[16]First's

1.7K 47 8
                                        

Chapter 16: First's

[Naomi's POV]

"Okay, lang ba 'yung buhok ko?" hinawakan ko 'yung buhok ko. Sayang naman ang mahaba kong buhok. Ginupitan kasi nung mga Pogay doon sa parlor kanina. Tumingin naman sa akin si Nick.

"Hindi okay," sabi niya. Naging malungkot na lang ako bigla hindi ko alam pero parang naging malungkot ako sa sinabi niya. Hindi naman pala bagay bakit pa niya ako pina-ayusan doon. Sayang lang ang ginastos niya. Sayang lang din ang oras na nasayang kanina, nung inaayusan ako. "Kasi bagay na bagay sa'yo," pagkasabing pagsabi niya 'non, hinampas ko kaagad siya sa balikat.

"Nakakainis ka! Akala ko hindi bagay sa akin. Wag mo nga akong i-tense masyado!" sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang tumawa. Hinawakan niya ako sa balikat. Magka-eyes to eyes lang kami.

"O sige from now on, sasabihin ko na lahat ang totoo. Para hindi ka ma-tense. Okay ba 'yon?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya. Binitawan na niya ako sa balikat at hinawakan ang kamay ko. Bigla na lang nag-hop 'yung puso ko sa ginawa niya. First time lang may humawak na lalaki sa kamay ko, kaya siguro bigla na lang tumalon ang puso ko. Napatingin ako kay Nick na nakangiti habang nakatingin sa dinadaan namin. Inlove na ba ako sa kanya?

"Wag mo nga akong masyadong tingnan. Baka mamaya mawala na ako sa tabi mo." sabi niya sa akin. Bakit naman siya mawawala sa tabi ko? Aalis ba siya? Saan siya pupunta? At saka hindi ba sabi niya sasamahan niya ako sa simbahan pagkatapos namin maggala sa Mall? Ang gugulo niya talaga!

"Ha? Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya niya. Tumigil siya sa paglalakad at pinitik ang noo ko.

"Ang slowpoke mo. Hindi mo ba nagets 'yung sinabi ko?" Palagi naman akong walang nagegets sa sinasabi mo? Palagi ko ngang iniisip kung naka-drugs ka ba o shabu sa mga pinagsasabi mo. Ang gulo mo kasing kausap. "Halata ngang hindi mo gets ang sinasabi ko." pinitik na naman niya ako sa noo. Hinawakan ko ito. Mamaya pipitikin ko 'yang bukol mo. "Ang ibig kong sabihin baka matunaw na ako sa titig mo," umayos ulit siya ng tayo at naglakad na ulit kami. Jusko! Ayun lang pala ang gusto niyang sabihin ayaw pang diretsohin. Sabi nga sa kanta ni Nadine 'Wag ng Paligoy Ligoy Pa'. Hindi ata 'to mahilig sa OPM.

Pumunta kami sa isang arcade. Pati pala sa mga date pwede rin palang mag-arcade akala ko sa galaan lang ng mga magbabarkada pwede. Pumasok kami doon at naglaro ng kung anu-ano. Wala naman akong hilig sa mga ganito kaya pinanood ko na lang siyang mag-enjoy sa pagshoot ng bola, sa pagpukpok ng martilyo, pagrarace, at paghulog ng barya. Ang boring pala ng date, akala ko naman masaya.

"Ayaw mo bang maglaro?" tanong niya sa akin habang pinapanood ko siyang bumaril.

"Hindi naman ako mahilig sa ganito." binababa niya 'yung baril at tumingin sa akin.

"Eh, anong hilig mo?"

"Umm... mag-aral, magbasa, at magtrabaho?" Huminga siya ng malalim tapos kumuha siya ng tinatawag nilang 'token' sa bulsa niya at inihulog ito sa may butas. Pinapunta niya ako sa harapan at pinahawakan sa akin 'yung baril.

"Ganito, tuturuan kita ng mga bagay na gusto ko, tapos mamaya tuturuan mo ako ng mga bagay na gusto mo. Ayos ba 'yon?" tumango naman ako sa kanya. Pumunta siya sa likod ko at hinawakan niya 'yung kamay ko at itinaas ito. Ramdam ko ang hininga niya sa kaliwang part ng leeg ko. Grabe, sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Kapag babaril ka hahawakan mo lang 'tong gatilyo tapos..." *bang* natamaan ko 'yung zombie. Ang saya pala nito. Nakakagising. Hindi na ako masyadong na boring. Habang pinapatay namin 'yung mga zombies, parami ng parami ang nakatingin sa amin. Mostly, mga couples.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon