rito sa Maynila. At saka ilang buwan ka na ring hindi nakikita ng mga magulang mo, ayaw mo ba silang makita?" wika ni Aunt. May point naman si Aunt, ilang buwan na nga rin noong huli akong bumisita kina Mama at Papa. Namimiss ko na nga sila.
"Hindi naman po sa ganon." ani ko.
"Kung ganon anong dahilan mo? Si Lina?" umiling ako "Si Crystal?" umiling ulit ako. "Eh, kung ganon sinong inaalala mong maiwan dito sa Maynila?" tanong sa akin ni Aunt. Sino nga bang inaalala ko? "Si Nick ba?" napatingin naman ako kaagad kay Aunt. "Haay, nako. Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa pag-ibig na iyan. Ako ng bahala sa nobyo mo, sisiguraduhin kong hindi ka kakaliwain noon." napatawa naman ako sa sinabi ni Aunt. Akala ko pa naman sasabihin ni Aunt na maghiwalay na kami 'yun pala siya ang magiging taga-bantay kung sakaling kaliwain ako ni Nick. Ang sama naman ng term.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomansaPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
