Chapter 51: Suzy’s Sister
[Crystal’s POV]
Binato ko sa kanya ang ice cream na binili ko, sinakto ko pa sa mukha niyang makapal na pwede ng lihain. Bahala ka dyan! May padate-date ka pang nalalaman pero may lalandin ka namang iba!
Mabilis akong naglakad palayo sa kanila.
“Stal! Stal!” sigaw niya.
Bahala ka sa buhay mong magsisigaw dyan. Basta ako uuwi na. Basta ako hindi na hahayang masaktan ulit. Sa tingin mo sasagutin pa kita! Hindi na! Ipasok mo sa pwet mo ang mga sweet words mo!
“Stal! Ano ba?!” hinigit niya ang braso ko kaya napatigil ako sa pagtakbo. “Bakit ka ba nagalit?” tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Tanga ba siya?! Hindi ba niya alam?! O sadyang wala lang siyang isip at iniwan niya sa bahay! UGH! Nakakainis!
“Hindi ba halata?!” ani ko at balak ulit umalis pero hinigit niya ako.
“Ano nga kasi?! Hindi kita maiintindihan?!” aniya.
Mas lalo lang akong nagalit sa kanya. Whatever! Fuck off! Sumabog sana ang ugat mo sa ulo pag-iisip kung bakit ako nagalit! Binalak ko ulit umalis. Pero nagulat ako ng niyakap niya ako mula sa likod.
*DugDugDug*
“Nagseselos ka ba?” mahinahon niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong, hindi ko malaman kung anong nangyayari sa akin parang may lumilipad sa tyan ko. Parang may nagwawalang hayop.
“Yung babae kanina, pinsan ko siya okay?” aniya. “Dahil diyan sa pagseselos mo nadumihan tuloy ang damit kong binili sa’yo.” Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
Iniharap niya ako sa kanya, isinipit niya ang kumawalang buhok sa tenga at hinawakan ang pisngi ko.
“Next time, mag-isip ka muna bago ka pangunahan ng emosyon mo okay?” niyakap niya akong muli.
Nakita ko sa likod niya ang babaeng tumatakbo papalapit sa amin. Siya yung babaeng kayakap niya kanina kaya binato ko siya ng ice cream.
“Paolo! Aalis na ako!” sabi niya rito. Humarap siya sa babae. “Ayos na ba kayo ng gf mo?” Namula naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman niya ako gf, nanliligaw pa lang siya sa akin.
“Oo, ayos na kami. Konting lambing lang ayos na.” ani Paolo.
Nagpaalam na ang babae sa amin. Hinawakan naman ni Paolo ang kamay ko. “Tara bili ulit tayo ng ice cream.” Aniya at hinigit na ako pabalik sa bench.
Hay… sasagutin ko ba siya?
[Naomi’s POV]
“Eh di wag! Concern lang naman ako!” sigaw ko. “Ano ba?! Magsalita ka man lang!”
“Ate, Kuya please stop fighting.” Ani Jess.
“Were not fighting Jess.” Ani Nick kay Jess.
Napairap ako dahil sa sinabi niya. Gosh! Bakit ba ang big deal nito sa kanya?! Tutulungan ko lang naman siyang gamutin ang hiwa niya sa kamay, pero ayaw niya. Pilit kong kinukuha ang kamay niya pero nilalayo naman niya ito sa akin. Nakakainis!
“Akin na nga ‘yang kamay mo. Gagamutin ko.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Kukuhanin ko sana ang kamay niya pero nilayo na naman niya na siyang mas lalong nagpa-init ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
عاطفيةPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*