[44] For You

957 37 1
                                        

Chapter 44: For You

[Naomi’s POV]

“Goodmorning po, Maam,” bati sa akin ni Aling Ceni.

Siya ang bagong kuhang Yaya ni Daddy. Kakababa ko pa lang ng kwarto pero handang handa na si Daddy para sa opisina. Si Kuya Jasper naman ay naka-casual na suot, siguro ganito talaga siya kapag walang pasok.

“Goodmorning rin po,” sabi ko.

Napalingon sa akin si Kuya Jasper at binigyan ako ng isang malaking ngiti pati na rin si Daddy napatingin sa akin.

“Goodmorning, baby Sis. Musta ang tulog hindi ba malikot si Jess?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako at umupo sa tabi niya.

“Hindi naman medyo naninipa lang,” napangiti si Daddy at inabutan ako ng bacon.

“Eat. You need to be strong,” sabi ni Daddy.

Kumain na kami pero hindi ko pa rin nakikita si Nick. Simula kahapon sa paglabas ko sa hospital hindi ko pa rin siya nakikita. Hindi dahil sa nami-miss ko siya. Gusto ko lang linawin sa kanya kung ano ba kami.

“Dad, si Kuya Nick po?” tanong ko. Napatingin sa akin si Kuya Jasper ng seryoso, parang may pinapahiwatig siya sa akin.

“Dear, wag mo na siyang hanapin. Na kay Suzy siya,” sabi niya. “Wait, why do you always ask him? Do you know him?”

“Magkaklase po kasi kami. Gusto ko lang po siyang maging ka-close,” sabi sa akin ni Daddy.

“Oh, I thought you two have past. Lahat kasi ng babae pinapatulan ni Nick,” pinapatulan niya lahat ng babae? Bakit hindi ko ‘yon alam. “Anyway, why don’t have a bonding time with your brother Jasper?” ngumiti ako sa kanya at patuloy na kumain.

“Saan mo gustong mag-bonding time, baby Sis?” isinara ko ang pintuan ng sasakyan at tumingin sa kanya.

“Pwede bang wag mo muna akong tawaging ‘baby Sis’ medyo di kasi ako sanay,” nahihiya kong sabi sa kanya. Ini-start na niya ang sasakyan at hinawakan ang kambyo.

“Ganon ba? Akala ko kasi gusto mo,” malungkot niyang sabi sa akin. Nalulungkot ba siya dahil sa hindi ko pagpayag na tawagin niya akong ‘baby Sis’?

“Pero kung ayun ang gusto mo pwede mo nama—“ bago pa man ako matapos sa pagsasalita naunahan na niya ako.

“Hindi. Ayoko kitang tawaging baby Sis. Mas gusto ko ‘yung Naomi,” sabi niya sa malungkot na tono ng boses.

Kung gusto niya ‘yung tawag niya sa akin na Naomi pero bakit ang lungkot ng boses? Ano bang tumatakbo sa isip niya?

“Bakit ka malungkot? Nami-miss mo na siguro si Nick,” sabi ko sa kanya. Nakinig ko ang pagtawa niya pati na rin ang pag-ngisi niya.

“Hindi ba ikaw ang naka-miss sa kanya,” sabi niya sa akin at pinatakbo na niya ang kotse.

Ako nga ba ang naka-miss sa kanya? Siguro, sanay lang ako sa presence niya noong hindi ko pa alam na magkapatid pala kami. Siguro, sadyang ganon lang kapag may kapatid ka, concern ka.

“Saan tayo?” tanong niya sa akin.

“Pwede ba tayong bumili ng regalo para kina Aunt?” tanong ko.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon