Chapter 35: I Wanna Grow Old with You
[Naomi's POV]
Sobrang romantic ng paligid. Maraming candles, may petals ng red roses sa sahig tapos may red carpet pa. Sa dulo ng red carpet may table doon na may mga pagkain at kandila sa gitna. May nakita akong nagviviolin na lalaki sa gilid. Kumpleto na ang lahat at halos perfect na, ang kulang na lang ay ang makaka-date ko.
Nakatalikod siya sa akin. Nakita ko ang matikas niyang tayo, nakatuxedo siya na mas lalong nagpagwapo sa tindig niya. Hindi pa siya humaharap pero alam ko na sobrang gwapo niya. Tuluyan na siyang humarap sa akin at nakita ko ang pamilyar niyang mukha. Walang pinagbago ito bukod sa kaunting bigote niya.
Pinaupo niya ako. Naisip ko napaka-gentleman naman niya.
"May sasabihin ako sa'yo."napatingin ako sa kanya na may ngiti sa mukha. Nagtataka ako kasi parang nag-iba ang tugtog ng violin sa tabi namin. Napatingin ako sa lalaking nagviviolin, normal lang naman ang galaw niya pero bakit parang nagiging tambol ang tunog.
"Ano 'yon?"alam kong masamang mag-assume pero magpropropose ba siya? Pero wala namang masama sa ginawa ko diba? Na mag-assume ako? Kasi ilang taon na kami.
"Wag kang iiyak. O magugulat. Makinig ka muna sa sasabihin ko."bigla na lang nawala ang ngiti ko sa mukha. Hindi ko alam pero parang bigla na lang akong naging malungkot. Parang bigla na lang tinutusok ang puso ko ng milyong milyong karayom.
"Let's end this relationship."parang nagunaw ang mundo ko. Parang unti unti siyang lumayo mula sa akin. Nahihilo ako. Bigla na lang siyang tumayo at umalis. Sa kanyang pag-alis ay siyang pagbuhos ng ulan. Parang nakikipagluksa ito sa kalungkutan ko.
Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako iniwan Nick? Hindi ba mahal mo ako? Hindi ba sinabi mo na hindi mo ako papaasahin? Bakit?
"Wag mo akong iwan,"
"Hindi kita iiwan." nagising ako dahil sa isang boses. Napaatras ako at tumama ang ulo ko sa headboard ng kama ko. Shit! Ang sakit! Ayan! na naman nakapagsabi ako ng bad words. *tampal sa bibig* itapon na 'yan!
"Goodmorning," sabi niya sa akin sabay halik sa noo ko. Paano siya nandito sa kwarto ko? "Happy Birthday, Yam." sabi niya sa akin tapos kiniss naman niya ako sa cheek. Forever kissing monster talaga 'to.
"Paano ka nakapasok dito?" humawak ako sa ulo ko na nauntog sa headboard dahil sa pagkagulat sa nilalang na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Jusko! Eh kung ganito ba naman ka-gwapo ang tumambad sayo, umagang umaga. Kanin na lang ang kulang.
"Simple lang pumasok ako sa pinto ng kwarto mo." pilosopo. Sus, birthday ko nga ngayon pero ang lakas lakas niyang mamilosopo.
"Naomi! Bumababa na kayo baka kung anong gawin niyo dyan!" si Aunt talaga napaka-green ng utak. Hindi naman ako ganoong babae.
"Tayo na dyan may pasok ka pa. At baka kung anong magawa ko sa'yo kahit wala ka namang masyadong hinaharap." sabi niya sabay tawa at labas ng kwarto. Eh di ako na nga ang walang boobs! Hindi naman kailangang ipagdukdukan.
Kumain lang kami at umakyat na ulit ako ng kwarto. Syempre, ayoko namang makita rin ako ng mga kaklase ko na ganito rin ang itsura na bagong gising. Siguro, alam ni Aunt na pupunta dito si Nick, wala man lang siyang reaksyon noong dito siya kumain tapos ginising pa ako.
Pumasok na ako ng banyo. Bigla na lang may kumatok, sino namang kakatok sa kwarto ko? Si Crys? Pero ang alam ko doon siya naliligo sa kabilang banyo. Pinatay ko muna ang gripo para madinig ko kung sino.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
