[52] Hug

1K 32 4
                                    

Chapter 52: Hug

[Naomi’s POV]

“Hello po… Happy New Year… Ingat po kayo… Opo… opo… bye!” inend ko na ang call at bumalik ang tingin ko kay Daddy, Jasper, Jess at Nick. Masayang masaya silang lahat except kay Nick na sobrang talim ng titig sa akin.

Okay, fine. Galit siya sa akin. So what?! Kung galit siya sa akin hindi ako magagalit kasi wala namang reason para magalit ako sa kanya. Kung ayaw niya akong pansinin, mas lalo ko siyang kukulitin. Akala mo susuko ako. Well, nagkakamali ka kasi hindi. Hindi ako susuko.

Kumuha ako ng barbecue at lumapit kay Nick na nakahalukipkip habang nagkasandal sa pader ng bakuran ng bahay namin. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa paglapit ko sa kanya.

Iniabot ko sa kanya ang barbecue na hawak ko. Tiningnan niya muna ako at ang hawak kong barbecue bago kunin ito at kagatan. Sabay kaming tumingin sa langit kung saan punong puno ng fireworks.

“Happy New Year.” Mahina niyang sabi.

Lumingon ako sa kanya at nagulat ako sa pagtitig niya sa akin. Nagtama ang mata namin.

“H-happy New Y-year din.” Ani ko.

Bakit ako nauutal? Naomi, hindi ngayon ang oras para mautal ka sa harapan niya. Baka isipin niya na… may feelings ka pa para sa kanya. Ayokong maging incest kaming dalawa.

“Naomi, anong plano mo?” aniya.

“Diba nasabi ko na. Ipapasa ko ‘yung manu—“ hindi niya ako pinatapos.

“Anong plano mo sa akin?”

Mas lalo lang nagulahan sa feelings ko. Mahal ko ba siya dahil sa kapatid ko siya at normal lang sa magkapatid na mahalin ang isa’t isa o mahal ko siya na dahil sa pagmamahal na iyon at gusto ko siyang makasama habang buhay.

“Plano mo ba akong layuan?” aniya.

Napalunok ako sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ko siya kayang layuan, masakit yon sa akin.

“H-hindi.” Ani ko habang nauutal.

“Mabuti naman… kasi hindi ko ata kakayanin kung lalayuan mo ako.” Sabi niya sa malungkot na tono.

Umalis siya sa tabi ko at pumunta na kina Daddy na walang kaalam alam sa pinag-usapan namin.

“Ano bang plano mo? Maging writer o engineer?” tanong ni Jasper. “Naomi? Naomi? Nakikinig mo ba ako?”

Bumalik ako sa realidad dahil sa pagkaway ni Stephanie sa harapan ko. Nandito kami sa Starbucks at nagpapalipas lang ng oras. Malapit na rin kasi ang pasukan at magiging busy na naman ako.

“Ewan. Hindi ko pa kasi alam kung anong gusto ko.”

“Dapat alam mo na ‘yan by this time kasi malapit ka nang maging grad.” Sabay inom ni Stephanie sa kanyang frap.

“Fany, wag na natin siyang ipressure. Alam mo naman mahirap makapagdesisyon kapag nape-pressure ka.” Ani Jasper na nakasuot ng simpleng T-shirt at pantalon pero agaw tingin pa rin siya sa mga babae dito sa Starbucks.

Nagkibit balikat na lamang si Stephanie sa sinabi ni Jasper.

Nakakapagtaka lang kasi bakit hindi man lang nagseselos si Stephanie, siguro nature na niya ang pagiging creepy at pagwawalang bahala sa paligid niya. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo si Jasper at nagpa-alam mag-c-cr lang siya.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon