Chapter 60: You and me are… one
[Naomi’s POV]
Iminulat ko ang mata ko at nakita ko na nakahiga ako sa isang malambot na kama ngunit mas maliit ito sa kama ko, parang pambata ito.
Halos buong paligid ng kwarto ay punong puno ng kulay blue, sa kama, cabinet, stuff toys. Lahat ay blue.
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang batang babae. Siya yung batang kamukha ko na nag-ngangalang Angel. Mukha nga siyang anghel dahil sa maigsi niyang buhok.
Binigyan niya ako ng ngiti at unti unti siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit niya ako palabas ng kwarto.
Sa paglabas ko ng kwarto ay nakita ko ang isang malaking chandelier at isang malaking sala kung saan doon nanggagaling ang maingay na tawanan ng mga bata.
Sa sobrang haba ng hagdanan ay nagawa ko pang magtanong sa bata.
“Bakit mo ako dito dinala?”
Sa halip na saguti niya ang tanong ko, ngumiti lang siya sa akin at patuloy na naglakad pababa habang hila hila niya ang kamay ko.
Nang makababa na kami ay nakita ko ang tatlong bata na naglalaro ng Play Statio. May hawak ang batang babae at ang batang lalaki na joystick samantalang ang isa pang batang lalaki ay nakamasid lang sa aming dalawa ni Angel.
“Who is she?” tanong batang lalaki.
Dahil sa pagtatanong niya ay lumingon ang dalawang bata na naglalaro ng Play Station. Sabay sabay silang tumayo at nakatingin lang kay Angel.
“Kuya Jae, Ate Zy and Nic, this is Ate… Angel.” Ani Angel.
Napatingin ako sa kanya, napakunot ang noo ko. Angel? Angel?
“Hi Ate Angel!” masayang bati ni Jae.
“Hi Ate!” awkward na sabi ni Zy.
“Hi Ate Angel.” Malamig na sabi ni Nic.
Angel? Ako? Unti unti kong tiningnan ang singsing ko at ang singsing ni Angel. Magkaparehas kami. Tinanggal ko ang singsing ko at nakita ko ang initials na AJA.
“Ate, that means ‘Angel Jessica America’” ani Angel. “You and me are… one.”
Muling kumirot ang ulo ko at hinimatay ako…
“NAOMI!”
Isang malamig na likido ang naramdaman ko na bumuhos sa buo kong katawan. Unti unti kong iminulat ang mata ko at nakita ko si Suzy sa harapan ko ngunit napaka layo niya, sa kaliwa naman ay si Jasper at sa kanan ay si Nick na maraming pasa sa mukha.
“Goodmorning princess or should I say welcome to hell my lady…” ani Kurt?
“Kurt?” ani ko.
“Yes my lady…” aniya.
“Why are you doing this to me Kurt?! Ano bang nagawa ko sa’yo?! Ha?! Sagutin mo ako! Answer me!!!” ani Suzy.
“KIM! Patahimikin mo nga ‘yan!!!” ani Kurt. Nakita ko si Kim na nilalagyan ng tape ang bibig ni Suzy at binatukan niya ito.
Napansin ko na ako lang ang hindi nakagapos. “Kim ano bang plano natin kay Naomi?!” tanong ni Kurt.

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*