Chapter 19: The Other Side
[Jasper's POV]
"Nasaan si Naomi?" hinihingal kong tanong kay Lina. Kanina noong umiiyak si Naomi may bigla na lang tumusok sa puso ko. Ano ba talagang nangyari sa kanilang dalawa ni Nick? Sabi niya iniwan siya ni Nick sa mall, gusto ko sanang suntukin si Nick pero hindi ko magawa kasi kapatid ko pa rin siya.
"Umalis, magkasama silang dalawa ni Nick." sagot sa akin ni Lina. Magkasama?
"Saan sila pumunta?" tanong ko kay Lina. Nagkibit balikat na lang siya sa tinanong ko. Lumabas ako kaagad at hinanap sila sa buong building sigurado naman na nandito lang sila. Napatigil ako sa pagtakbo ng madaanan ko si Suzy. Bakit siya nandito? Hindi ba dapat nagkakaklase na sila?
"Hinahanap mo ba si Naomi at Nick?" paano niya nalaman? Paano niya nalaman na hinahanap ko silang dalawa? Lumapit ako sa kanya.
"Oo, nakita mo ba sila?" tanong ko sa kanya. Itinaas niya ang hintuturo niya.
"Nasa rooftop sila, may pinag-uusapan." malamig niyang sambit. Sana'y na ako sa pakikitungo niya sa akin, na para lang akong hangin na dumaan. Hindi ko naman siya masisi kasi ako naman ang dahilan. Papunta na ako sa rooftop pero hinawakan niya ang braso ko. "Ihanda mo ang sarili mo sa makikita mo," sabi niya sa akin. May konti pa siyang mga galos, sa mukha at katawan. Tumakbo na ako sa may rooftop. Nakita kong nakabukas ng konti ang pintuan nito.
"Ang consequence na mahalin ang isang katulad mo, Naomi Gonzales." nadinig ko ang boses ni Nick. Sinilip ko sila, nakita ko si Nick na hinalikan niya si Naomi sa noo. "Let's end this fake relationship and let's have a true relationship, Yam" sabi niya kay Naomi. Napatingin ako sa naging reaksyon niya sa sinabi ni Nick. Nakangiti siya. Masaya siya. Masaya siya sa piling ng iba. Ang sakit, ngayon ko na lang 'to naramdaman. Mas lalong tumindi ang nararamdaman ko ng may sambitin si Naomi.
"I love you, Yam" hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko. Ang bakla ko naman. Umiiyak ako dahil sa nalaman kong may mahal ng iba ang taong kahit kailan ay hindi naman naging akin. Dapat nga sana'y na ako sa mga ganitong sitwasyon. Bumaba ako ng rooftop at nakasalubong ko ang isang babae. Maputi siya, may side bangs at halatang masayahin.
Tiningnan niya ako. Nilagpasan ko lang siya pero hinawakan niya ang balikat ko at inabot sa akin ang isang puting panyo. "Malaki ata ang problema mo? Kaya sa'yo muna 'tong panyo ko," sabi niya sa akin. Kinuha ko naman ito. Ngumiti siya at umalis na. Tiningnan ko 'yung panyo. Nakita ko ang isang burda ng letrang S. Naalala ko na naman siya, batang palagi akong dinadamayan noong bata ako. Napangiti naman ako. Siguro kung nandito siya dadamayan niya rin ako.
Life goes on, hindi ko pwedeng itigil ang buhay ko dahil lang sa isang babae na hindi ako nagustuhan.
***
[Lina's POV]
"Nasaan na kaya 'yung dalawa?" napa-isip tuloy ako. Parang ang laki ng problema ni Friendship. Kanina umiiyak siya. Hindi kaya... may ginawa silang dalawa na kababalaghan ni Nick? Tapos may junakis na silang dalawa? Pero ayaw naman panugutan ni Nick?! Oh em gee! Ang alam ko sa teleserye lang 'yon nangyayari pero pati pala sa true life pwede itech mangyari.
"Babe, anong iniisip mo dyan? Para kang natatae," napatingin naman ako sa bintana. Nakita ko 'yung reflection ko. Hindi naman ako natatae. Hindi nga ako pinagpapawisan eh.. ang fresh ko kaya.
"Wala, babe. Iniisip ko lang si Friend" sabi ko sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya. Anyare! Bakit nakangiting aso ito si Mokong? "Anong ngingiti mo dyan? Muka kang unggoy" sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
Любовные романыPsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*