[09]Eavesdrop

2.7K 66 3
                                        

Chapter 9: Eavesdrop

[Naomi's POV]

"ATE!!!" B-Bakit nandito 'to? Wag niyong sabihin na.... hanggang sa panaginip ko nambubulabog siya. Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung bangungot 'to o reality. Arouch!! Ang sakit ng kurot ko. Damn!! Nandito nga siya. "Ate, hi!! ^^"

"O nandyan na ang kapatid mo. Intindihin mo 'yan." sabi sa akin ni Aunt ng makadaan siya. Kinuha ko ang maleta ni Crystal at dinala sa kwarto ko. Jusko!! Lord, Bakit 'to nandito? Akala ko masaya na ang lahat pero hindi pa pala.

"Ate, sikat ka na bang writer? Naku!! Matutuwa si Inay kapag nagkataon na sikat ka na" nginitian ko lang siya. Akala mo ang bait pero hindi naman. Sus, nandito pa kasi si Aunt kaya ganyan 'yan pero mamaya mag-aala prinsesa na naman ito. Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto. Bigla na lang humarap sa akin si Crystal at nakataas ang kilay. Oh, diba taray ng kapatid ko pwedeng actress. Bigyan ng trophy!!

"Hoy, ampon. Ayusin mo 'yung gamit ko" sabi niya tapos sabay higa sa kama ko. Kapal fes!! Kala mo kung sino. Eh di ikaw na nga ang tunay na anak!! Ikaw na!! Gusto mo ng jacket?! Kinuha ko na 'yung gamit niya at inayos. Dami naman nitong dalang gamit.

"Crys, ilang araw ka ba dito." Mapapatay ko talaga 'to. Aba!! Ang kapal ng fes!! Ipanghiga ba naman 'yung sapatos niya sa bedsheet. Tao ba siya?! Siya kaya paglabahin ko. Tingnan ko lang kung magiging maganda ka pa rin.

"Nakalimutan mo na ba? O sadyang tanga ka lang? Dito na ako titira. Magcocollege na ako." napanganga naman ako sa sinabi niya. Siya. Ako. Sa iisang bahay at kwarto disaster 'to. Baka magkaroon ng World War III.

"Hoy, Cystal Gonzales. Makatanga 'to. Umalis ka nga diyan sa higaan KO. Nakapasa ka ba sa school namin?" HA!! Anong akala niyo magpapatalo ako sa katarayan nito? Hindi noh. Matapang kaya ako.

"Hindi. Pero may pera naman pinapadala si Mama at si Papa kaya walang problema." naging malungkot naman ako bigla. Mabuti pa siya pinapadalhan ng pera eh samantalang ako todo kayod para sa mga gastusin sa school. Nakaka-ingit talga 'tong si Crystal. Bukod sa maganda, matalino eh may magulang pa siyang 'totoo'.

"Kailan start ng pasok mo?" tumingin siya sa akin tapos.

"Bukas..."

***

Kulang na lang magtago ako sa palda ng nanay ko sa hiya. Kasi naman itong si Crystal kung makapagsuot ng damit. Naka-short shorts siya. As in sobrang igsi. Tapos naka fit siyang t-shirt. Pinagtitinginan na nga kami dito. Hindk niya ba alam na Christian School 'to. Kasabay ko pa siyang maglakad kaya nakakahiya. Nasaan na ba si Lina landi, dapat siya ang kasabay ko. Ang kapal rin talaga ng mukha nito sarap lihain. Taas noo pa talaga siyang maglakad. Please, mas gusto ko pang kainin ng lupa kaysa makasabay ko 'tong babaeng 'to.

Nang malapit na ako sa room ko na lang nakita si Suzy. Nagwave ako sa kanya pero inirapan niya lang ako. Anla, anong problema nun? Masundan nga.

"Crys, ikaw na lang maghanap ng room mo ha? May gagawin lang ako" sabi ko kay Crystal. Aalis na sana ako kaso nga lang bigla niya akong hinigit.

"Ano iiwanan mo na lang ang kapatid mo dito? Ang sama mong, Ate!" bigla na lang siyang umiyak. Jusko!! Ayan na naman siya nagdadrama. Umiiyak sa walang kabagay bagay. Bigla ko naman nakita si Lina.

"Lina!!" tinawag ko siya at pinalapit. "Ihatid mo nga 'tong si Crystal sa room niya. Ikaw na bahala sa kaptid ko ha?" tumakbo na ako papalayo sa kanila. Nadinig ko pa ang sinabi ni Lina.

"Hoy!! Nam!! Anong tingin mo sa akin babysitter?!" tumingin ako sa kanya.

"Pwede na friend!!" tumakbo na ulit ako at sinundan si Suzy. Gusto ko kasi siyang kausapin tungkol sa nakita niya sa kahapon na walang malisya 'yung pagkandong ko kay Nick. At saka sasabihin ko na 'yung boyfriend naman niya 'yung may kasalanan at hindi ako. Kasi naman takutin ba ako kay Shomba!! Teka, saan bang lupalop nagsusuot itong si Suzy. Ayun!! Papunta sa lumang science laboratory. Anu ba 'yan may naalala ako sa laboratory... alam niyo ba 'yung story ni Epal Author yung Friendzone. Grabe, nakakaiyak 'yon :'''(.

