Chapter 30: Lost
[Lina's POV]
Ayos na kaya 'yung dalawang magsyota. Tama kaya yung hinala ko na nasa Lipa nga si Friend. Haay... ang daming problema. Malapit na nga birthday ni Friend tapos ang dami niyang problema, kung pwede ko lang siyang tulungan. Kaso hindi ko naman ata kaya 'yun.
*poke*
*poke*
*poke*
"Ano ba? Wag mo nga akong kulitin wala akong time para sa'yo." sabi ko sa kanya sabay habang nakangalumbaba ako. Ang dami ko ng problema. Sa thesis. Sa trabaho ko. Si Sapphire na masarap ingudngod ang mukha sa tae ng kalabaw, masarap rin sa kanyang ipakain 'yung tae ng kalabaw para malaman niya kung anong lasa niya kapag kinain niya yung sarili niya. (Cannibalism?)
Tapos ngayon pinoproblema ko pa yung 'first' lablife ni Friend. May nakalimutan pala akong banggitin, hindi pa pala nag-uupdate si Kuya Sic ng Jenny and the Magic Arinola. =__=
"Ang taray mo naman ngayon, may mens ka ba? o baka malapit ka ng mag-menopause." binatukan ko naman siya. Luko, talaga nito. Gustong hindi na makita ang kanyang mga ka-uring mga unggoy.
"Menopause? Anong tingin mo sa akin matanda na?" sabi ko sa kanya at saka umirap. Wag niya akong guluhin ngayon, baka hindi ako makapagpigil matapon ko siya sa kabilang parte ng mundo. Mag-aalala mutant ako nito.
"Oo, kasi I Wanna Grow old with you." hindi na ako sumagot sa kanya. Sus, akala mo porket may itsura lang siya at maganda ang pangangatawan eh, papatulan ko na siya. (Syempre, pakipot muna.) "Uy, hindi siya na sagot. Kinikilig na 'yan." tinusok tusok niya ang tagiliran ko. Kaya naman napapaatras ako sa inuupuan ako.
"Kapag ako nahulog sinasabi ko sa'yo, ingudngod ko ang mukha mo sa Great Wall of China." kahit na binantaan ko siya hindi pa rin siya tumigil sa pagtusok sa tagiliran ko. Patay ka talaga sa akin. Wala lang ako sa mood na makipag-away sa'yo.
"Eh, di pagnahulog ka sasambutin kita." bahala ka. Ewan ko sa'yo. Kapag nagalusan ang kutis kong sensitive. Swear, manghihiram ka ng mukha sa aso. Nandito pa naman kami sa may bench sa labas ng eskwelahan, medyo mabato pa.
Kanina pa nami-- este ko pang hinihintay si Friend pati si Daddy Nick. Nakisama lang 'tong si Leo the monkey. Kesyo baka mapahamak raw ako. Duh!! Sinong mapapahamak ng tanghaling tapat! Tanga na lang ang mangrape sa akin ng ganito ka-araw.
"AHHHHH!!!"
"Ayos ka lang ba?" napakurap ako ng tatlong beses. May kagwapuhan rin palang tinatago tong si Leo. Matangos ang ilong niya tapos kita mo 'yung blackish na mata niya, yung pagka-Asian look niya. Masculine rin pala ang mukha niya, ngayon ko lang nalaman. "Diba sabi ko naman sayo sasambutin kita."
"Allina?" nadinig ko ang boses ng isang lalaki. Napaayos ulit ako ng upo pati na rin si Leo the monkey. Tumayo ako at humarap sa kanya, ngumiti ako sa kanya.
"Laurence, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at saka tumingin kay Leo the monkey na naka-upo pa rin at wala man lang balak na batiin si Laurence. Ang sama rin ng pinta ng mukha niya, parang bigla na lang nawala ang mood niya na makulit. Teka, selos ba sya?
"Napadaan lang ako tapos nakita kita na kasama 'tong... lalaki. Boyfriend mo ba siya?" napataas ang kilay ko dahil sa nakakagulat niyang tanong sa akin. Ang isang animal at ang human ay hindi maaring magmahalan mutually ang sexually. Ini-imagine ko palang nasusuka na ako.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*