[08]Step Brother

2.7K 69 4
                                    

Chapter 8: Step Brother

[Naomi's POV]

"Bye, Suzy. Bye, Nick" sabi ko sabay kaway sa dalawang mag-syota pero break na. AY! Ang gulo ng love life nila. Bahala na sila mag-ayos ng problema nila. Grabe!! Agressive pala si Suzy, alam mo 'yun bigla na lang nyang hinalikan si Nick sa harapan namin. Tao pa?! PDA lang!! Wapakels naman ako nu!! Syempre alangan namang sumuka ako doon!! hehehe, JK lang. Pero inaamin ko, bagay silang dalawa.

"Naomi, tara hatid na kita sa inyo" OMG!! Hatid daw ako ni Jasper. Pakikurot ako kung nanaginip, ARAY!! Tunge, bakit ako umaray eh wala namang kumurot. Hahaha, tae talaga ako minsan. Sumakay na ako sa kotse ni Jasper. Grabe ang cute nung kulay. It's purple. Alam niyo ba na ang ibig sabihin ng kulay na purple ay royalty, so ibig sabihin princess ako.

"Naomi, suot mo na 'yung seatbelt mo" sabi sa akin ni Jasper. Sinuot ko na 'yung seatbelt ko tapos umalis na kami. Ano kaya ang dapat naming pag-usapan? Ayoko naman naming pag-usapan 'yung tungkol sa nangyari kanina. Kasi masyado naman awkward kapag 'yun 'yung pag-uusapan diba. Lalo na 'nung nakita niya akong *ehem* nakakandong kay Nick. Ano kaya dapat?

"Parang ang lalim ng iniisip? May problema ka ba?" napatingin naman ako sa kanya. Bakit ganon? Kahit na saang angle tingnan si Jasper sobrang gwapo niya? Haay... sarap halikan nung lips niyang mapupula.

"Huy! Tinatanong kita. Hindi ko sinabing titigan mo ako, baka mamaya matunaw ako nyan" tumingin siya sa akin tapos ngumiti. Hehehe.. siguro nga tunaw ka na kanina pa. Napaka-gwafu mo kasi. Hindi mo ba alam na gustong gusto kita.

"Haay... nako Naomi. Tigilan mo na nga 'yang pag-pout mo, baka halikan kita dyan" sabi niya sa akin. Napaayos ako ng tingin sa unahan, nakapout pala ako kanina. Wait, anong sabi niya? Hahalikan niya raw ako? Nako, makapout nga lalo. Nagpout ako pero hindi ako nakaharap sa kanya. Tinitingnan ko yung sarili ko sa side mirror kung cute nga ako kapag naka-pout.

"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka dyan naka-pout?"

"Cute ko pala kapag naka-pout. Gagawin ko 'to palagi." sabi ko sa kanya. Tapos nagpout ulit ako sa harapan niya. Tumawa naman siya sa ginawa ko. Hindi ba ako cute? Bakit siya tumatawa?

"Bakit ka tumawa? Hindi ba ako cute?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.

"Cute ka kaya, actually ang ganda mo nga. Kaso nga lang..." Ay!! bakit may catch? Ano yung kaso? "...Wag mong gagawin 'yan sa ibang lalaki baka magustuhan ka rin nila. Eh di marami na akong kaagaw sa'yo" sabi niya sa akin. Keneleg naman ako? Teka, umaamin na ba siya sa akin? May gusto ba sa akin si Jasper?

"Nandito na tayo. Babye, Naomi. See you around" bumababa na ako tapos pagkaalis na pagkaalis niya...

"KYAAAAHH!!!! May gusto sa akin si Jasper!!!" Nagtatalon ako sa labas ng gate ng bahay namin. Nagsasayaw pa nga ako sa tuwa. Kembot to the left. Kembot to the right. Grabe!! Jasper!! Tigil tigilan mo na nga ang pagpapakilig sa akin. Baka ma-overdose na ako sa kilig bones.

