Chapter 13: Simpleng Usapan naging Tanungan
[Jasper's POV]
Masaya ako ngayong araw na ito. Lumakad ako papunta sa likod-bahay para makita ko ang magandang sunset. Umupo ako sa upuan at sumadal. Mostly pag-ganitong mga oras nasa loob lang ako at nag-aayos ng mga papers para sa bussiness. Pero ngayong araw na ito naging kakaiba ang araw ko dahil kay Naomi. Nang dahil sa kanya mayroon akong hawak na kape at masayang naka-ngiti. Sana araw araw ko siyang makasabay pagkain. Kahit na 'yon lang ang time na nagkasama kami at simple lang feeling ko napaka-espesyal noon.
I still think about her relationship with Nick. 'Yung kasing mga kilos at pananalita ng kapatid ko parang nakita ko na dati noong parehas kaming may nararamdam para kay Suzy. Walang pinagka-iba. Is this what he called 'put Naomi in his hands'? Napa-upo ako ng ayos at inilapag ang kape ko sa lamesa. Ito ba ang plano niya? Naalala ko pa noon nung nanliligaw ako kay Suzy.
~Flashback
Dala ko ang mga rosas para kay Suzy. She really love red roses and all the things in red. Lahat na ata ng kulay red binibili niya. Today, sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ngayon araw na ito magtatapat na ako sa kanya. First year college ako ng mga panahong 'yon at si Suzy ang first love ko. Malapit na ako sa gate ng bahay nila na kulay puti at pula ang kulay. Pati rin si Tita mahilig sa red kaya pati ang kulay ng bahay nila ay pula. May pinagmanahan si Suzy. Pati kagandahan ni Tita naman niya.
"I love you," napatigil ako sa paglalakad dahil sa nadinig kong pamilyar na boses. Napatingin ako sa may playground at nakita ko si Suzy at isang lalaki. Hindi ko makita kung sino 'yung lalaki dahil sa nakaharang na puno. "I said I love you. Wala ka bang irereact?" Tanong ni Suzy. Tumungo siya at tinakpan niya ang kanyang mukha. Nakinig ko ang kanyang mga hikbi na hudyat na naiyak siya. Gustong gusto ko siyang lapitan, yakapin at icomfort. Pero hindi ko magawa dahil sa biglaang pagyakap sa kanya ng lalaki.
Saka ko lang na-realize kung sino siya. "Shh... Suzy wag kang umiyak. Ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak. Ayoko ring nakikita na ang taong mahal ko ay nasasaktan ng dahil sa akin," sa sinabing 'yon ni Nick parang nagunaw ang mundo ko. Tumalikod ako sa kanila para hindi ko sila makita na kasalukuyang naghahalikan. May tumulong mainit na tubig mula sa mata ko. Tiningnan ko ang roses na dala ko.
"Walang kwenta,"sabi ko sa rosas. Itinapon ko ito sa pinakamalapit na basurahan at tumakbo na.
Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Wala akong nagawa kundi ang umiyak pero makaraan ang ilang araw naka-move on na rin ako. Lalo na 'nung mag-sorry sa akin si Suzy dahil sa nasaktan niya ako. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na maghiganti dahil sa ginawa sa akin ni Nick. Ang hindi ko maintindihan bakit siya ang may malaking galit sa akin? Na hanggang ngayon ay lahat ng pagmamay-ari ko ay kinukuha niya. Hindi ko pa rin alam ang plano niya kay Naomi. Basta ang alam ko lang kailangan kong protektahan si Naomi mula sa kanya.
[Naomi's POV]
"ANG LANDI MO, FRIEND!!!" tinakpan ko naman ang tenga ko dahil sa pagsigaw ni Lina. Jusko! Feeling ko nasira 'yung eardrums ko dahil sa JUMBOnganga nitong si Lina. Ilan kayang megaphone ang nakain niya? O baka naman siya ang long lost sister ni Anne Curtis?
"Lina, ang ingay mo. Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag nagsasabi ako sa'yo ng sikreto ko bigla bigla ka na lang sisigaw," binatukan naman ako ni Lina. Masakit 'yon! Para na siyang si Aunt. Sadista! Mamaya irereklamo ko 'to sa Bantay Bata.
"Shunga ka ba? Anong sikreto? Eh tatlo na tayong may alam ng sikreto mo," Ha? Kailan pa kami naging tatlo? Ako, si Lina at saka sino? Anla! Baka may third eye si Lina tapos may nakikita siya na hindi ko nakikita!
BINABASA MO ANG
Whisper {Completed}
RomancePsst.... may ibubulong ako sa'yo... bilis lapit ka. *tsup*
