Chapter 48: Sleep walking & Talking
[Naomi’s POV]
“Kuya Nick!!” Ani Jess.
Halatang miss na miss ni Jess itong kuya niya. Sus! Masungit! Suplado! Menopause! Monthly Period! Lahat na ng may kinalalaman sa pagiging forever masungit nitong ni Nick isama niyo na.
Akala mo kung sinong gwapo.
Nakahilig ako sa may pintuan at tinitingnan sila kung gaano ka sweet. Tss.
“Nick, dumating ka na pala.” Ani Jasper.
Napatingin naman ako sa kanya na nakasuot ng simpleng t-shirt na blue at naka-shorts. Napansin ko rin na naka-kulay blue na bestida rin si Jess ngayon. Teka, lang bakit ako lang ang naiiba sa kanila. Nakaka-OP naman.
“Ah… Oo kani-kanina lang.” ani Nick.
Nakatingin na naman siya sa akin na parang ewan. Tinaasan ko siya ng kilay para mawala ang portable aircon na nakatapat sa akin na nagmumula sa mata niya.
“Bakit may sugat ka sa gilid ng kilay?” tanong ni Jasper.
Napatingin naman ako sa may kakapalan niyang kilay. Naku, may sugat nga siya. Ako ba ang may gawa nun? Whaaa! Nakaka-guilty naman! Ilang beses ko na siyang nasasaktan!
Una noong nasa may hidden garden kami tapos ito namang insidente na napagkamalan ko siyang magnanakaw na may dalang madaming maleta dahil sa akala ko kukuhanin niya ang mga kayaman namin kaya pinaghahampas ko siya ng payong kaya ayun nagkasugat siya.
Hinawakan niya ang sugat at dumugo ito.
“Naomi! Paki-kuha ng first aid sa CR.” Utos ni Jasper.
Pumunta naman ako sa CR ng kwarto ni Jess at kinuha ang first aid. Hindi ko na dinalang lahat betadine, bulak, at band aid na lang ang dadalhin ko tutal hindi naman masyadong malaki ang sugat niya.
“Oh!” sabi ko.
Inabot ko kay Jasper ang pinapakuha niya kaso nga lang hindi niya kinukuha. Ilang beses ko siyang kinukulbit pero ayaw niyang tumingin. Akala ko ba gagamutin! Parang tutunganga lang ata siya!
“Huy! Akala ko ba gagamutin mo.”
Tumingin siya sa akin.
“Hindi ako marunong. Ikaw na lang.” utos niya sa akin.
Gago rin pala ‘to! Pakuha kuha pa ng first aid tapos ako rin pala ang gagamot sa gwapong, supladong lalaki na may sugat sa gilid ng kilay. Umupo ako sa tabi ni Nick. Bale nasa kabilang gilid ni Nick si Jess at tingin ito ng tingin sa amin.
Hinawakan ko ang panga ni Nick para makita ko ang sugat niya sa kaliwang gilid ng kilay niya. Kumuha ako ng bulak at nilagyan ito ng konting betadine. Nang ilalapit ko na sa kanya ang betadine bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko.
“Ano ‘yan?” sabi niya.
“Betadine. Wag ka ng makulit. Hindi naman ‘to masakit.” Astig rhyme!
Ipinunas ko ang bulak na may betadine sa kilay niya. Ang ganda talaga ng kutis ng lalaking ‘to. Mas babae pa ang kutis nito sa akin.
Tumatagos ang mga tingin niya sa akin habang ginagamot ko siya. Napaka-tindi at sobra siyang concentrated siya sa pagtingin sa akin kaya hindi ako makapag concentrate sa pagpunas ng betadine.
Diniinan ko ang pagpunas ko para ma-distract siya sa pagtingin.
“Aray! Balak mo ba talaga akong gamutin?!” Utas niya.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*