Chapter 53: Secrets Revealed
[Naomi’s POV]
“Nandito na tayo.” Ani Nick habang pinapatay ang makina ng kotse. Tumingin siya sa akin at may ngiti siya sa kanyang mukha.
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Pinag-iisipan ko pa lang kung paano ko siya lalayuan naiiyak na ako. Halos mapatalon ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang mapungay niyang mata na nakatingin sa akin ng diretso.
“Are we cool?” lumapit ako sa kanya.
Hinawakan ko ang pisngi niya at nakita ko ang mahaba niyang pilik mata habang pumipikit siya. Hinawakan niya rin ang kamay ko na nakadampi sa mukha niya.
“Oo naman. Hindi ko lang maiwasang isipin na minahal ko ang ka—“ pinutol niya ang sasabihin ko.
“Wag mong sabihin ang bagay na ‘yan. Basta ang alam ko mahal kita at mahal mo ako.” Aniya.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Jasper na tumatawag. Pinatay ko na ito tutal naman pauwi na ako.
Hahawakan ko na ang doorknob ng pinto ng higitin ako ni Nick at yakapin niya ako gamit ang bisig niya. Nagulat ako sa ginawa niya. Sobrang saya ng puso ko pero sabi ng isip ko mali ang ginagawa kong ito. Mali na sumasaya ako sa ganitong mga bagay.
Gusto ko mang kumalas sa mga yakap niya, hindi ko magawa. Pakiramdam ko kapag humiwalay ako sa kanya habang buhay ko na siyang hindi mayayakap.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Tumingin siya sa aking labi. Napatingin naman ako sa mata niya.
Hinawakan niya ang pisngi ko at unti unti siyang lumapit sa akin. Nararamdaman ko ang paghinga niya. Naramdaman ko pagmamahal niya.
Naglapat ang labi namin. Hinalikan niya ako at binalik ko ang halik niya sa akin. Para akong nalalasing sa bawat halik na binibigay niya sa akin. Hindi ko maintidihan kung anong nag-udyok sa akin na halikan ko siya ng ganito.
Matagal kami sa ganoong posisyon at naghiwalay lang upang kumuha ng hangin. Hinalikan niya akong muli at kagaya ng kanina tinugunan ko lang ito.
“Bastards!” nagulat ako sa isang malakas na sigaw.
Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko ang namumulang mukha ni Daddy na papalapit sa amin. Nakita ko si Jasper na pilit na pinipigilan si Daddy.
Napapikit ako dahil kamay ni Daddy na nakayukom habang lumalapit sa akin. Natatakot ako na madampian ng malakas niyang sampal. Magagalit siya sa akin dahil sa nagawa kong kamalian. Napapikit na lang ako.
*BOOG*
Nagtaka ako dahil wala akong naramdaman na sakit sa mukha ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Nick na may dugo sa gilid ng kanyang labi.
Akala ko ako ang sasaktan ni Daddy pero nagkamali ako dahil si Nick pala.
“How dare you! Alam ko na! Sa simula pa lang! You seduce you’re sister! How disguting!” ani Daddy.
Pilit na pinakalma ni Jasper si Daddy pero walang nagawa ang pagpapakalma ni Jasper. Hinablot ni Daddy ang kamay ko. Sobrang sakit ng hawak niya sa akin na tumatagos hanggang balat.
“Dad, nasasaktan po ako.” Ani ko pero hindi ata narinig ni Daddy.
“Isarado mo ang pintuan Jasper!” utos ni Daddy pero hindi ito sinunod ni Jasper kaya nakasunod pa rin si Nick sa amin paloob.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