Papasok sana ako sa loob kaso nga lang nakita ko si Nick sa loob. Bakit kaya sila nandito sa lumang laboratory? Hindi kaya gagawa sila ng baby?! Ay! tunge mahirap gumawa dyang masikip. Pero sabi nila basta madilim, masikip oks na raw. Ayun 'yung sabi nila. Masama mang mag-eavesdrop pero ginawa ko na eh...

"So, payag ka na sa plano ko?" sabi ni Nick kay Suzy. Teka, gagawin ata nila. OMG!! SPG!! Striktong Patnubay ng magulang ang kailangan.. maaring may maseselang tema, lenguwahe, karahasan, sekswal, horror at drama na hindi angkop sa mga bata.

"Ano bang mapapala mo kung gagawin mo 'yun?" sabi naman ni Suzy kay Nick. Nakita kong lumapit si Nick kay Suzy. As in!! Super lapit!!. Ganito ba si Nick kapag may kasamang babae sa loob ng kwarto. Bagay nga sila ni Suzy. Agressive!!!

"Una, mapapasa akin ang kumpanya. Pangalawa, mapapasa akin rin ang minamahal niya at pangatlo, mawawala ang lahat lahat ng mana niya at mapupunta sa akin 'yon." Ano ba naman 'to? Para silang si Eya at si Cross. Partners in Crime ang peg!! Ang drama niyo te!!. "Lahat ng nasa kanya ngayon mapapasa akin rin balang araw" Ay akala ko tapos na speech ni Nick, hindi pa pala. Dahil diyan bigyan ng trophy!!

"Ano naman kinalaman dito ni Naomi? Wala naman siyang kasalanan dito" mas lalo akong naging isang dakilang eavesdropper ng madinig ko ang pangalan ko. Tae!! Pati ba naman ako gustong isali sa SPG nila. Wag, uy!!

"Of course, kasama siya dito. Siya ang magdidistract sa kapatid ko. Siya rin ang aagawin ko sa kanya. At siya rin ang prize ko" may kapatid si Nick. Sino naman kaya 'yun? Ang malas malas naman niya kasi kasama siya sa SPG nitong dalawa pero ano 'yung sinasabi niyang 'ako' 'yung 'prize'.

"Fine, sige. Sama ako sa plano. Tutal naman may kasalanan rin sa akin 'yang kapatid mo." Teka, mag-usap pa kayo. Naku, nagshake hands na sila. Tapos palabas na sila. Takbo dakilang eavesdropper!!! Takbo!!! Tumakbo na ako palayo sa kanila.

"Butiking palaka!!!" Aray!! ko. Tae, naman nadapa pa ako. Ang shunga kasi nung bato paharang harang sa daan, ayaw tatabi alam na may natakas na eavesdropper. Nakita ako ni Nick at lumapit siya sa akin.

"Naomi? Naomi, anong nangyari sayo?" tiningnan ko 'yung tuhod ko. Fck!! May sugat ako at nagdudugo.

"Nadapa kasi ako. Paharahara kasi 'yung bato *pout*" tinuro ko 'yung bato gamit 'yung nguso ko.

"Wag mo ngang sisihin 'yung bato. Ikaw 'tong hindi tumitingin sa bato. Tara na dadalhin kita sa clinic" bigla na lang niya akong binuhat. Ang lakas pala nitong si Nick. "Ang bigat mo. Para kang baboy."

"Hoy!! kapal nito. Hindi kaya ako baboy.*pout*" tumingin siya sa akin ng masama. Ito na naman po tayo ang cold stares ni Nick.

"Please, wag ka ngang mag-pout..." napataas naman ako ng kilay para siyang si Jasper "...baka halikan kita."

"Ha? Ano 'yung sinabi mo?" hindi ko kasi nadinig 'yung sinabi niya bago 'yung pinagbabawalan niya akong magpout.

"Wala!! sabi ko wag kang malikot. Mabigat ka..."

"Hindi nga ako mabigat!!"

"Paano mo naman nalaman?! Kaya mo bang buhatin ang sarili mo?!"

"Basta!!"

[Suzy's POV]

"Hindi nga ako mabigat!!"

"Paano mo naman nalaman?! Kaya mo bang buhatin ang sarili mo?!"

"Basta!!"

"Baboy..."

"Pag-ako nakababa.. iwre-wrestling kita." nakakaingit ka Naomi. Kung alam mo lang kung gaano ka-swerte. Gustong gusto ko na maging ikaw. Kaso nga lang malas ka rin kasi lahat ng ka-swertehan mo ngayon. Balang araw magiging kamalasan rin 'yan.

***

A/N: Yehey!! May nagong character meet Crystal ------------------------>

Opo siya po si Krystal Jung ng f(x). Sino po dito ang maka-f(x)?

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon