Chapter 14: AHHHHH!!!
[Crystal's POV]
Nakatingin si Aunt sa dalawang 'to. At ako nakatingin kay Nick. Weird. Sobrang weird niya. From head to toe alam ko na siya 'yung lalaki na hinding hindi magkakagusto kay Ampon. Bakit? Kasi kilala ko kung anong tao siya. Kilalang kilala ko siya. Ang mga gusto niya 'yung katulad ni Suzy at hindi katulad ni Ampon. Angel, dyosa, lahat na ng magagandang bagay na kay Suzy na. Samantalang kay Ampon isip bata, iyakin, parang araw-araw nakahithit ng acetone sa kalukahan, wala ng ginawa kundi ang mag-aral at magtrabaho hindi man lang nag-aayos.
Nasa couch si Aunt at ako naman nakatayo at nakatingin sa kanilang dalawa na magkatabing naka-upo sa isa pang mas malaking couch.
"Naomi, sino siya?" tanong ni Aunt. Napatingin naman ako kay Naomi. Tanga talaga nito. Papuntahin ba naman daw ang 'fake boyfriend' niya sa bahay namin ng ganitong oras. Tsk! Lagot ka kay Aunt.
"A-ahh... si Nick po, ano ko po..ahh" sige mag-isip ka pa ng palusot, wala ka namang maiisip kasi may isip ka ba? Stupid. Parehas nung bestfriend niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako nakikisama sa bestfriend niyang 'yun.
"Boyfriend po niya si Nick, Aunt" diretso at walang paligoy-ligoy na sagot ko. Tingnan ko lang kung anong gagawin mo, Ampon? Ikaw pa rin kaya ang pinakamabait sa ating dalawa? Lul, hindi na. Ang ampon na anak na mabait, inosente, at walang nagiging kasalanan sa mata nina Papa at Mama, madudungisan ang image mo.
"Boyfriend?" tanong ni Aunt kay Naomi. Hah! Lagot ka na ampon. Sino na kaya dito ang masama? Tumango naman si Naomi sa tanong ni Aunt. Napatingin si Aunt kay Nick. Inilahad niya ang kamay niya kay Nick.
"Ako nga pala si Aunt Madel. Aalagaan mo 'tong pamangkin ko, ha?" Ha? Nganga. Pati ba naman si Aunt. Akala ko naman magagalit siya or whatever. Akala ko papagalitan niya si Ampon, tapos ako na ang magiging magaling sa mata ng lahat. 'Yun pala hindi. Palagi na lang akong second best.
"Aalagaan ko po talaga si Yam," Ewww! Gusto kong masuka. Ang galing rin magpanggap nitong si Nick, ang kapal ng balat kasing kapal ng nasa buwaya. Pumunta ako sa may hagdanan, paakyat na ako. Ayokong makita ang nakakadiring pagpapanggap ng dalawang 'yon.
"Crys, tulog ka na" humarap ako kay Ampon. Ngumiti ako sa kanya.
"Oo, ate. Nabitin kasi 'yung tulog ko" sabi ko sa kanya. Double Ewww! Kung wala lang si Aunt baka kanina ko pa siyang nasigawan at napahiya ko na siya. Bahala silang makipag-usap kay Aunt. Matutulog na lang ako pero bago 'yon magsisipilyo muna ako. Nakakadiri 'yung sinabi ko. Ate? Ewww!
[Nick's POV]
Mabuti na lang talaga at mabait itong Auntie ni Naomi. Umakyat na 'yung kapatid ni Naomi. Hindi ko nga natanong pangalan, para kasing pamilyar siya. Parang matagal ko na siyang kilala kaso nga lang hindi ko siya matandaan.
"Psst, ano bang sasabihin mo?" tanong sa akin ni Naomi. Puro babae sila dito sa bahay, wala man lang masyadong pangprotekta sa sarili nila. Paano na lang kung may pumasok na magnanakaw at kung anong gawin sa kanila. Tss... siguro kaya na naman ni Naomi 'yon. Bakit ba ako concern sa kanya?
"Sasabihin ko lang sayo na wag mong ipagsasabi 'yung deal natin." biglang nanlaki ang mata niya. Anong problema nito?
"A-ah, 'y-yun lang ba 'y-yung sasabihin mo," bigla na lang siyang pinagpawisan sa sinabi ko. May sinabihan ba siyang iba? Hinawakan ko siya sa kanyang mga balikat at tumingin sa mata niya.
"Naomi, may sinabihan ka ba ng deal natin?" tanong ko sa kanya. Naging mukha siyang tuta na inaapi pa ng isang aso na mas malaki sa kanya. Naka-pout siya at parang iiyak na. Wag! Wag kang iiyak. Please, lang. "Naomi, sumagot ka. May sinabihan ka ba?" bigla na lang siyang yumuko at tinakpan ang mukha niya. Naalala ko si Suzy nung nagtapat siya sa akin. Parang ganito rin 'yon. "Naomi, wag kang umiyak. Hindi naman ako galit," hindi ko kayang magalit sa babaeng umiiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/24560264-288-k373882.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*