[49] Jelly

1K 35 1
                                    

Chapter 49: Jelly

[Naomi’s POV]

“You’re so beautiful Ate.” Sabi ni Jess. “Ate and Kuya Nick is perfect match.”

Nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at tumalungko ako para magkasing height na kaming dalawa. Hinawakan ko ang braso niya at huminga ng malalim.

“Jess…” tawag ko sa kanya. “Ate and Kuya Nick are siblings so we are not allowed to have feelings for each other. It’s a crime, baby.” Sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Sabi na nga ba hindi niya maiintindihan ang sinasabi ko kasi masyado pa siyang bata.

“Ate, why it is a crime?” aniya.

“Kasi we share the same blood so we are not meant for each other. Do you understand it?” ani ko.

Umiling siya at ngumuso sa harapan ko. Ngitian ko na lang ang ka-kyutan ng batang ‘to. Hay… hindi nga nagsisinungaling ang mga bata kaso nga lang mahirap silang maka-intindi ng mga complicated na bagay.

Tiningnan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin. Simple lang floral dress na off-shoulder at naka-flat shoes lang ako. Pero bumagay ito sa akin dahil sa nakita ang nunal ko sa may collar bones.

Binuksan ko ang pinto. Kasabay kong lumabas si Jess na naka-hawak sa kamay ko. Pagbaba ko pa lang isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Si Nick na napatigil sa paglalaro ng X-box dahil sa pagtingin sa akin habang bumababa ako ng hagdanan. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin hanggang sa makalapit ako kay Daddy.

“Dad…” tawag ko kay Daddy para tingnan niya ako.

“You look so beautiful, dear. I hope your Mom could see you like that.” Aniya.

“Wow! Ikaw ba ‘yan Naomi!” energetic na sabi ni Jasper. 

“Bakit ang energetic mo? Naka-drugs ka ba?” pabiro ko sa kanya.

Napatawa naman si Daddy sa sinabi ko. Tumikhim siya at nakita ko ang pagngiti niya.

“Energetic ang kapatid mo kasi sinagot na ‘yan ni Stephanie. For many years may naging girlfriend rin ‘yan.” Kwento ni Daddy.

Tumingin ako kay Jasper at binigyan siya ng makahulugang ngiti na ikwento sa akin kung paano siya nanligaw. Ngumiti siya.

“Alam mo Naomi wag ka ng magpa-cute sa akin kasi hindi ko naman sa’yo ikukwento ang kung paano naging kami ni Fany.” Ani Jasper.

“Wow! Kailan mo pa naisipang tawagin siyang ‘Fany’?”

Ngumiti lang siya sa tanong ko. Tiningnan ko si Nick na busy pa rin sa paglalaro ng X-box habang nakataas ang paa.

“Nick! What do you think of our sister?!” masayang sabi ni Jasper.

Hindi man lang nag-react si Nick sa tinanong ni Jasper. Sa halip, patuloy pa rin siya sa pag-kalikot sa joystick. Wala man lang siyang expression sa mukha, nakatingin lang siya sa may flat screen.

“Nick…” mala- awtoridad na sabi ni Daddy.

Boring siyang tumingin sa akin. Tiningnan niya ako from head to foot at saka bumalik ang tingin niya sa flat screen.

“She’s fine.” Sabi niya.

Huminga na lang ako ng malalim at saka tumingin kay Jasper. Nakita ko ang disappointment sa mukha dahil siguro sa sinabi ni Nick. Well, kahit ako disappointed sa sinabi niya pero wala akong magagawa kasi ayun yung opinyon niya.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon