Chapter 57: The Ring
[Naomi’s POV]
“Ate! I’m Home!”
Lumingon ako at nakita ko si Jess na nakangiti sa akin habang papalapit sa kusina. Pagkalapit na pagkalapit niya ay niyakap ko kaagad siya.
“Kamusta ang pasok.” Tanong ko rito.
“Look ate, I got a star.”
Pinakita niya sa akin ang nakatatak na star sa kamay niya. Tuwang tuwa siya dahil sa pag-congratulate ko sa kanya. Nasa likod naman niya si Jasper na masayang nakatingin sa amin. Lumapit siya sa amin.
“Bukas na ang birthday ni Suzy.” Bulong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. Nakakunot naman ang noo ni Jess dahil sa pagbubulungan namin ni Jasper. “Kuya Jasper and Ate has a secret.” Aniya.
Nginitian ko lang siya at pinat ang ulo. “Magbihis ka na. Basa ng pawis ang likod mo.” Ani ko.
Humarap ako kay Jasper. “Anong plano? Paano kami magkaka-usap ng kami lang?” tanong ko.
“Nakausap ko na siya at…” at ano Jasper? Hindi siya pumayag sa plano? Ayaw niya na magkaroon ng closure? “…hindi siya nagdalawang isip na pumayag sa plano.” Napabuntong hininga ako sa dahil sa sinabi niya.
Hindi siya nagdalawang isip na pumayag. So, gusto na rin niya akong kalimutan? Well, that’s good. Sa tingin ko.
“When lights go out, doon ka niya hahablutin at dadalhin sa isang private room.” tumango lang ako sa sinabi niya. “And one last thing masquerade party nga pala yung birthday party.”
Lumabas na siya ng kusina, at nagpatuloy na ako sa pagluluto ko.
Bumalik sa alaala ko kung anong sinagot ko kay Nick noong tinanong niya ako na mahal ko ba siya.
“Ikaw, mahal mo ba ako?” tanong niya sa akin.
“N-nick…”
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Alam ko na mali ‘tong pagmamahalan namin. Siguro in the near future kung mabubuhay man kaming muli at magkikita baka pwede pa pero magkapatid kami.
“Naomi, answer my question.” Aniya. “Do you love me?”
Ilang beses kong inisip kung mahal ko ba talaga siya o gusto ko lang ang salitang forbidden dahil exciting. “N-nick…” nanginginig ang boses ko dahil sa takot na masasaktan ko ulit siya. “I’m sorry.”
Ayun lang nasabi ko sa kanya ng tanungin niya ako. “I’m sorry.” Napakatanga ko talaga. Ni hindi ko man lang masabi sa kanya yung three words na ‘yun. Sa tingin ko mahal ko siya na sa puntong gusto ko na siyang pakasalan.
“Naomi.” Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.
“Dad, malapit na pong matapos ‘tong niluluto ko.” Ani ko rito.
“Naomi, I’m sorry.” Napalingon ako sa kanya.
“Dad, naiintindihan ko naman po kung bakit masyado po kayong protective sa akin. Hindi niyo na po kailangang humingi ng pasensya.” Ani ko.
“No, I really need to say sorry to you.”
“Dad, ayos lang po ‘yun.”

BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*