[15] First Date, Yam?

1.7K 42 3
                                        

Chapter 15: First Date, Yam?

[Naomi's POV]

"Wag kang lalapit," kinuha ko ang unan sa tabi ko at akmang ibabato sa kanya. "Ibabato ko 'to sa mukha mo!" lumapit pa sya lalo sa akin, at umatras naman ako. Walang hiya! Anong ginawa niya sa akin?! Niyurakan niya ang pagkababae ko! Mga animals!

"Huminahon ka nga. Baka mahulog ka," lumapit siya at binato ko sa mukha niya 'yung unan at sapul. "Masakit 'yon ha! Ano bang problema mo?" tinanong pa nya talaga kung anong problema ko?! Shunga ba siya?! Naka-drugs?! Naka-shabu?! O nakahithit ng muriatic acid?!

"Tinatanong mo kung anong problema ko?! Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sabi ko sa kanya.

"Bakit naman ako ang naging problema mo?" tanong niya sa akin. Kinuha ko ang tablet na binigay sa akin ni Jasper at itinaas ko sa ere.

"Sige! Lumapit ka pa! Ibabato ko 'to! Sapul 'to sa mukha mong makapal!" sabi ko sa kanya. Bumuntong hininga siya at ipinikit ang mata niya. Iniabot niya ng kamay niya sa akin pero tinabig ko ito. Naging cold na ang tingin niya sa akin tapos unti-unti siyang lumapit sa akin. "Hindi ka ba nakikinig sabi ko lumayo ka!!" sabi ko sa kanya. Hindi siya nakinig sa halip lalo pa syang lumapit sa akin. Umatras naman ako.

"NAOMI!!!" 

"AHHHH!!"

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Nick. Gamuntik na ako doon, mabuti na lang nasambot niya ako. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na kitang kita ko na ang kulay ng mata niya. Nakakaakit ang kulay nito na gustong gusto kong tingnan. Napatingin naman ako sa ilong niya, ang tangos tangos nito. Siguro ang sarap nitong maka-nose to nose. Bumaba pa lalo ang tingin ko at nakita ko na naman ang lips niya na mapupula. Napalunok ako.

"Naomi, kanina pa--" napatingin kaming dalawa sa may pintuan. Nakita ko si Aunt na halos lumuwa na ang mata dahil sa nakita niya. Tunge! nakapatong nga pala si Nick sa akin kasi gamuntik na akong mahulog. "A-ah... sige ituloy niyo lang 'yung ginagawa niyo," lumabas si Aunt at sinara ang pinto.

"Aunt, mali po 'yung inisip niyo." tumayo ako at tinabig si Nick kaya naman nahulog siya sa kama. Nakinig ko 'yung paglagotok ng ulo niya. Siguro ang sakit 'non. Hindi ko na sinundan si Aunt. Pinuntahan ko si Nick at nakita ko siyang nakahawak sa ulo niya.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya na mahulog ka," tumingin siya sa akin tapos tinanggal ko naman 'yung kamay niya sa ulo. Hala! May bukol.

"Wag ka ng mag-sorry, nangyari na eh," ano bang ginagawa ni Mama kapag nagkakabukol ako nung bata? Ahh! Alam ko na. Kumuha ako ng barya sa may drawer ko at itinapat ito sa noo ni Nick.

"Wag kang malikot." idiniin ko ang barya sa pamamagitan ng labi ko ganito kasi ang ginagawa ni Mama sa akin nung bata palang ako. Malikot kasi ako nung bata, madalas tuloy akong mabukulan. "Oh, ayan okay na," sabi ko sa kanya. Inilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Sobrang tindi ng tingin niya parang nagfrost na ako sa pwesto ko. 

"ATE! KAKAIN NA!" napakurap ako ng biglang sumigaw si Crys.

"Oo, pababa na kami!!" tumingin ako kay Nick. Tumayo na ako at inaabot sa kanya ang kamay ko. Kinuha naman niya ito, nakatingin pa rin siya sa akin. May dumi ba ako sa mukha?

***

"Aunt, 'yung nakita niyo po kani-" naputol ako sa pagsasalita, dahil sa biglang pagsasalita ni Aunt.

"Naomi, naiintindihan ko naman kayo, pero ang sa akin lang tapusin niyo muna ang pag-aaral niyo bago niyo gawin ang mga bagay na 'yon," Ayaw naman akong pakinggan ni Aunt. Kanina pa ako nagsasalita dito, hindi na niya ako pinapatapos sa paliwanag ko. Feeling ko nga ubos na ang saliva ko.

Whisper {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon