Chapter 46.2: Emotions
[Naomi’s POV]
“Supposed to be wala ka dapat dito at nagsasaya ka sa party.”
Pamilyar na boses ang bumungad sa akin noong pumunta ako sa swimming pool. Paano napapunta si Stephanie dito sa party? Don’t you say na were relatives? WHOO! Ang lalim ng english pengeng tissue. Pero seryoso relatives ba kami?
Umupo ako sa tabi niya at tinanggal ang high heels ko at inulublob ang paa ko sa pool kagaya ng ginagawa niya.
“Diba ikaw si Stephanie? ‘Yung kaibigan ni Crys? Bakit ka nandito? Are we relatives?” tanong ko sa kanya.
“Oo ako nga si Stephanie. ‘Yung kaibigan ng kapatid mo. Bakit ako nandito? Ewan, baliw na kasi si Papa sa business. Pati ako isasangkot sa business na ‘yan.”
Sa pagkaka-alam ko kay Stephanie hindi siya masyadong spoken person, nung una nga naming kita super tahimik niya palaging si Best ang kausap niya. Tiningnan ko siya. Ang pula ng pisngi niya at halatang lasing na dahil sa hawak niyang bote ng champagne.
“Stephanie? Lasing ka ba?” tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin habang nanliit ang mata niya. Tinuro niya ang sarili niya.
“Ako?! Ako?! Lasing?! Hindi! Hindi ako lasing,” suminghot siya. “Nakainom lang ako Nikka.”
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Lasing na nga siya. Nikka raw ang pangalan ko. Well, ang cute nung name pero mas gusto ko pa rin ang Naomi. Tumayo ako at pinipilit siyang tumayo rin.
“Hay… naku. Lasing ka na. Tara dadalhin kita sa may guest room at doon ka matulog. Bilis dali.”
Kahit na anong pilit ko sa kanya hindi pa rin siya tumatayo. May kabigatan rin pala ang babaeng ‘to hindi ko siya makayang itayo or baka mahina lang talaga ako sa mga ganitong bagay kaya hindi ko siya matayo.
Nagulat naman ako ng biglang lumapit sa kanya si Jasper. Binuhat niya ito na parang ikakasal. Hindi niya man lang ako napansin dahil sa mga titig niya na hindi maalis kay Stephanie. Teka lang, may gusto ba ang kapatid ko kay Stephanie?
Sinundan ko na lang sila ng tingin habang inaakyat ni Jasper si Stephanie sa bahay. Nakita ko ang asaran ng mga pinsan namin dahil sa ginawa ni Jasper. How gentleman, sana sila na talaga ni Stephanie.
“Date siya ni Jasper,” malagong na boses ang nadinig ko mula sa likuran.
Anla! Baka may kapre sa likod ko. Parang may dumaang multo dahil sa biglaang pagtaas ng balahibo ko. OMG!!! Baka bumalik si Mommy from the dead tapos babati siya sa akin ng “Welcome my daughter!” tapos may kasama pang baner.
Pero malagong nga pala ‘yung boses. So, sino ‘yung nagsalita? ‘Yung poste? ‘Yung ilaw ng poste? O ‘Yung pool sa tabi ko? Lumingon ako at nakita ko ang ka-partner ng damit ko.
“Nandito ka pala,” sabi ko. “Astig! Terno tayo, kuya.”
Tumingin siya sa malayo at parang naiinis siya sa sinabi ko. Ano bang nakakainis sa sinabi ko? Wala naman diba? Sinabi ko lang na terno kami naiinis na kaagad siya, napaka-matumpuhin naman ni Nick ngayon.
“Pwede bang tigilan mo muna ang kakatawag sa akin ng kuya,” mariin niyang sabi. “Just call me Nick. Simply as it is.”
Inirapan ko naman siya dahil sinabi niya. Menopause? O Monthly period? Nick ang init ng ulo mo. Itulak kita sa pool para lumamig lamig ang ulo mo, gusto mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/24560264-288-k373882.jpg)
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
عاطفيةPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*