"Hoy!! Naomi!! Anong oras na at ngayon ka lang umuwi?!" tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Aunt na galit na galit tapos umusok na 'yung ilong. Naku!! Patay ako nito. Nag-evolve na si Aunt.

"H-hi po Aunt >--</" sabi ko kay Aunt. Bigla siyang naglakad papalapit sa akin tapos...

"Ouch!!" piningot na naman ako ni Aunt. Ang sakit!!

"Ikaw na bata ka pasaway ka talaga. Naku!! Isang isa pang bata ka!! Ikukulong na kita sa kwarto mo!! At igagapos ng hindi ka makapaglakwatsa" aray!! ko feeling ko lumaki na 'yung tenga ko dahil sa pingot ni Aunt. Ang sakit naman kasi. Nafle-flex tuloy.

[Jasper's POV]

Pinatay ko na ang makina ng kotse ko. Ano bang mali sa akin? Ano bang nagawa ko kay Nick at pilit niyang kinukuha sa akin ang lahat? Kung dati nakuha niya sa akin si Suzy, wala naman problema, sa totoo lang pina-ubaya ko na nga sa kanya pero bakit ngayon pati ba naman kay Naomi pilit pa rin niyang kinukuha sa akin 'yung taong mahal ko. Hindi ko na kayang ipaubaya pa si Naomi. Iba siya kay Suzy. Ano ba talagang problema sa kanya. Nakita ko si Nick na naka-upo sa may garden habang nagbabasa ng libro.

"Nick, pwede ba kitang maka-usap?" tanong ko sa kanya. Binababa nya ang libro niya at tumingin sa akin. Uminom siya ng juice bago niya ako kausapin.

"Ano bang pag-uusapan natin, bro?" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Pilit kong tinatago sa lahat ang sikreto naming dalawa. Para naman sa kapakanan niya 'yun. Si Nicko o mas kilala sa pangalang Nick ay kapatid ko sa ama. Ako ang tinatawag nilang tunay na anak at siya ang 'anak sa labas'. Nabuntis ng papa ko ang mama niya nung nasa tyan palang ako ni Mama. Nagalit si Mama noon, kaya iniwan niya kami ni Papa. Kahit gusto kong sumama kay Mama, hindi ako pinayagan ni Papa. Sabi niya hindi raw ako kayang buhayin ni Mama.

"Tungkol kay Naomi.." ako 'yung klase ng tao na hindi nagpapaligoy-ligoy pa. Straight to the point kung baga. Madali kong ma-analyze ang nararamdaman ko sa isang tao. Katulad na lang ng nararamdaman ko kay Naomi. Nakita ko siyang nakangisi... Ano bang pinaplano mo?

"Anong dapat nating pag-usapan tungkol kay NAOMI?" inemphasize niya 'yung pangalan ni Naomi. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip nitong kapatid ko? Minsan kung anu-anong bagay ang nagagawa niya na hindi ko maintindihan.

"Layuan mo na siya habang maaga pa." mas lalong lumawak ang smirk sa mukha niya.

"Pag-aari mo ba si Naomi? Hindi naman diba? So, why would I shun from her?" He knows how to push my button.

"Magiging akin rin siya balang araw. I'm just warning you, so stay away from her" umalis na ako sa may garden at dumiretso sa kwarto ko. I really don't like when his doing those kind of things. Getting all that I have, for what? Wala naman siyang mapapala kung pipigilan niya akong magmahal diba? Alam ko na hindi niya gusto si Naomi, gusto niya lang 'tong gamitin.

Nang makaakyat na ako sa may kwarto ko nadinig ko ang huli niyang sinabi sa akin.

"Suzy and I just broke up. So I can have you're Naomi in my hands." pagkatapos noon ay umalis na siya sa bahay. I can't contain this feeling. I need to let go of this jealous feeling.

***

A/N: Picture of Naomi and Nick ------------------------------->

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon