Chapter 03: Epic Fail
[Naomi's POV]
"NAOMI!!" minulat ko ang mata ko pero pikit pa rin. Ha? Basta ayun na 'yun. Si Aunt naman ang aga-aga sinisigaw kaagad ang pangalan ko. Teka anong oras na ba? 6:40 na pala... 6:40 NA!! LATE NA AKO!! Wala na akong inat-inat o kusot sa mata. Pumunta na ako sa banyo at naligo tapos toothbrush syempre baka makasalubong ko si Jasper mas maigi na yung maagap. Pagkatapos, kong magbihis ay bumababa na ako.
Nakita ko si Aunt na nagluluto ng umagahan. AH! Nakalimutan kong sabihin taga-province pala ako nakikitira lang ako kina Aunt Stella gawa ng dito ako nag-aaral sa Maynila. Pero mamaya ko na ikukuwento kung paano ako na papunta dito sa Manila. Late na ako, eh.
"Aunt, alis na po ako," kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang pintuan pero bago pa 'man ako makaalis isang masakit na pingot ang natanggap ko kay Aunt.
"Ikaw na bata ka. Hindi ka pa kumakain, aalis ka na. Dito ka umupo," Aray ko pu!! Ang sakit mamingot ni Aunt pag-ako hindi nakapagtimpi irerekalamo ko 'to sa DSWD. Wala naman akong magagawa kundi ang sundin ang utos ni Aunt kasi ayaw niyang pinaghihintay ang pagkain. Masyado kasing naniniwala si Aunt sa pamahiin.
Mabilis akong kumain. Mas mabilis pa sa alas-kwatro. Paghindi ako nakadating in time sa school patay ako sa prof namin, may PMS pa naman palagi 'yon. Pagkatapos kong kumain ay umalis na kaagad ako at nagpaalam for the second time kay Aunt.
Walking distance lang naman ang school mula sa bahay naman pero since late na ako naging 'Running distance' na siya. Kailangan kong tumakbo mala-cheetah sa Safari.
6:51...
Kaya mo yan Naomi
6:52...
Para sa future niyo ni Jasper...
6:53...
Walang susuko... kaya natin- ay este kaya ko 'to...
6:54...
Nakikita ko na ang gate.... Ang gate kung saan magsisimula ang lahat...
6:55...
YES!! Nakarating na ako sa school...
*BEEPBEEP*
AHHHHHHHHHHHHH!!!! Napaupo ako sa may semennto. Sht! Patay na ba ako?! Please, lord wag niyo po akong kunin marami pa akong gustong gawin. Magiging kami pa po ni Jasper tapos magpapakasal pa po. Kaya wag muna, Lord. Gusto ko po ng kambal na anak, Lord. Minulat ko ang mata ko at nakita ako ng sinag... Dito ba ang papuntang langit?
"Fck, you're blocking the way," Huh? May nagmumura bang anghel? Luminaw ang paningin ko at nakakita ako ng isang lalaki sa harapan ko na naka-shades. Sino 'to? New student?
"Hon, what's the problem?" tiningnan ko kung saan nanggaling 'yung boses ng isang babae. Nanaginip ba ako? Para siyang fallen angel. Sobrang ganda niya. Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko.
"Miss, are you alright? Wala bang masakit sayo? Gusto mo ba dalhin ka namin sa hospital?" Grabe naman si Ate! Hospital kaagad di ba pwedeng clinic muna?
"Wag na, hindi naman ako nasaktan," sabi ko dito. Kinuha ko yung mga gamit kong naglalagan kanina. Napatingin ako sa lalaki at nakita ko ang cold stares niya. Nakakatakot naman parang mangngain siya ng buhay. Yumuko na lang ako para hindi ko makita ang kanyang mga yelong mata.
"Sigurado ka bang hindi ka nasaktan," nagnod na lang ako sa tanong ni Magandang babae. "By the way, I'm Suzy and this is Nick we are both new students in here," nakipagshake hands ako sa kanya.
"Naomi, matagal na akong student dito," tapos ngumiti ako "Sige, aalis na ako may klase pa kasi ako, eh," sabi ko kay Suzy at kumaway sa kanya. Nag-wave rin siya pero yung lalaki ang sama pa rin ng tingin sa akin anong problema 'nun?
***
KAINIS!!! Wala pala yung prof namin tapos nagkada-kada taranta pa ako kanina. Gamuntik pa akong mabangga! Epic talaga ng araw na 'to.
"Allina, pakopya naman ng assignment," nakinig ko yung isa kong kaklase na bumubulong kay Lina. Tumingin ako ng masama sa kanya.
"Hoy! Tigilan mo 'tong bestfriend ko. Anong pakopya? Pak-kyu!" hindi naman siya nakapalag sa akin. Syempre, ako kaya ang siga dito. "Salamat, Naomi," napatingin naman ako kay Lina. "Anong salamat? Ako lang ang may karapatang kumopya sa'yo," umirap naman siya sa sinabi ko. Sarap talagang inisin nito.
Malapit ang upuan ko sa may bintana kay kita ko kung dadaan ba si Jasper o hindi. Sa tingin ko hindi siya pumasok ngayon kasi kung pumasok 'yon for sure nandito yung prof namin. Jusko! Ayaw pang aminin na beki sya eh kung makatingin nga sa Jasper ko wagas (Maka 'ko' parang pag-mamay-ari ko lang). Dahil nga bored ako nakatulala lang ako sa may bintana. Haay... nasaan na kaya si Japser ko.
"AHHHHHHH!!"
"Ang gwapo niya!"
"Akin na lang siya!!"
Napatayo kaagad ako sa inuupuan ko. Nandito na si Jasper. Naku kailangan kong makipag-unahan sa mga babae sa labas. Nakisik-sik ako kahit na sa sobrang liit ko eh pwede na akong mapisak dito ng buhay. Nandyan na ako Jasper ko. Tinutulak ko na ang mga babae sa harapan para lang makapunta ako sa unahan. Dugo't pawis ang inalay ko para lang makapunta sa harapan. (Teka, parang kanta 'yun?) Nang makapunta ako sa harapan... maling mali ang inaasahan ko. Siya na naman. Naging malungkot ang mukha ko kaya umalis na ako. Sayang lang ang dugo't pawis ko. Naku! baka maging low-blood ako. Makapagpa-BP nga mamaya sa clinic.
"Hey! Naomi," napatigil ang lahat sa sigawan pati rin ako napatigil sa pag-eemote. Totoo ba yun? May tumawag sa pangalan ko? Lumingon ako at nakita ko si Suzy na abot tenga ang ngiti. Nakita ko naman sa bandang kaliwa yung mga lalaking nerd na amaze kay Suzy habang lumalapit sa akin.
"Can you help us? Hindi ko kasi alam kung saan ang Tourism Building?" napatango na lang ako kasi naman! Nakaka-tomboy ang ganda niya. Hinigit niya ako papalapit kay Nick. Sht! Bakit ba ang sama ng tingin at saka bakit palaging sht ang naiisip ko. Fck! na lang kaya.
"Okay, Nick tara na tutulungan tayo ni Naomi, ang new friend natin, na hanapin ang kung saan ang room ko. Tara, sama ka," parang siyang batang nagpapaliwanag kay Nick. Haay... sana ganito rin kami ni Jasper.
"Nam, tara na," Ano 'yung tinawag niya sa akin?
"Ano 'yung tawag mo sa akin?"
"Nam. Hindi ba ang cute,"napangiti naman ako sa sinabi niya. Haay... kung alam lang ng babaeng 'to kung gaano siya ka-cute.
***
"Thank you nga pala. Okay, you guys can go now," papasok na sana si Suzy sa loob ng may tinanong ako sa kanya.
"Anong guys? Hindi ba parehas kayo ng course?" hinawakan ako ni Suzy sa may balikat at saka sinabing...
"Take care of my boyfriend ha. Magkaiba kasi kami ng course. Sa Tourism ako siya naman sa Engineering," Engineering kung ganon? Parehas kami ng course!! Eh di ibig sabihin posible na magkaklase kami? Fck! Sana hindi nakakatakot kasi yung tingin niya. Napatingin ako sa kanya. Cold Death glare na naman!
"Bye, guys pasok na ako," nakatingin pa rin siya sa akin. Nilalamig ata ako.
***
A/N: Picture of Naomi on the side--------------------->
This Chapter is dedicated to my favorite one shot author... Donya Bebang... #^_^#

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*